Fifty Seven

196 2 0
                                    

Chapter 57

Get together

Loise 

"TWINNNNNNNN!! DALIAN MO! KABAGAL!!!" sigaw ni kuya mula sa baba. Nakauwi na siya kahapon pa ng bandang alas tres ng hapon. Nagulat pa nga ako nung umuwi siyang kasama si Ate Cerine eh. Hindi pala talaga siya nag-joke nun. 

"Bakit ba kasi ayaw mo akong isama?! Magba-bar ka naman ah!" sigaw ko kay kuya Von. Asar din 'tong isang to eh. Narinig niya kasing kausap ko si Ate Cerine, ayun at biglang hinablot ang phone ko! Ang sarap niya lang sapakin. 

Kung iniisip niyong ideal ang samahan namin ng kambal kong panget, pwes nagkakamali kayo! Tulad ng ibang magkakapatid, nag-aaway din kami. Ito yung oras na gusto ko siyang sakalin para lang payagan akong sumama sa kanya. 

"Hindi nga pwede, Loise naman, ang kulit!!" inis na inis niyang sagot. Sinimangutan ko siya, papayag na yan! Papa- "Hindi mo ako madadaan diyan. Sige na, aalis na kasi ako! Paguwi ko, may surprise ako sa'yo!" ngiti niya. Inirapan ko lang siya at nilapitan saka niyakap. Pero binatukan ko pa rin siya. 

"Sabi mo yan ha! P-pero teka, makapagsabi ka naman ng surprise parang ang layo naman ng pupuntahan mo!" muli ay ngumiti lang siya. Alam niya talaga kung paano ako bwisitin! 

Oo. Si Ate Cerine pala yung sinasabi niyang surprise. At masaya naman ako nung nalaman kong okay na sila. Kinagabihan pa nga kahapon nag-set sila ng dinner kasama ang family ni ate Cerine. Mamamanhikan na pala ang kambal ko! 

At bilang selebrasyon kuno nila, isasama nila ako sa bakasyon grande nila. Imbyerna talaga! Anong gagawin ko doon? Tititigan sila habang naglalampungan sa harap ko? Porket engaged sila, di nila ako pwedeng ganituhin. 

Pero sa huli pumayag pa rin ako.. Nag-please na kasi si Ate Cerine. Hay, life parang ampalaya. 

"Tara na!" mabilis na sumakay ako sa sasakyan at basta nalang inilagay ang gamit ko sa trunk. Marahil dala ng pagkabagot ay nakatulog ako. 

**

Naramdaman ko ang marahang pagtapik sa mukha ko. "Huy! Bestfriend!" 

Idinilat ko ang isang mata ko at nakita ang mukha ni.. Mariel? Luh, anong ginagawa nito dito? 

"Alam kong maganda ako, di na kailangan pang titigan." ngumisi siya sa akin. 

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka namin kasama kanina ah?" kunot-noo kong tanong. Ni wala akong ideya kung anong nangyayari. 

"Wag nang puro tanong, tara na!" aniya at hinila ako palabas ng sasakyan. Saka ko lang napansin nun na nasa isang resort kami. Hindi gaanong malaki ang resort na 'to, pero maaliwalas at may mini bar papasok ng entrance. 

Nang makapasok kami ay bumungad sa akin ang isang malaking pool. May iilang kubo ang nakapaligid doon. Nilibot ko ang tingin ko. Ano bang nangyayari?! 

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon