Twenty Three

180 3 0
                                    

Chapter 23

Aftermath

Loise

Buti nalang at magaling magpalusot si Mariel kaya pinayagan kami umalis kahit may after party pang magaganap. Nag-drive lang kami ng nag-drive hanggang makarating kami sa bahay. Mas pinili ko na dito na lang ilabas lahat ng nararamdaman ko. Para kung sakaling maging wasted ako eh hindi na mamomroblema si Mariel.

Dumiretso ako sa bar counter at nagsalin agad ng Jack Daniels. Ininom ko yun at humarap kay Mariel na nakatitig lang sakin. “Bestie..”

“Hmm? Ilabas mo lang yan, makikinig ako.” Sambit niya. This is what I need to hear.

“Bakit lagi akong sa maling tao nahuhulog?” pagkasabi ko palang neto, naramdaman ko nanaman yung luha ko. “Feeling ko kasi ang tanga tanga ko masyado eh. Ang bilis kong ma-fall. Konting sweet acts lang, nag-aassume na ko. Mali ba ‘yun?” tuloy tuloy lang ako sa pag-inom at pag-iyak. “Si Martin. Tangina. Yung gagong yun, pa-fall! May mahal pa pala siyang iba pero dinidiskartehan na ko. Aba’y kung di ba naman siya tanga’t kalahati, di man lang niya inisip na sinabihan niya ko na gusto niya ko tapos biglang may mahal pa siya?! Tangina niya talaga!” sigaw ko. At tinungga ko na yung bote. Non-sense naman kung sa baso pa di ba? Isang bagsakan na lang.

Inom lang ako ng inom dun hanggang sa yinakap na ko ni Mariel. Umiiyak na siya kaya nag-breakdown na din ako.

“Bestie, ayoko na nung feeling na ganto. Ang s-sakit ka-si s-sobra.. N-nahulog na y-yung loob ko s-sa kanya e-eh.. A-alam mo b-bang siya y-yung b-bumili ng damit n-na to? A-ang sweet n-niya di ba? P-pero gago si-ya eh.” Humahagulgol na sabi ko. Mas lalong sumakit yung puso ko nang maisip kung gano niya pinakita na gusto niya ko.

“Bestie, tahan na. Please?” pag-aalo ni Mariel. “Alam mo kasi ang problema, naging sweet lang siya sa’yo, nakalimutan mo na agad na playboy siya. Na gago siya.”Sambit niya na mas lalong nagpaiyak sakin. Tama siya eh. “Pero di kita masisisi.. words and actions kasi ang binigay niya sa’yo, pero fake lang pala lahat.”

“H-hindi ko a-alam p-pano ko s-siya ma-tatanggal s-sa Sistema k-ko.. m-mas ma-sakit ‘to kesa s-sa ginawa n-ni M-mico eh..” sabi ko. Nanghihina na ko.

“Tutulungan kita, Bestie. Sabay tayong mag-mmove on. Okay? Sa ngayon, magpahinga ka muna.” Inakay niya ko sa kwarto ko at pinahiga. “Goodnight, bestie. Love you” yun ang huling narinig ko bago makatulog.

**

“Ahh f-ck!” sabay hawak sa ulo ko. Naparami ata yung inom ko kagabi. Kagabi. Naalala ko nanaman. Natulala nanaman ako. Pero ngayon medyo magaan na yung pakiramdam ko.

Mag-12 na pala. Bumaba na ako sa kusina para mag-tanghalian. Naabutan ko silang lahat dun na kumakain na.

“Sis! Gising ka na! May hangover ka pa ba?” tanong ni Ate Cerine. Iling at ngiti lang ang sinagot ko dahil wala ko sa mood magsalita. Lalo pa’t nandito siya.

Tahimik lang akong kumain habang sila ay panay kwentuhan. Napapansin ko naman sa gilid ng mga mata ko na sumusulyap siya sakin, at naiilang ako. Kaya dinalian ko nalang ang pagkain.

“Tapos na ho ako.” Mahinang sambit ko pero sapat na para marinig ng lahat.

“You sure, sweety? Konti pa lang ang nakain mo.” Ani dad. Tinignan lang ako ni mom ng may halong pag-aalala.

“Tapos na din ho ako.” Sabi naman ni Kuya. “Twin, out. Now.” Baling niya sakin. Sinundan ko na lang siya.

 Hi! I'm open for dedications :) either vote or comment. Thank yous! :') 

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon