Thirty Seven

182 2 0
                                        

Bago ang update, A/n muna. 

Okay, maties!! Maraming salamat sa lahat ng mga nagbabasa. Woooh di ko ineexpect na aabot yan sa ganto. Hahaha okay sorry naman. *tears tears* Sige na. Eto na talaga!

Chip Martin on the side. Omgeeeee :"> 

TOTOO NA PO 'TO. PROMISE! :) ENJOY GUYS. VOTE. COMMENT. FOLLOW! LEGGO :') 

Chapter 37

His

Martin

 

*Flashback*

 

(Ilocos Setting)

“I’m not flirting with you, Sera. I’m just stating what’s in my mind. And.. ayoko ng iba. Gusto ko ikaw lang ang pinagtutuunan ko ng pansin.” I saw her blush. Ang ganda niya lang talaga kapag kinikilig. Ang bakla, pucha.

Eto ‘yung mga panahong nagmovie marathon kami ng barkada sa rooftop ng bahay nila Sera. Nun ko lang nalaman na mahilig pa lang siyang mag-stargazing, kasi mas pinagtuunan niya ng pansin ‘yung kalangitan kesa dun sa movie.

 

Kinabukasan nun, maaga akong nagising. Hindi ko alam pero I have this urge na ayain si Sera para lumabas kahit mag-10 palang ng umaga. Kaya nagpaalam agad ako sa mommy niya, buti na lang pumayag.

Dinala ko siya sa isang plaza na sinearch ko pa sa Google. Manghang-mangha din ako dun sa lugar kasi ang aliwalas. Hinila ko siya papasok sa isang boutique at nakita kong tuwang-tuwa siya sa paligid. Binilhan ko siya ng mga damit, ewan ko, gusto ko lang kasi siguradong bagay sa kanya ‘yun. Nahihiya man ako, pero worth it naman, lalo na nung nakita ko siyang nag-blush. Sh-t! Posible bang magwala din ang puso ng lalaki? Tae, nababakla na ata ako.

Nag-ikot ikot pa kami ng may makita kong damit. Simple lang siya na dress pero elegante at bagay sa theme mamaya ng event. Gusto ko sanang ‘yon yung suotin mamaya—Tama! Tangina, ang genius ko talaga!

Pinaupo ko muna siya, para bilhin yung damit. Pinabox ko na din. Pero, damn, pa’no ko ‘to ibibigay sa kanya?

“Uh, sir?” pagpapacute nung cashier sabay abot sakin nung box.

Ngumiti ako, “Miss, pano ko ba ‘to ibibigay sa girlfriend ko?” sabi ko para matigil ang ilusyon nya, si Sera ang gusto ko. Nakita ko naman ang pagsimangot niya. “Nahihiya kasi ako, eh” dugtong ko sabay kamot sa batok.

Napahagikhik ‘yung kausap ko sa ginawa ko, “Ang cute niyo pala sir at ang swerte ng girlfriend niyo, hihi. Pero kung nahihiya po kayo, bakit ‘di niyo nalang isulat tapos ipabigay sa kanya?” tae! Di ko naisip ‘yun ah? Nagpasalamat ako at umalis na. Bumili lang ako ng card at sinulatan ko na din. Siguro iiwanan ko na lang siguro sa kwarto niya. Nung binalikan ko siya, ay halata na ang pagkainip at inis sa mukha niya.

Pagkarating na pagkarating namin ng bahay ay agad akong kumaripas ng takbo papunta sa kwarto niya. Iniwan ko lang ‘yun sa ibabaw ng kama niya.

Dumating na ‘yung oras ng event. Damn, nung nakita ko siya suot-suot yung damit, hindi ko mapigilang di mapangiti. Bagay na bagay sa kanya, tangina. Lumipas ang ilang oras ay lumayo muna ako sa dagat ng mga tao. But I can still see Sera from here, f-ck, she outshines everyone.

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon