Fifty Five

118 2 0
                                    

Chapter 55

 Date

Kim 

"Osige, dadaan ako diyan. Thanks girl!" kausap ko sa kabilang linya si Loise. Inaaya niya ako lumabas since kinidnapp daw ni Heath si Mariel. 

Pagkarating ko ng S&G - pangalan ng shop nila - nakita ko ang nakabusangot na mukha ni Loise. Even when she's mad, she looks absolutely gorgeous. Hoy, hindi ako natitibo ha. Nagagandahan lang talaga ako sa kaniya. 

Lumapit ako sa kanya pero hindi niya namalayan dahil busy siya sa kung ano mang tinitignan niya sa iPad niya. "Huy!" I tapped her. 

Napalingon siya sa'kin. "Uy, sige wait lang. Kunin ko lang 'yung mga gamit ko." aniya at pumasok sa office. 

"Tara!" aya niya at bumaling sa mga staffs na nandoon, "Lalabas muna ako ha, ayusin niyo 'yung mga pinagagawa ko." masungit na sabi niya. 

Nang makalabas kami ay bumaling ako sa kanya, "Ang sungit mo naman, teh! Anyare? Bitter ka pa din?" natatawang tanong ko. 

Sinamaan niya lang ako ng tingin, "Shut up." at kinuha niya yung iPad niya at pinakita sa akin 'yung design ng gown na nagawa niya para sa'kin. "Ayan na regalo ko sa'yo.." aniya at kinuha ang susi ng sasakyan ko. 

"Hoy, ayusin mo ha! Kung bitter ka ay mas mabuting 'wag mo kong idamay sa galit mo, ikakasal pa ako.." at muli ay nakatanggap nanaman ako ng matalim na tingin. Tinawanan ko nalang siya. 

Tinignan ko ang design ng gown at hindi maipagkakailang napakaganda ng disenyo. Mula sa pinakamaliit hanggang pinakamalaki, pinakataas hanggang pinakaibaba, lahat iyon ay may disenyo na talagang makatawag-pansin. 

Napangiti ako sa sarili ko.. 3 months na lang. Tatlong buwan na lang at kasal ko na. Ni hindi ako makapaniwalang ikakasal ako ng ganitong edad sa isang tao na hindi ko pa lubusang kilala.. Pero aminin mo, may nararamdaman kang kakaiba para sa kanya! singit ng isang bahagi ng utak ko. 

Oo na't hindi ko na ikakaila. Crush ko na si Brix. Hindi siya mahirap magustuhan, kung tutuusin. Sa kanyang pinkish lips, long lashes, expressive, dark brown eyes.. sinong hindi mahuhumaling sa kanya? 

Damn it! I'm not fantasizing about him. not. 

"Ngini-ngiti mo diyan?" tanong ng kasama kong bitter. Nalaman ko ang tungkol sa kanila ni Chip nang minsa'y ipakilala ako ni Brix sa kanyang mga kaibigan. 

Silang apat ay may iba't-ibang itsura ngunit pantay-pantay ang kagwapuhan nila. Hindi maipagkakailang galing sila sa iisang grupo ng magkakaibigan. Pero siyempre ay mas lamang para sa akin si Brix. Agh! Brix again!

"Wala.." ani ko sa isang nang-aasar na tono. "Bakit kasi hindi ka makipagbalikan kay Chip?" ngiti ko sa kanya. 

Narinig ko ang pag-ismid niya at nung tinignan ko siya ay nakairap na siya, naku! 'Tong babaeng 'to! "Bakit ba ipinipilit niyo? Saka hindi ako bitter 'no! Bakit naman ako mabibitter sa lalaking 'yon?" angil niya. 

Oo, hindi nga bitter. Oo nga. 

"Sige, sabi mo eh." at ngisihan ko lang siya pero umirap lamang siya ulit sa'kin. 

Napatingin ulit ako sa screen ng iPad. Kaya ko ba? 

Napailing ako sa iniisip ko. I should give this a try. I just hope this is worth trying for. 

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon