Thirty Five

172 3 0
                                        

Chapter 35

Crazy

Loise

Bored na bored na ako dito sa kwarto nang napagpasyahan kong bumaba sa sala. Kanina pa umalis si Brix at kanina pa din ako walang ginagawa. Hay, napaka-

"Twin.." dinig ko ang boses ni Kuya habang nagsisirko-sirko ako dito sa couch namen. Siguro, nag-iimagine lang ako. Kaya pinagpatuloy ko ang pagsisirko-sirko sa couch nang mahulog ako sa sahig. Buti nalang carpet sahig. "Aww.." hawak ko sa balakang ko.

Narinig kong may tumawa at nag-angat ako ng tingin. "Kuya?" I asked, wide-eyes.

"You okay?" he asked habang inaalalayan ako. Kinurot ko siya - syempre pag ako, masasaktan ako kaya siya na lang - para alamin kung totoong nandito siya. "Aww! Ba't ka nangungurot?!" he growls.

I immediately hugged him at hindi ko na namalayan ang likidong tumakas mula sa mata ko. "I'm sorry kuya.. I'm sorry. I was so selfish. I was so childish and immature. I was-" natigil ako nang yakapin niya ako pabalik at aluhin.

"Shh. I should be the one apologizing to you. I didn't think of your feelings. I didn't bother asking you about how you feel. I'm sorry, twin." He softly stated while hugging me. Humiwalay ako sa kanya para sumagot.

"No, kuya, I should be the one. You see, you were just protecting me from him. You don't want me to get my heart broken by someone, whose heart was taken a long time ago by his past love. And.." I stopped and looked down, "..and I almost ruined your friendship with them. I almost ruined the bro code." Nahihiyang sambit ko. Tinignan ko siya at nakita ko ang gulat sa mukha niya.

"Did Brix explained that to you?" he asked me while embracing me. Tumango ako sa kanya. "I owe him one, now. I'm sorry that I didn't get to explain to you what that truly is, I know it'll be more complicated if-"

"Let's just forget it, kuya, shall we?" I cut him in mid-sentence. I saw a curve forming in his lips and nodded. "Tara kuya, date tayo. Nabobored ako dito e," I said, hoping na pumayag siya.

"As you wish, my twin.."

**

Isang linggo na ang nakalipas mula nang magkabati kami ni Kuya. Isang linggo na din akong hindi pumupunta ng opisina. Isang linggo na din akong laging chine-check ni Brix. Sa loob ng isang linggo, kamusta na kaya si Martin? Aaminin ko, kaya ayokong pumasok kasi nandoon siya. Natatakot akong makasalubong ko siya sa hallway at biglang haltakin ko siya at itakas.

Shet, napa-praning na ako. Hay, grabe. Ang sakit naman sa bangs magmahal ng Martin Fonteverde. Pero kung tutuusin, pwede ko naman na siyang kalimutan eh. Pero hindi ko kasi kaya.. Siguro nga, ganun na kalalim yung pagkahulog ko sa kanya, kaya ganito na lang ako kung magdrama.

Napabalikwas ako sa pagkakadapa sa kama nang mag-ring ang phone ko, "Hello?" sagot ko.

[Twin, mag-prepare ka. May mga clients kayong kailangang i-meet.] ani kuya sa kabilang linya. Tanghali na ah? Ba't ngayon lang?

"Saan? Sinong kasama ko? Anong oras?" sunod-sunod kong tanong.

[Sa isang restaurant. Lunch meeting 'yun kaya ngayon lang. Pinapunta ko na si Chip diya-] napahinto siya sa pagsasalita, maging ako. Siguro ay na-realize ni kuya ang sinabi niya, [Shit. You'll be fine, right, Loise?] he worriedly asked.

Napaisip ako sa isasagot ko, kinapa ang nararamdaman ko. Will I be fine? "Yes kuya, no need to worry.. This is work." I said, not minding if I almost stammer. I need to show kuya that I'm fine, I will be fine. "I'm hanging up now, twin. Bye" then put the call off.

Agad akong nag-prepare at naligo. Pagtapos kong maligo ng mahigit kalahating oras ay nagbihis ako ng isang semi-formal attire. Isang black chiffon top na pinareha sa isang pencil skirt. Siyempre, bilang isang designer, dapat makita sa'yo ng kliyente ang kadisentehan. Lalo pa't fashion designer ako.

Nakarinig ako ng katok mula sa labas, "Loise, andyan na si Chip sa baba.." ani yaya. Kinuha ko na lang ang bag ko na hindi gaanong Malaki, pero sapat para magkasya ang iPad mini na ginagamit ko.

Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa, nang mapansin siguro ang presensya ko ay tumingin siya sa'kin. Napaiwas naman ako ng tingin. At nagtuloy-tuloy pababa, "Tara," aya ko sa kanya at nauna na ako palabas.

Pagbubuksan niya sana ako ng pinto nang pigilan ko siya, "You don't have to, Chip.." tinawag ko siya sa first name niya kahit di ako sanay. Sumakay na kami sa sasakyan at di nag-imikan buong biyahe.

**

"So, it's a deal, Ms. Escareal?" ngiti sa akin ni Mr. Dela Paz, isang young bachelor na may-ari ng isa sa mga malalaking kumpanya sa Pilipinas.

"Deal, Mr. Dela Paz. Thank you so much," ngiti ko sa kanya at nakipagkamay.

"Drop the formalities, Loise." Aniya at ngumiti, hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. May tumikhim sa tabi ko "Ehem, kamay, ehem" at ngayon ko lang naisip na andito pala si Martin. Masyado akong na-focus kanina sa project eh.

Ngumiti lang ako at binitawan ang kamay ni Mr. Dela Paz, "Okay, Sir Miguel" ani ko. Napatawa na lang siya at napailing, "You're unbelievable" mahinang bulong niya na sinundan ng pag-'tss' ni Martin.

Natapos ang meeting ng mga bandang alas tres, katirikan ng araw.. at kainitan ng ulo ni Martin. Ano bang problema nito? Kanina pa nakakunot ang noo.

Nang makasakay na kami sa sasakyan ay, ini-start niya lang ang engine. Napatingin ako sa kanya, "Tara na, ihatid mo na ko sa bahay. Sisimulan ko na-"

"Shut up!" sigaw nya. At dahil ngayon na nga lang kami ulit nagkasama, nagulat ako, at the same time, natakot ako. He sighed, a heavy one. "Sorry, I didn't mean to shout at you" aniya sa iritadong boses.

"Ano bang problema mo?!" naiinis ako sa kanya! Napaka-moody, napaka-unpredictable, nakakainis siya, nakakaubos ng pasensya, na-

"You! You are my problem, Sera!" sigaw niya. Aba! Ang kapal naman ng mukha niya! Seriously?!

Parang may nagbato sa'kin ng bato, kaya di ko napigilan ang inis ko, "Anong problema mo sa'kin?! Ha?!"

"Marami!" he stated. Nabwisit ako lalo sa sinabi niya, sasagot na sana ako nang magsalita siya, "You keep on smiling at him, you keep on talking to him, not minding that I was there. You even made me look like a chaperone, na parang nagd-date kayo at third wheel lang ako. Sh-t, Sera! You're making me frustrated!

But what keeps me more frustrated is, you keep on bugging my mind, to the point that, I think I'm going crazy!" mahabang saad niya.

Napatitig na lang ako sa kanya.. I was bugging his mind?

PARAMDAM READERS! :) vote or comment para sa mga gustong magpadedic!

Thank youuuu xx

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon