Chapter 17
The Chip Martin Way
Loise
Maaga akong nagising – ah hindi! Hindi ako halos nakatulog kagabi! Pesteng Chip ‘yun! Kala mo naman kung sinong gwapo – which is gwapo naman talaga siya, hot pa nga eh, ba’t ko ba siya pinupuri?! Ah! Basta! Kala mo kung sino, like daw niya ko? Like?! Meaning gusto!? Eww.
Eww nga ba? Kaya pala di ka nakatulog kagabi kasi iniisip mo yung sinabi niyang I like you saka yung broad chest – Aish! Ba’t ba ko kinakausap ng konsensya ko? Baliw na ba ko?
“Oo.” May biglang sumagot.
“Ay kabayong palaka!” Damn this Chippy guy! “Ba’t ka ba nanggugulat?! Ang aga aga namemeste ka!” bulyaw ko sa kanya. Samantalang siya nakasmirk habang nakasandal sa pader. Tapos naka grey sando pa sya then pjs. Oh heavens! Ba’t ang hot nya pa din kahit naka-pjs lang?!
“Ouch. Kabayo na, palaka pa? Ganun ba talaga ko kapanget sa paningin mo? Ang gwapo ko kaya. Sa sobrang gwapo ko, ‘di ka nakatulog kagabi kasi iniisip mo yung sinabi ko saka yung broad ch—“
“SHUT UP!!!” sigaw ko sakanya sabay bato ng unan. Shit! Pano niya nalaman yun?! Baka isipin pa neto hinahalay ko siya sa isip ko!
“Sweetheart, ang aga-aga highblood ka.” Sabi niya sabay pulot sa unan. Kapos kasi yung energy ko kaya di man lang umabot sa kanya. Naglakad siya papunta sa’kin.. “Okay lang naman na pagnasahan mo ko as early as now. Kasi pag naging tayo na, libre mo nang makikita, mahahawakan mo pa.” Sabay lapag nung unan sa kama. At ang gago hindi pa nakuntento, lumapit pa sakin, yung lapit na mararamdaman mo yung hininga niya. Mint flavor, she tang bango.
“..but for now, I’ll woo you first. The Chip Martin Way.” Sabi niya sabay kindat at lumabas na ng kwarto.
Putres naman! ‘Yung puso ko nagddrum nanaman magisa! This can’t happen. I know where this will lead.. and I’m scared of the possibility that sooner or later, I will fall for him. Madly. Deeply. ‘Yung alam kong di na ko makakabangon ulit kapag iniwan niya ko.
‘Cause I have felt this way before. Yun nga lang, mas matindi ‘to. Mas kakaiba. At mas nakakatakot.
**
Pagkatapos ng isa’t kalahating oras, tapos na kaming mag-ayos ni Chip kaya nagdecide na kaming umalis para kitain sila Mrs. Villaflor. Go Loise! Aja!
“Are you nervous?” tanong sakin ni Chip. Sa totoo lang, oo. Siyempre first time kong haharap sa isang tunay na kliyente tapos malalaman ko, major client agad! Iling lang ang sinagot ko sa kanya.
“Alright let’s go.” Sabi niya at sabay kaming pumasok sa loob. Tinuro sa amin kung nasaan yung table ng mag-asawa.
“Goodmorning, Mr. and Mrs. Villaflor” bati ni Chip sa mag-asawa nang makarating kami sa table nito. Pinaghila niya ko ng isang upuan. Pa-gentleman, hmp.
“Goodmorning din, Mr. Fonteverde.This is my wife,Victoria.” Ngumiti ang ginang. ”And I believe this lady beside you is Ms. Escareal?” tumango at ngumiti si Chip bilang sagot. “It’s a pleasure to see the you, Ms. Escareal. I heard you just finished Fashion Designing last year?”
“Yes, Mr. Villaflor. Infact, your offer is my first big break.” I answered confidently. Ayokong mapahiya yung pangalan ng company naming dahil lang sa kinakabahan ako.
“We’re thankful you accepted the offer, Ms. Escareal. I just hope we’re not putting on you a lot of pressure right now.” Sagot ng ginang.
“Don’t worry, Mrs. Villaflor. I will make sure that this event will be a success.” I answered with a smile. Napatingin ako kay Chip na nakangiti din sakin. Damn feels.
Pinagusapan naming kung anong konsepto ang naisip ko. Since sa open area daw gaganapin ang celebration nila, bohemian theme ang napili ko which is tamang-tama lang dahil may mga bohemian-themed designs na ‘kong nagawa before. Pumayag naman silang mag-asawa since magandang idea ang napropose ko.
“So, it’s nice meeting you, again, Ms. Escareal, Mr. Fonteverde. Mauna na kami ng asawa ko.” Pamamaalam ng ginoo. “Next week na ang celebration. And it is really a good thing na may mga designs ka na. I hope by Sunday may mga products na, since Tuesday ang event. Don’t worry, magssend kami ng invitation for your parents.” Tumango ako at agad nagpasalamat. Shemay, Wednesday na ngayon.
Paalis na ang mag-asawa nang.. “And by the way, bagay kayo ni Mr. Fonteverde.” Mrs. Villaflor said with a small smile before turning to his husband. Shucks ano daw?!
Napatingin ako kay Chip na ang laki ng ngisi. “Partida sinusuyo palang kita, may mga aprubado na satin.” Gaaaaah!! Ang lakas! Ang lakas ng hanging dala niya!

BINABASA MO ANG
My Playboy
Fiction générale[PLAYER #1] "Rule number One: Never fall for the playboy." Sera Loise Escareal. Umalis siya ng bansa para hanapin ang sarili niya at.. mag-move on. Pinlano niya ang isang sweet revenge sa kanyang pagbabalik. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pag...