Twenty

196 2 0
                                    

PS. Read the whole chap for the good news. 

Chapter 20

Shirts, words and actions

Mariel

Buti naman nagpahinga sa POV niya yung bruha kong bestfriend di ba? Kaya ayun, ako daw muna magkwento. Nandito na kaming lahat sa rooftop nila para magdinner. Nagkakasiyahan ang lahat, pwera nalang sakin na naiirita, kay Chip na mukhang aburido at gusting manuntok at kay Loise na kanina pa dinadaldal ni Brix pero lutang.

Alam niyo, ang weird netong si Chip at Loise eh. Kanina talaga sa hagdan parang may something eh. Pero since baka sabunutan ako ng bestfriend ko kung malaman nya na yun ang iniisip ko, dinivert ko nalang sa iba ang pansin ko.

Isa pa nga pala, ba’t nga ba ko naiirita? Eh kase yung dalawa kung makapaglampungan at maka-clingy sa isa’t-isa wala nang bukas! Nakakairita! Sino pa ba? Edi si Kuya Von saka yung girlfriend nya! May subuan factor pa! Damn, ba’t ba ang bitter ko?!

Napatingin ako sa katabi ko na tahimik kung kumain, “Huy, heath..” bulong ko sa kanya.

“O?” mataray na sagot nya. Di ko magets ‘tong isang ‘to! Ang sungit sungit sa’kin, pero pagdating sa iba, ang bait.

Cous, bagay kayo ni Mariel.” hayag ni Cerine ng nakangiti. Oo, di ko siya ia-ate. Di kami close.

“Tss. Shut up, insan. Pagtuunan mo nalang ng pansin yang si Von oh, seryosong seryoso eh.” Pabirong sagot ni Heath. Kita niyo! Ang bait sa iba—wait! Did they just call each other pinsan?!

“Magpinsan kayo!?” gulat na tanong ko kay Cerine na ngayon ay nakangiti saka kay Heath na nakatingin sa ibang direksyon.

Ngumiti ng matamis sa’kin si Cerine. “Oo, magakapatid ang mothers namin.” Napatango nalang ako bilang sagot.

“Ahh, okay. He-he” sagot ko nalang at pinagpatuloy ang pagkain.

Nang matapos kami sa dinner, ay sinet up na nila Heath yung couch at mga bean bags pati na din yung projector. Magmmovie marathon kami ditong barkada, sila tita at tito nauna na sa baba. Infairness, nakikisama ang panahon kasi ang daming stars.

Nang matapos sila sa pagsset-up ay umupo na ko. Sakto namang katabi ko si Heath na nakikipag-usap kay Cerine. Umalis muna ko para kumuha ng inumin ko.

“Oops! Sorry” “Ayy sorry!” sabay naming sabi ni Von. Napatingin ako sa damit ko na natapunan ng royal. Gahd, ang lagkit.

“Sorry. Kuhanan na lang kita ng shirt na b—“

I cut him off. “Hindi, okay la—“

“I insist. Malagkit yan kung mamaya ka pa magpapalit.” He said before turning around towards the door. Sumunod nalang ako kase tama naman siya.

We walked in silence, nauuna siya ng bahagya kase ayokong sumabay. Ang awkward. Tinitignan ko lang yung likod niya.

How can I stop loving you, Von? When all these things you’re doing makes me think you still care. How, Von? How can I forget you?  

Napatigil ako sa pagmo-monologue sa utak ko ng buksan nya ang isang pinto. Kwarto niya.

“Uhh.. V-von—“ tawag ko sa kanya ng makita siyang pumasok sa walk-in closet niya.

“Pasensya ka na, medyo Malaki ‘tong shirt ko.” Sabi niya sabay abot nung white shirt. Tinignan ko lang yun. Damn! Why is he doing this?! Torture ‘to!

“No. Okay lang, may—“ I was cut off by a low voice.. Owned by..

“Heath..”

Inabot niya sakin ang isang black shirt. “Wear this. It’s mine.” He stated while staring at Von. Sh-t this is so awkward! “Mas mabuti nang black, para kung matapunan ka man ulit, hindi na halata. Pero syempre, di ko naman hahayaang matapunan ka ulit. Kesa kung puti, mageeffort ka nanamang magpalit.mahabang dugtong ni Heath habang nakatitig pa din kay Von.

Hindi ko na alam ang gagawin kaya hinablot ko nalang yung shirt at dumiretso sa restroom. Nagpalit na ko at tinignan ang itsura ko sa salamin.

 

Black Shirt

 

Ang bilis ng heartbeat ko. At hindi ko alam kung sino ang dahilan. Isa lang ang sigurado ngayon..

Yun ay, masyadong ginugulo ng mga actions ni Von at words ni Heath ang isip ko.

A/n: This story will be updated daily. 

Thank you for reading! Vote and Comment. 

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon