Twenty Seven

206 2 0
                                    

Please play the multimedia on the side. Song for this chapter :) 

Chapter 27

Hard and Deep

3rd person

As I was strolling around the mall, I saw him with a girl.Who is she? He protects her the way he protected me. He holds her the way he held me. And he looks at her, only her, the way he looked at me. At that point, I knew who she is.

Pain.

Saying that I’m hurt is an understatement. I hate what I am seeing right now. I hate her. Count your days, missy. Make sure you make your days worthwhile. I’ll make sure I’ll get back what’s mine.

Soon.

**

Loise

 

Nasa daan na kami ngayon pauwi. Grabe! Di ko inexpect na babalikan—scratch that. Sinundan niya ko! Ilang hours akong naniwala na umalis na nga siya, nagmumukmok pa ko tapos sinusundan niya lang pala ako.

Nakatingin lang ako sa bintana nang mapansin kong sa ibang daan kami papunta. Tinignan ko siya ng palihim at nagsalita, “Iuuwi mo na ko sabi mo.”

“Hindi ka pa kumakain ‘di ba?” aniya at tumingin sakin nang tumigil kami sa red light. Ang gwapo niya pa din kahit gabi na. ‘yung natural na magulo niyang buhok, yung polo niya na nakabukas na yung dalawang butones, yung matangos niyang ilong, yun— “Done checking me out?” ngisi niya.

Namula ako sa kahihiyan at umiwas ng tingin, “Asa.” Yun nalang ang nasabi ko at sumandal sa bintana. Di ko na alintana yung gutom, sapat nang nandito ako, kasama siya.

Punyeta, hulog na hulog ako sa gwapong ‘to.

Nag-drive thru na lang kami sa isang fastfood chain dahil aniya may pupuntahan pa daw kami. Aapela sana ako pero naisip ko na pabor din sa’kin ‘yun. Mas matagal ko siyang makakasama.

“Saan ba tayo pupunta, Martin?” tanong ko habang kumakain ng fries. Nagpapakasasa ako sa dami ng fries na binili niya.

“Basta, kumain ka lang dyan.” He said while driving. Hinarap ko siya habang kumakain. “Stop staring, Sera” aniya habang focused pa din sa pagddrive. Ang gwapo gwapo niya talaga! Nakakain—nagulat ako nang bigla niyang igilid yung sasakyan.

“I said stop staring or else..” aniya sa mababang boses. Ang husky ng boses niya. Natigil na ang pag-iisip ko nang dumampi ang labi niya sa labi ko. Shit, ano yun!?

He smirked habang ako naman ay nanlalaki ang mata. “B-bakit m-mo—“

“I told you to stop staring..” he winked at tinuloy na ang pagddrive.

Nakakadalawa na siya! Pero shemay, ang sarap magwala kasabay nung puso at paru-paro sa tiyan ko.

**

Tumigil kami sa isang building. Fonteverde Corporation. Malamang ay eto ang kumpanya nila. Ano’ng gagawin naming dito? Binigay niya lang ang susi sa guard at hinila niya na ako paakyat. Tinignan ko lang siya ang again, he smiles. “Want another kiss?“  

Napairap ako sa kahanginan niya, “Damn you.” He chuckles with amusement. Nang makarating kami sa top floor ay hinawakan niya ako sa kamay at hinila papuntang—rooftop.

“Welcome to my favorite place..” aniya. Tumingin ako sa paligid at manghang tumingin ako sa paligid. Kita ang buong siyudad at puro city lights ang nangingibabaw.

“Wow..” di ko na napigilan ang amusement ko. Ibang iba talaga ang siyudad kapag gabi.

“Glad you liked it.” Napatingin ako sa kanya, nakangiti siya. “I love it.” Sabi ko habang nakatingin sa mata niya—sana ma-gets niya. Umiwas naman siya ng tingin.

Tahimik lang kaming nakaupo dun nang binasag nya ang katahimikan sa pagitan namin, “Thank you..” aniya.

Tinignan ko lang siya. Para saan? “You’re welcome..” ngiti ko nalang. “M-martin, masaya ka naman b-ba ngayon?” mahinang tanong ko.

Nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin siya sa’kin. Ngumiti siya, “Oo, kaya nga ako nag-thank you..” aniya.

Mabuti naman at napasaya ko siya ngayon. At least, worth it ang pag-iinarte ko ‘di ba! Saka ngayon ko mas napapatunayan na kahit anong iwas ko sa kanya, siya at siya pa rin ang maiisip ko. Kahit anong galit ko sa kanya, magugustuhan ko pa din siya.

Napapaisip ako ngayon kung talaga bang minahal ko si Mico o infatuation lang ‘yun?

“Anong iniisip mo?” tanong sakin ni Martin. Nakangiti siya ngayon. Masaya akong makita yang ngiti niyang ‘yan kasi bihira ko siya makitang ngumiti.

Ngumiti ako, “Wala..” sagot ko na lang. Iniisip ko kung kelan ko kaya masasabi sa kanya yung nararamdaman ko? Ewan! Basta sa ngayon, masaya akong nasa tabi ko siya. Pero naiisip ko pa rin ‘yung babaeng mahal niya, “Martin, may minahal ka na ba dati?” di ko na napigilang magtanong.

Mukha siyang nagulat sa biglang pagtatanong ko, “Oo, sobra ko nga siyang minahal dati..” sagot niya nang may mapait na ngiti. Tila naramdaman ko yung pagbigat ng dibdib ko, mahal niya pa din yung babae. Nakakapanghina naman ng loob ‘to. “P—“

Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya.. “Ah Martin, uwi na tayo? Inaantok na kasi ako eh.” Palusot ko pero sa totoo lang, gusto kong umiyak. Napakaiyakin ko pagdating sa kanya.

“A-ah, sige.. Tara na” aniya. May gusto pa yata siyang sabihin kasi halata sa mukha niya yung disappointment.

“Salamat sa paghatid, ingat ka sa paguwi. Goodnight.” Sabi ko pagdating naming sa bahay. Bubuksan ko na ‘yung pinto nang hawakan niya yung kamay ko.

Tinignan niya ko ng diretso sa mata. “Goodnight. Sleep well and dream of me”

Naramdaman kong namula ako kaya binawi ko na ang kamay ko at bumaba na. Narinig ko naming bumaba din siya sa sasakyan at, “Uh, Sera..”

“Bakit?” tanong ko nang lumingon ako. Masyado akong maraming iniisip ngayon kaya isang maliit na ngiti lang ang naibigay ko sa kanya.

Lumapit siya sakin at hinila ako palapit sa kanya..

“Thank you for making me happy..

 

 

..kdhlkhahlckhyou.” mahinang bulong niya kaya di ko narinig kahit malapit ako sa kanya. Hinalikan niya ako sa noo. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko at ang pagwawala ng mga paru-paro sa tiyan ko. Hindi na yata talaga mapipigilan ‘yung nararamdaman ko para sa kanya. He’s got me falling hard and deep. 

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon