Thirty Two

168 3 0
                                    

Chapter 32

Escape

Loise

I was driving endlessly. Kanina pa ako sa daan at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Okay na 'to. I said to myself. Malapit nang lumubog ang araw, medyo nakakatanaw na din ako ng ilang mga bundok. Meaning malayo na nga talaga ako sa siyudad. Huminto muna ako saglit sa tabi ng daan para tignan sa Google Maps kung nasaan na ba ako. Binuksan ko iyon at hindi pinansin ang mga messages at missed calls na sabay-sabay dumating.

"F-ck ang layo ko na!" I screamed to myself. Natawa pa ako ng bahagya kasi parang baliw na ako. Buti na lang may extra money ako dito sa sasakyan at meron din akong pang-charge ng phone. In-off ko na ulit ang phone ko para di nila ako matawagan.

Nagsimula na ulit akong mag-drive para maghanap ng matutuluyan ngayong gabi kasi imposibleng makabalik pa ako ng Manila ng may nasa ¼ na lang ang gas ko. D-amn this!

Medyo malayo pa ng konti ang narating ko ng biglang tumirik ang sasakyan ko. Ubos na 'yung gas!

"Sh-t! Ba't ngayon pa?!" napahampas ako sa manibela sa frustaration. Napalingon-lingon ako sa daan at bihira ang mga taong dumadaan. Binuksan ko yung phone ko at nagulat ako nang bigla itong mag-ring.

Chippy Martin calling...

I pressed the end button. No! Hindi ko sasagutin 'yun! Pero shoot, paano ko uuwi?!

Bumaba ako ng sasakyan at may nakasalubong na isang matandang babae. May mga dala siyang basket tapos may mga gulay dun. Nagpasya akong siya nalang ang tatanungin ko tungkol sa lugar na 'to.

"Nay, uhm, anong lugar po 'to? Saka saan po ang malapit na hotel dito?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya, "Ay naku iha, tatlong baryo pa ang layo mo bago makarating sa pinakamalapit na hotel kamo. Baryo Mapagmahal ito." Sagot niya. Namutla naman ako, tatlong baryo?! Eh ang isang baryo eh nasa 3 miles pa yata. "Nawawala ka ba, iha?" um-oo ako at sinabing wala na ring gas ang sasakyan ko, "Baka gusto mo munang tumuloy sa barung-barong namin. Dalawa lang naman kami doon ng asawa ko." aniya. Tinignan ko muna ang papalubog nang araw at saka tumingin sa matanda at tumango.

Tinulungan ko siya dun sa bitbit niya at pumunta kami dun sa maliit na bahay na katapat lang naman kung saan tumirik yung sasakyan ko. Buti naman.

"Iha, ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong sa akin ni lola bago pumasok ng bahay. "Loise ho." Sagot ko.

"Ah, napakagandang pangalan, bagay na bagay sa iyo." Aniya na ikinangiti ko. Pumasok kami sa maliit na bahay. "Ako naman si Melchora. Lola Melchora na lang. Pagpasensyahan mo na ang aming bahay, iha. Matagal na kasi ito."

"Ayos lang ho yun, lola Melchora." Sagot ko sa kanya. Nilapag naming ang mga pinamili niya sa isang maliit na la mesa.

"Wala pa ang aking asawa, si Ricardo, marahil ay nandoon pa iyon sa rancho o kaya ay pauwi na." sabi ni Lola Melchora. Nakita ko ang pagkislap ng mata niya nang banggitin niya ang pangalan ng asawa. "Marunong ka bang magluto, iha?" tanong ni lola.

"Opo. Pero hindi po masyado, may iilan lang ako na alam lutuin. Kung magta-try po kasi akong magluto ng iba, hindi naman ho masarap." Natatawang sagot ko. Isa lang tanong ni lola, ang haba ng sagot ko.

Pero natawa pa din si lola, "Ay naku iha, siguro marahil ay iniisip mo na hindi mo kaya." Sagot niya habang naghahanda ng mga iluluto niya. "Ang pagluluto ay parang pagmamahal. Kung gusto nating sumarap ang isang pagkain, isipin mong mabuti na gagawin mo iyon para sa iyong mahal. Lahat ng mga ibibigay natin, maganda man o hindi, yun ang matatanggap nila." Nakatitig lang ako sa kawalan habang sinasabi 'yun ni lola. "Ay nako iha, tulungan mo nalang ako magluto at tuturuan na rin kita ng ilang sikreto sa pagluluto." Pag-aaya ni lola na sinang-ayunan ko. Ayoko na munang mag-isip ng kung anon a may kinalaman kay Martin.

