Thirty Nine

160 2 0
                                        

Chapter 39

Always been you

Loise

 

“Take Care, Chip.. Ingat kayo.” Ani Fei pagka-drop by namin sa kanya sa tapat ng condo niya. Bago pa siya bumaba ng sasakyan ay hinalikan niya pa si Martin sa pisngi, “I love you, Chip..” sabi niya at bumaba na sa mula sa shotgun seat.

The hell! Tama bang mag-PDA sa harapan ko?! Kanina ko pa tinatago yung pagkainis ko mula pa sa parking ng Enterprise. Pano ba naman kasi! Pagkadating namin sa tapat ng sasakyan ni Martin, umupo na agad sya sa shotgun seat. As if naman na uunahan ko siya ‘dun, duh! Di niya naman kailangan ipamukha sa’kin na siya ‘yung girlfriend.

“Sera? Sera, you’re spacing out..” sabi ni Martin habang nakangiti. Pangisi-ngisi pa siya, kala niya ang gwapo niya. Leche, totoo naman!

Tinaasan ko siya ng kilay, “What?” masungit kong tanong. Nabbwisit pa din ako sa girlfriend niyang impaktita.

“I said, go out and move here beside me..” sabay turo sa passenger’s seat. Napayuko ako at di mapigilang mamula. Grabe naman, ganun ko na siya kamahal? Simpleng salita lang niya, iba na agad ang dating sa’kin! Lumipat ako sa harap at tumingin sa labas ng bintana, “Where are we going? Bumalik na tayo sa office, may kailangan pa akong tapusin.”

“Really? Sabi ni Mariel, wala ka na daw gagawin kasi tapos mo na lahat ng designs?” nakangisi niyang sabi na parang sinasabi niyang, ‘Nice try, but your reason won’t work.’ The nerve!

Inirapan ko nalang siya dahilan para humalakhak siya. Inistart niya nalang yung sasakyan at hindi na ako nagbalak na magtanong kung saan kami pupunta. Kasi aaminin ko na sa sarili ko, namiss ko siya. Namiss ko yung mga panahong wala akong feelings para sa kanya. Namiss ko yung mga panahong nag-aaway lang kami. Namiss ko yung panahong walang Fei.

**

“Wake up sleepyhead..” sabi ng isang boses at ramdam ko ang isang marahang paghaplos sa pisngi ko. Agad kong minulat ang mata ko at nakita ko si Martin na nakangiti. Isang napaka-rare na ngiti.

Napatingin ako sa paligid at wala akong ibang makita kundi mataas na lugar. Parang burol siya at sa taas ng burol ay may mga puno. “What are we doing here? Where are we?” takang tanong ko.

Ngumiti lang siya sa’kin na para bang amuse na amuse siya sa reaksyon ko. “Wait until we get there..” sabi niya at bumaba. Sumunod akong bumaba at nakitang may kinuha siya sa compartment. “Let’s go..” at ngumit sabay hawak sa kamay ko.

Gusto ko sanang pumiglas pero parang may sariling isip ang kamay ko at imbis na bumitaw ay hinawakan ko siya. Ramdam kong napatingin siya sa’kin, at pinisil niya pa ‘yung kamay ko. Can’t we stay this way, forever, Martin?

Umakyat kami sa may burol at naglakad hanggang sa makarating kami sa isang malaking, malaking puno.

“Look up,” aniya at pagkatingin ko ay namangha ako sa nakita ko.. isang treehouse. “Welcome to my sanctuary..”

Hindi ko napigilang ma-amaze. Mula pagkabata, gusto kong magkaroon ng treehouse. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang kakaibang saya sa mga mata niya. Again, hinawakan niya ako at umakyat kami.

Kung maganda ang labas, mas namangha ako nang makapasok na kami. May mga gamit na, pero halata mong kalilipat lang kasi hindi pa masyadong maayos, pero over all, maganda at maaliwalas.

(Picture at the multimedia)

“Do you like it?” tanong ni Martin sa isang mababang boses.

“I love it.” Sabi ko nang nakangiti at tinitignan ang kabuuan. Ang bed space eh nandoon sa taas, tamang-tama pang stargazing. Tuwang-tuwa ako sa nakikita ko pero di ko maiwasang mapaisip.. “Why are you doing this, Martin?” di ko mapigilang magtanong. Hindi man lang ba siya nagguilty na hindi si Fei ang kasama niya, kundi ako?

Nilingon ko siya at napayuko siya. Nabura lahat ng saya ko at napalitan ito ng takot. Takot na masaktan nanaman ako ng kung ano mang isasagot niya.

“I-I—“

“Stop, you don’t have to answer.” I cut him off. Tumalikod ako at nagpatuloy sa pagsasalita, “Aren’t you even guilty that you’re with another girl instead of your girlfriend?” lumunok ako para mawala ang namumuong bara sa lalamunan ko.

“Fei.. she’s not really my girlfriend.” He answered. “I introduced her to everyone as my girlfriend, but the truth is, I’m just trying.. I-I’m trying to divert my feelings to her, but my heart just can’t.” I heard his footsteps, he’s walking towards me. He sighed, “A-I-I love you, Sera.. it’s always been you.”

 

VOTE. COMMENT. 

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon