Chapter 24
Best friend
Loise
Habang naglalakad kami ni Kuya papuntang labas, di ko maiwasang kabahan. Deym! I should compose myself before I spill the beans to him. Hindi niya dapat malaman tong nararamdaman ko. Sure ball na magagalit siya sakin. And that’s the last thing I want to happen.
“Twin..” mahinang tawag ko sa kanya. Umupo ako sa may pool side at nilublob yung paa ko para ma-relax.
“What happened? Why are you drunk last night?” sunod-sunod na tanong niya. Sinundan niya ako sa pool side at ginaya ako.
“I’m just happy, kuya..” ani ko sa mahinahong boses. I don’t want him to suspect or at least trace any pain in my voice.
“You know I won’t buy that, Sera Loise. Tell me.” He said plainly. Walang mababakas na expresyon sa kanya. Di galit, di rin masaya.
“Kuya, please? Let it pass this time. I missed you..” paglalambing ko para maiba ang usapan.
He sighed and embrace me. “Whatever the reason is, I’m always here for you, kay? And for the record, I missed you, too, Twin.” He finally smiled. Thank God di na niya pinush through na magtanong kasi alam kong makakapagsinungaling ako sa kanya, and I’m not good at lying. Especially to him, he’s my twin. Marami kaming alam sa pasikot-sikot sa isip ng isa’t-isa.
“So kuya, how are you?” I gave him a knowing look. Tinanggal niya ang pagkakaakbay sakin at tumigin sa langit. Makulimlim ang panahon ngayon.
“I’m fine but it’s not what I feel..” mahinang sagot niya. Nag-iingat na baka may makarinig sa amin.
“Kuya, do you still feel something for her?” I asked him. He just showed me his small smile at ginulo yung buhok ko.
“Ang daya mo. Ikaw ang topic kanina, tapos naging ako naman ngayon. Ang galing mo talaga mag-change topic” Natawa ako sa kanya. Oo, master ako sa pag-iiba ng topic.
“Hahaha kuya! You’re mean, you know that? Pero sige para fair, let’s talk some other time.” Tutal di ko pa rin naman sinasabi sa’yo yung totoo. Gusto ko sanang idugtong pero natatakot akong mabuksan nanaman yung topic. “I’m sorry kung di ko pa kayang sabihin ngayon, kuya.” Yan nalang ang nasabi ko.
He shrugged, “Okay lang. Di ko pa rin kasi alam yung sagot sa tanong mo.” Sagot niya na naiintindihan ko naman. Syempre, mahirap naman kasi i-filter out yung nararamdaman mo sa isang tao na wala kayong closure.
Nagkwentuhan pa kami ng ilang saglit nang biglang lumabas na yung barkada. Pilit kong iniiwasan yung tingin ni Martin. Wag muna ngayon please.
“Bonding of the siblings, eh?” pang-aasar ni Brix. Babatukan na siya ni kuya nang bigla niya kaming tinulak ni kuya sa pool.
Hindi agad ako naka-react kaya hindi ako nakaayos ng paglangoy, buti nahawakan ako ni kuya. “Gago ka talaga, Brix!” bulyaw sa kanya ni Kuya.
“Hehe peace tayo, Lo—“ hindi niya natuloy yung sasabihin niya nang itulak siya ni Martin at Heath. “Pakshet! Napasukan yung tenga ko ng tubig! Hayup talaga kayong dalawa! Revengeeeee!!” sigaw niya sabay ahon para habulin yung dalawa. Natawa na lang sila, except sakin.

BINABASA MO ANG
My Playboy
Ficción General[PLAYER #1] "Rule number One: Never fall for the playboy." Sera Loise Escareal. Umalis siya ng bansa para hanapin ang sarili niya at.. mag-move on. Pinlano niya ang isang sweet revenge sa kanyang pagbabalik. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pag...