Chapter 18
He looked away
Loise
Friday na ngayon. Binalita sa’kin nila mom na nakuha na daw nila ‘yung ticket na sinned nila Mr. Villaflor. And buks, pupunta na sila dito. Para ma-meet din daw nila ‘yung mga kliyente by Sunday since ‘yun ang delivery date. Anyway, enough with the business topic.
Nandito kami ni Chip sa sala. Parehas kaming nakaupo sa sofa habang nanonood ng movie, pero uy maglayo kami ‘no. Oo na! ‘di pa din ako nakamove on dun sa susuyuin niya daw ako! Susuyuin daw ako eh di nga ako pinapansin. Buwisit na ‘to!
“Hoy Chip!” tawag ko sa kanya. DI naman ata ‘to nanonood eh! Nakatingin lang sa tv. “Hoy!” ulit ko. “Hoy Chippyng panget na baliw, ba’t di ka namamansin?” finally tumingin na siya. Pero nag-iwas ng tingin, kinuha yung remote then pinatay yung tv.
“Problema mo?” tinaasan ko siya ng kilay.
“Who’s Mico?” cold niyang sabi. Mico? Ba’t niya natanung?
“Ex ko. Bakit?” he just look at me then tumayo na. Seriously?
Maghapong di lumabas ng kwarto niya si Chip. And seriously, nabbored na ako! Being silent makes me insane! Gaah! Obvious naman na madaldal ako ‘di ba?! Haie!
“Hoy Chip! Lalabas lang ako ha? Bye!” sigaw ko sa tapat ng pinto ng kwarto niya. Siyempre, kahit papano magpapaalam naman ako. May manners ako ‘no, kumpara dun sa unggoy na ‘yun.
**
Dinala ako ng mga paa ko sa isang nearby park. Malayo layo din pala yung nalakad ko kasi mag-6 pm na din kaya may pa-sunset na. Umupo ako sa swing. Hay, sunset is one of the most beautiful and worst sceneries for me. Kaya ayoko mag-isa pag nanonood ng sunset, feeling ko kasi laging may aalis o mawawala.
Naputol yung pag-iisip ko nang may magsalita.
“You should’ve brought your phone with you! Ni hindi mo man lang inisip kung may maghahanap sa’yo o wala! You’re so stupid!” bulyaw ni Chip sa’kin. Buti nalang bilang nalang ang mga tao dito kaya di na kami masyadong naka-agaw pansin.
“What’s your freaking problem!? May saltik ka ba, huh? One time, you’re being a snob, ngayon kung magalit kala mo kung sinong worried!” sagot ko sakanya. Sinira niya kaya yung pagmmoment ko. Leche!
“Shut up! Let’s go home. Magluluto ka pa ng dinner.” Pagsusungit niya. Nakakarami ng ‘tong unggoy na ‘to ah. Teka nga. “Magluluto? Are you even aware na wala ng stock sa suite?”
“So? Is that a problem? Then let’s go to the market! Problem solved?” pambabara niya. Nakataas pa yung kilay. Bah! Namumuro na talaga ‘to!
“Problem solved?” panggagaya ko sakanya. “Ako pipili ng ingredients, ikaw magbayad. Bwisit ka!” I rolled my eyes upwards.
And the day ended just like how it started. Boring.
**
Saturday Morning.
Inaayos naming yung gamit naming kasi lilipat kami sa rest house mamaya. Langya! May rest house pala kami dito sa Ilocos tapos di man lang ako sinabihan. On the way na din daw kasi sila mom dito. Guess what? Kasama silang lahat. And when I say lahat, meaning sila kuya, Ate Cerine, Mariel, Heath and Brix. Oh di ba? Parang nag-bakasyon grande lang.
“Are you finish?” tanong sakin ni Chip habang nakasilip sa pinto ko. I nodded at kinuha na yung 2 bagahe ko. Pero since ang daming laman nun, mabigat.
“Pwede naman magpatulong. Tss. Let me” sungit! Ilang araw na kong sinusungitan nitong gwapong unggoy na ‘to. Peste! Naka navy blue shirt lang naman siya saka jeans pero ang gwapo gwapo niya!
Bumaba na kami sa may reception area para magcheck out.
“Goodmorning sir, for check out na po?” bati nung receptionist habang nagpapacute. Hilahin ko kaya fake lashes nito? Landi uber.
Bago pa magsalita si Chip, inunahan ko na. “Obviously miss. Kitamong dala na naming yung mga gamit naming di ba? Malamang for check out na. Saka pakidalian, may date pa kami ng asawa ko.”
Napatanga naman ang babae tapos biglang.. “Ah.. eh.. sorry ma’am. Yung card key po pakiiwan nalang. Thank you po.” May huling tingin pa sya sa katabi ko. Inirapan ko siya sabay hatak kay Chip.
Nang nasa sasakyan na kami ay nagsalita siya bigla.
“You sound jealous a moment ago, eh?” sabi niya habang may amusement na mahahalata sa mata niya.
“Just shut up and drive!” sigaw ko. Napa-raise nalang siya ng kamay habang nangingiti. “Don’t smile! Ugh!” sita ko sakanya. Pero tila di siya tinablan kasi mas lalong ngumiti ang loko.
**
Mahigit isang oras din yung binyahe namin. Pero Ilocos bound pa din naman to. Nagpark na si Chip at may nakita kong isang van sa gilid. Malamang nandito na sila.
Bumaba kami at pumasok na dun sa rest house. Sumalubong sakin si mommy, ate Cerine at Mariel.
Niyakap ako ni Ate Cerine. “Hi little sis! I missed you! Ngayon nalang ulit tayo nagkita. Hihi”
“I missed you, too ate! Bonding tayo later, mkay?” she smiled at me and nodded. Napatingin ako kay Mariel.
“Hi bestie!” I hugged her. “I missed you.”
“I missed you too, bestie!” she hugged me too. “Close pala kayo nung girlfriend ni Kuya Von” mahinang bulong niya sakin.
“Bestie, di ka pa din ba nakakamove on?” I asked her in a low voice. She shook her head. I let out a sigh. “Makakaya mo din ‘yan okay? Sanayin mo muna yung sarili mo sa sakit or try to divert your attention.” She nodded and smiled. A sad smile.
Pumunta kami sa likod na part nung bahay which is yung may pool area. Nandun sila kuya nag-iihaw. Binati ko sila isa-isa. Nandun na din pala si Chip.
“Loise! Namiss kita!” sigaw ni Brix habang tumatakbo papunta sa direksyon ko. Pinatid siya ni kuya kaya muntik na siyang masubsob. Pero tuloy pa din siya papunta sakin.
“Pucha! Lumayo ka nga sa kapatid ko. Pag ako natapos dito, yari ka sakin.” Banta ni kuya. DI kasi sya makaalis dun kasi lahat may kanya-kanyang gawain.
Nang makalapit sakin si Brix ay niyakap niya ko. “Gaaah, nakakabakla man pero namiss talaga kita. Partida ilang araw palang kitang di nakita.” Bulong niya sakin. Alam ko, medyo namula ako. Syempre, babae din ako ‘no. Kinikilig.
Pero may nagtulak sakin na tumingin sa direksyon ni Chip.
He is looking at us but immediately looked away when he caught my eyes.
Is he jealous? For real?

BINABASA MO ANG
My Playboy
Fiction générale[PLAYER #1] "Rule number One: Never fall for the playboy." Sera Loise Escareal. Umalis siya ng bansa para hanapin ang sarili niya at.. mag-move on. Pinlano niya ang isang sweet revenge sa kanyang pagbabalik. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pag...