Tapos na kaming magluto ng Pinakbet. Ngayon ko lang nalaman 'tong dish na 'to. Nag-aayos kami ng mesa nang biglang bumukas ang pintuan.

"Mahal kong asawa, nandito na ako!" sigaw ng isang boses. Pumunta si lola para salubungin ang kanyang asawa. "May kasama din pala ako.." yan! Tapos na-

"Magandang gabi ho.." that voice. I know that voice! I turn around at naglakad papunta sa pintuan para alamin kung tama ang hinala ko.

And when I saw his face, my heart stopped beating.

"Oh iha, ikaw ba ang asawa niya?" tanong sa akin ng asawa ni Lola Melchora habang nakaturo kay Martin. Oo, si Martin. Napairap ako sa hangin.

"Ay, h-hin-"

"Opo. Maraming salamat ho, Mang Ricardo, Aling Melchora." Sagot niya. Tinaasan ko siya ng kilay at binigyan ng 'nababaliw-ka-na-ba' look.

"Kukunin mo na ba siya, iho? Naku, dito na kayo maghapunan dahil nagluto kami. Tara, pasok." Anyaya ni lola.

"Uh, lola Melchora, pwede pong mauna na ho kayo, mag-uusap lang ho kami." Tanong ko at binigyan ako ng makahulugang ngiti ni lola bago pumunta sa kusina.

Hinila ko palabas si Martin, "What the hell are you doing here?! How did-" natigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong yakapin.

"Thank God you're okay! I was d-amn worried about you!" he hollered. Tinignan ko siya at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Agad akong lumayo sa kanya.

"I don't need you to worry about me. But I know you're just worried 'cause I'm like a little sister to you." I said with a hint of bitterness in my voice. "You could've just told Mang Ricardo na kapatid mo ko." I said while staring at his eyes. God! Twing titingin ako sa mga matang 'yan, di ko mapigilan yung sarili ko na mahulog ng paulit-ulit.

"Sera-" hindi niya na natuloy yung sasabihin niya kasi nakaramdam kami ng patak ng ulan. Agad niya akong hinila papasok para di na kami mabasa. Pagkapasok naming ay hindi ko na siya inimik at tumuloy na sa la mesa.

"Naku, masyado nang malakas ang ulan. Kung dito na kaya muna kayo magpalipas ng isang gabi? May papag naman diyan na hindi nagagamit pero malinis naman." Ani Lolo Ricardo habang binababa ang ilang mga bintana. Kami? Sa iisang higaan? Damn. Bakit parang nagwawala yung mga insekto sa tyan ko?

"Oo nga, iha. Delikado ang daan dito lalo pa't umuulan. Madulas." Segunda ni lola. Sa huli ay pumayag na din ako dahil kumikidlat na. Shoot, kahinaan ko pa naman pag may kidlat at kulog na.

Inayos lang ni Martin at Lolo Ricardo yung higaan at nagpalit naman ako ng daster na ibinigay ni lola. Nang matapos ako ay si Martin naman ang nagbihis. May tatlong unan ang nandoon. Kinuha ko yung isang unan at inilagay sa gitna pagkatapos ay humiga na ako patalikod sa side ni Martin. Narinig ko ang bahagyang pagtunog ng papag senyales na humiga na din siya.

Narinig ko ang isang malakas na kulog. Hindi ko na napigilan na mapayakap sa unan na namamagitan samin ni Martin. Sh-t mommy, daddy, kuya, superman, batman, flash, green lan-

(Play the multimedia)

Natigil ako sa pagtawag sa isip ko ng kung sino-sinong superhero nang maramdaman ko ang pagyakap sakin ni Martin.

"You don't have to pretend you're strong when in fact you're weak, Sera.." he said then kissed the top of my head. "You don't have to tell me you're fine, when I know you're hurting." Bulong niya sa akin. Hindi ako makagalaw. Gusto nanaman kumawala ng mga luha ko. Nagiging iyakin na ako. "I wish I can explain to you everything, but not now. Maybe, sooner." He said in a husky voice. I swallowed a lump in my throat in order not to cry. God knows how much I love this man!

I let myself hug him. I felt him tightened his hug. This is the best place in the world for me. Beside him. Beside the one I love. Bahala na kung masaktan ako ng katotohanan sa mga susunod na araw.

Susulitin ko na 'to. Susulitin ko na kung ano yung nangyayari ngayon. Kasi yun ang importante. Siya yung importante.

I wanna be with you, Martin. Forever.

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon