Chapter 6
Story behind.
Loise
“So what do you think of this design? I think we need to get their—“ natigilan ako sa pagsasalita, about sa trabahong binigay ni mommy, nang makitang di naman nakikinig sakin si Mariel.
I snapped my fingers in her face. “Ah.. Uhm, yeah. I think maganda yung blue..” See? Lutang.
“I was currently talking about designs, not colors Gela Mariel. Tell me, what’s bothering you?” I asked seriously while putting all the stuffs aside. Nandito kami ngayon sa office na binigay ni mom. It’s on the 35th floor, same floor as my bro’s bestfriends.
“It’s nothing.. Really, nothing.” She said almost a whisper. Really? I said in my mind.
“Oh you just don’t say nothing when in fact it’s written all over your face that you’re bothered.” I said.
“It’s about.. him.” Oh. Now I get it.
“Si kuya. What about him?”
“I—“ hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko na kung ano yang sasabihin niya.
“He’s got a girlfriend. A serious one I must say.” Sabi ko habang nakatingin sa kanya. She sighed heavily at bumagsak ang balikat. She looked down to the floor, di naman lumagpas sa mata ko yung luhang tumulo sa mata niya.
She wiped the tear away and looked up to me. “Loise, I think I’ll go out first. Papahangin.” She said walking to the door.
**
3rd person
*Flashback*
Dapit hapon na. Nakaupo ang isang batang babae sa harap ng kanilang bahay, hinihintay ang kaniyang kalaro na kapitbahay lang nila.
“Gela baby, what are you doing outside?” sigaw sa kanya ng kanyang mommy na kasalukuyang nagbbake sa kusina.
“I’m waiting for Sera Loise, mom! She said she’ll get her doll house first..” ganting sigaw ng batang babae habang nakatitig pa din sa gate ng bahay ng kalaro.
Tila naiinip na ito dahil sa tagal ng kanyang kalaro nang bumukas ang gate ng kapitbahay at lumabas doon ang kanyang kalarong babae na tumatakbo. Nasa likod naman nito ang nakakatandang kapatid na bitbit ang doll house.
“Sera Loise, ang tagal mo.” Sabi ng batang si Gela habang nakapout ang nguso.
“Sorry, si kuya kasi ayaw pa akong payagan dalhin yung doll house. Then I told him na dito naman tayo magp-play then he told me na siya na magdadala nung doll house.” Masayang sambit ng batang si Loise. “Ah! Gela Mariel, this is my kuya Sed. Kuya Sed, this is my bestfriend Mariel.” Dugtong nito.
Lumipas ang mga araw at mas lalong lumalim ang pagkakaibigan nina Loise at Mariel. Hanggang sa isang araw..
“Gela, ang tahimik mo. May problem ka?” inosenteng tanong ng kaibigan.
“Ah.. Kase.. A-ano Loise eh..” utal-utal na sagot ng isa.
“Ano yun? Sabihin mo na. Wala dapat tayong secrets eh..” sagot ng batang Loise.
“Crushkoyungkuyamo.”mabilis na sabi ni Mariel sabay takip ng bibig, ngunit kahit mabilis ay naintindihan pa din ito ni Loise. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ng huli.
“Ayiieeeeee ikaw ha! Crush mo—“
“Secret lang nga yan eh! Hmp!” pagmamaktol ng isa. Habang tumatawang nailing ang kalaro.
Isang araw, nasalubong ng naglalakad na si Mariel ang kanyang ‘crush’ na kapatid ng bestfriend.
“Hi Gela!” masayang bati ng binata sa kanya.
“H-hello p-po..” sagot naman niya na nauutal. Si Gela at Sera ay walong taong gulang ng mga panahong ito, samantalang labingtatlong gulang naman ang kuya ni Sera.
“Haha! Ang cute mo talaga! Tara sa park, kain tayo ice cream?” pagaaya ng binata. Masayang tumango naman ang batang babae.
Bumili muna sila ng ice cream saka umupo sa swing. “A-ah, si Sera Loise po ba n-nasa ba-hay?” pagsisimula ng usapan ni Gela.
“Wag ka nang mahiya sakin, saka mautal pag kausap ako.” Sabi ng batang si Sedric Von habang ninanamnam ang ice cream. “Oo, nandun siya.” Pagsagot ng binata sa tanong ng babae.
“Ah—“ sabay nilang sabi. “Ikaw muna.” Sabay ulit sila.
“Okay lang, ikaw na muna.” Sabi ng batang si Gela habang nakayuko.
“Para sayo pala. Ah, sige una na ko. Bye.” Nagmamadaling sabi ni binata. Naiwan naman ang babae habang nasa kandungan niya ang isang maliit na pink box. Binuksan niya iyon at nakita niya ang pinakamagandang bracelet na nakita niya. May sulat ding kasama ito.
Gela,
Hello! Ah, gusto kong ibigay sa’yo ‘tong bracelet. Bagay kasi sa’yo eh. Alam mo bang pinabili ko lang ‘to kay mommy kasi wala pa kong pera pambili eh. Inasar pa nga niya ko nab aka may nililigawan na daw ako. Ah! Gusto kong ibigay sa’yo ‘to kasi gusto kita. Hindi ko lang masabi sa’yo kasi nahihiya ako. Hindi din alam ni Loise na gusto kita kasi baka asarin niya lang ako. Sana magustuhan mo. J
Take Care.
-Von
Napangiti ang batang babae. ‘Crush ako ng crush ko!’ sabi niya sa kanyang isip.
Mabilis na dumaan ang mga araw at kinailangang umalis ng pamilya ni Gela. Magtatayo ng panibagong branch ng negosyo ang kanyang mga magulang sa ibang bansa.
Umiiyak na lumapit si Gela sa kay Von na ngayon ay naluluha na din. “Magpromise ka sakin Gela na babalikan mo ko..”
“Promise Kuya Von.. Promise babalik ako dito. Promise mo sakin na hihintayin mo ko.”
“Promise..”
*End of Flashback*
“After all, promises are meant to be broken.” Sambit ni Gela na ngayon ay umiiyak habang pinagmamasdan ang bracelet na binigay ni Von sa kanya noon.
Heath Jacob on the side :)
BINABASA MO ANG
My Playboy
General Fiction[PLAYER #1] "Rule number One: Never fall for the playboy." Sera Loise Escareal. Umalis siya ng bansa para hanapin ang sarili niya at.. mag-move on. Pinlano niya ang isang sweet revenge sa kanyang pagbabalik. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pag...