Chapter 22
Fall
Loise
Sunday morning.
Nandito kami ngayon sa Paoay Church. Nabanggit kasi ni mom na every time na nandito sila ni dad, lagi silang pumupunta dito. Ngayon na din naming kikitain sila Mrs. Villaflor, pero hindi kasama si Mariel, Heath at Brix kaya maggagala muna silang tatlo mamaya.
“Von, ‘di ba talaga ko pwedeng sumama sainyo nalang? Third wheel ako dito sa dalawang to eh.” Panunuyo ni Brix kay kuya. Gusto daw kasi niya sumama samin kahit wala naman daw siyang gagawin dun.
“Pano ka naman magiging third wheel sa kanila? Eh hindi naman sila di ba?” sagot ni kuya. Napasimangot nalang si Brix dahil dun.
“Kahit na! Hays..” halatang halata kay Brix na naasar siya. Hahaha.
“Huy, okay lang yan! Maglibot-libot nalang kayo mamaya. Humanap ka na din ng chics mo. Malay mo, andito pala sa Ilocos yung para sa’yo.” Pangchi-cheer up ko sa kanya.
“Oo, nandito nga sa Ilocos, nandito ka eh.” Aniya sabay wink. Pff, flirt. Napalinga-linga siya sa paligid sabay.. “On second thought, siguro tama ka nga. Teka lang ha, may chic akong naispatan. Bye!” sabay karipas niya ng takbo. Tsk tsk.
“Nako bestie, mabuti pa sundan niyo na yung isang yun. Didiretso na din kami sa lunch meeting. Kumain na lang din kayo ha?” paalala ko kay Mariel.
“Mhm.” Tango niya. “Goodluck, bestie!” aniya at hinatak na niya si Heath para sundan si Brix.
At dumiretso naman na kami para sa lunch meeting. Kaya mo yan, Sera! Fighting!
**
Loise
Fast forward: Tuesday Morning.
“Sweetie, are you up?” narinig kong may kumatok at nagsalita. Si mom. Naramdaman kong bumukas ang pinto. “Honey, wake up na.” sambit niya sabay haplos sa buhok ko.
Bahagyang bumangon ako para sumagot. “Mom, I’m still sleepy. Di ako masyadong nakatulog kagabi.” I honestly answered.
“Are you nervous for the event later?” I nodded. Totoo naman, first event ko kasi ‘to. Di naman siguro maiiwasan yun.
“What if it fails? If I fail?” tanong ko. Medyo nasa huwisyo na ko ngayon.
“Honey, listen. Don’t ever think about failing all over again. You can always stand up. You don’t want to be on the ground forever, right?” she told me with a smile. And with that, I gained confidence.
“Thanks mom, you’re the best.” I said and hugged her.
“Hm sya, tara na sa baba. Go grab something to eat. Mukhang aalis yata kayo ni Chip.” She smilingly told me. “Honey, wag mong mamasamain ha? I know you and Mico broke up years ago that’s why you went to Cali. But you should give it try with Chip. He’s a nice guy” mom winked at me before leaving me. What does she mean by that? Saka teka, aalis daw kami ni Martin?!

BINABASA MO ANG
My Playboy
Aktuelle Literatur[PLAYER #1] "Rule number One: Never fall for the playboy." Sera Loise Escareal. Umalis siya ng bansa para hanapin ang sarili niya at.. mag-move on. Pinlano niya ang isang sweet revenge sa kanyang pagbabalik. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pag...