Fifty Four

137 1 0
                                    

PLAY THE MULTIMEDIA ON THE SIDE for the song of this chapter. :) 

Chapter 54

Date

Mariel

"Saan mo ba ko dadalhin!?" asik ko dito sa kasama ko. Kinidnapp niya ako mula sa office nang walang paalam! 

"Basta." sagot lang niya. Sinong hindi iinit ang ulo sa sagot niyang 'yan? Sige nga. Imbyerna 'to. 

"Basta ka ng basta, eh kung ibalik mo nalang kaya ako sa shop!" grabe lang talaga! Hindi ko alam bakit bigla akong nagsusungit. Nahawa na ata ako kay Loise. 

Sa sobrang inis ko sa kanya ay hindi ko siya pinansin at nanatili ang tingin ko sa labas. 

Nagising ako sa mahinang tapik sa mukha ko. Dammit, nakatulog pala ako! 

Napatingin ako sa tumatapik sa akin at nanlaki ang mata ko nang makitang iilang agwat na lang ang layo ng mukha ko sa mukha ni Heath. Dahil na rin siguro sa reflexes ay nasampal ko siya. 

"F-ck! What was that for?!" sigaw niya. Inirapan ko lang siya at nauna na akong bumaba. Tinignan ko muna ang lugar at.. The hell! Sa SM lang pala kami pupunta. 

Mabilis ang lakad na ginawa ko. Narinig ko naman si Heath na sumisigaw kaya mas binilisan ko ang lakad ko. 

Pero dahil likas na matangkad siya at mahaba ang mga biyas niya ay naabutan niya pa din ako. "Sh-t. Why are you so hard-headed?!" aniya at inakbayan ako mula sa likod. Itutulak ko sana siya nang kontrahin niya ako. "Don't. You h-have.." 

"Ano bang pinagsasasabi mo?!" hanggang ngayon ay nandito pa rin kami sa parking. Nasa likod ko siya at naka-steady lang kami dito. Ano ganito nalang forever?! Walang forever! 

"A-ano.." 

"Ano nga?!" 

"M-may.. ano k-kasi.." 

"Leche naman Heath eh! Ano nga?!" 

"MAY STAIN 'YUNG.. L-LIKOD MO!" at nung narealiza ko ang sinabi niya ay agad nagsiakyatan lahat ng dugo ko sa mukha. Godness! Nakita niya?! Nakita ni Heath?! Oh goodness gracious, lamunin mo na ako! 

"Tara na nga sa loob. 'Wag ka na magreklamo, akong bahala sa'yo." ani Heath and right then and there, I felt convenience. 

Damn, bakit kasi nakalimutan ko!  Pumunta muna kami sa Watsons at bumili ng pamalit. Pinagtitinginan kami ng mga tao, hindi dahil sa posisyon namin kundi dahil si Heath ang may hawak ng binili namin. 

Pagkatapos namin ay dumiretso kami sa cr at walang pasubaling pumasok din siya sa loob. Pinagtinginan kami ng lahat ng nasa loob. Binalingan ko siya, "Baliw ka! Okay na ko! Lumaba--" 

Tinakpan niya ng kamay niya yung bibig ko. "Shh, ang ingay mo! Sige na. Magpalit ka na, hintayin kita dito." 

Nang tuluyan na akong makapagpalit at matanggal ng kahit papaano yung stain ay lumabas na ako at nagulat pa ako ng andun siya mismo sa labas ng cubicle. "Loko ka talaga! Aware ka naman sigurong cr 'to ng mga babae." 

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon