Three

357 4 0
                                    

Chapter 3

Hazel Eyes

Loise

Hapon nang bulabugin ako ni kuya mula sa panonood ng Sweet Flicks episode sa Star Movies.

“Sup, little sis?” panimula ni kuya sabay upo sa tabi ko. Kumuha pa siya ng popcorn na kinakain ko.

“Kuya, you’re disturbing me. Utang na loob.” I said in a monotone. Busy ako sa panonood, eh.

“Hahaha geez, chill there. Masyadong mainit ulo mo.”

“Ugh, sorry okay? Just don’t feel like talking to you, e.” I finally said. Totoo, wala ako sa mood makipagusap. “Nasaan ba sila mom? Ba’t di ko sila nakikita?” Malaki yung bahay naming pero OA naman yata kung di na kami magkakitaan, di ba?

“They’re out of the country.” Tumaas ang isang kilay ko. “Vacation.” Pagpapatuloy niya.

“Ah, okay.” Sagot ko. Napahinto ako sa panonood. “You know what kuya? Instead of pestering me, why don’t you call your friends or have a date with Ate Cerine? I have my own business y’know.” Sabi ko para lang tantanan ako ni kuya. Ang clingy kasi niya. Di naman sa nagiinarte pero ayoko kasi talaga nung may nakacling sakin habang nanonood ng movie. Maarte ako eh.

“Know what? You’re a genius! No wonder kapatid kita! Hahahah!” sabi ni kuya sabay kuha ng phone at may tinawagan. Baliw talaga yun.

**

 

Katatapos ko lang magshower nang makarinig ako ng ingay sa baba. Nagbihis ako then went down only to see kuya and his oh-so-dashing friends playing Just Dance. They’re dancing to the song of Toxic by Britney Spears. Mukha silang mga baklang freaks. Oh scratch that, hot na baklang freaks. Hahaha loko lang.

“Ehem. Kuya, what will I cook for dinner?” sabi ko dahilan para mapatingin sakin ang dalawa niyang kaibigan. Napatigil sila sa pagsayaw na parang nahihiya sa nakita ko.

“You decide. Masarap ka naman magluto di ba? or Patulong ka na lang kina Yaya Linda.” Sabi ni kuya habang sumasayaw pa din. Di ko siya kapatid, promise.

“No need to disturb them, I can handle.” Sabi ko at ngumiti bago tuluyang pumunta sa kusina.

**

3rd person

 

“Damn, di mo sinabi sakin na ang ganda pala ng kapatid mo.” Sabi ni Brix. Isang pure-blooded Pinoy pero may mga features siya ng isang dayuhan. Matangos na ilong, malalim at kulay abo ang mga mata at mapupulang labi na nakakaakit ng husto. Siya ang pinakamadaldal at pinaka’friendly’ sa apat.

“Why would I? Isa pa, she’s my sister and you’re one of my friends. Bro code, dumbass.” Sagot ng panganay na si Von. Masyado siyang protective pagdating kay Louise dahil ito lamang ang nagiisang niyang kapatid, babae pa ito at mas nakakabata pa. Siya naman kasi ang pinakamatanda sa kanilang magkakaibigan kaya natural ang pagiging protective at authoritative.

“Come on bro, kahit ako na-crush at first sight sa kapatid mo. Shit” tugon naman ni Heath. Isang half-Pinoy, half-Korean. Singkit ang mga mata at kung ngumiti ay tila nakangiti na din ang mga mata – eyesmile. Maninipis at pinkish na labi at siyempre, matangos ang ilong. Itong isang to ang pinakamasiyahin ngunit misteryoso.

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon