Nineteen

193 2 0
                                    

Chapter 19

May nahulog

Loise

Humiwalay agad ako kay Brix. Una, dahil ayoko nung nakita ko. Pangalawa, sumigaw si Kuya.

“Brix! Tangina mo talaga! Sabing layo ka sa kapatid ko eh.” Sigaw ni Kuya habang hinahabol si Brix na pumasok sa loob. Napailing na lang ako.

“Sis, obvious na may crush ‘yun sa’yo. Hihi, pero ingat ka ha. He’s a playboy, well actually silang 4. Pero matino na ang kuya mo.” Ate Cerine told me. I smiled at her and nodded, narining ko naman ang pag-ismid ni Mariel sa gilid ko.

“Naman Ate Cerine. I will always remember my rule number one.” I answered safely and winked at her. Hindi na ko nagreact tungkol kay ‘kuya’ na part kasi ayokong mag-isip si Mariel ng kung ano.

“Sige wait lang ha, puntahan ko lang si Sed sa loob. Baka pinapatay na si Brix eh.” She said then left. Hinabol pa siya ng tingin ni Mariel.

“Tss. Lamang lang naman siya sa’kin ng ilang pulgadang height pero mas maganda padin ako. Hmp” narinig kong bulong niya.

“Hahaha, hoy bestie, napakabitter mo! Sabi ko move on na eh!” I playfull smacked her. She glared at me.

“Makasabi ng move on parang nakamove on ka na ah?” I smiled at her as an answer. “W-wait! Don’t tell me nakamove on ka na nga?” Again, I just smiled. “Hoy leche ka, wag mo kong ngiti-ngitian diyan! Magkwento ka bilis!”

Kinuwento ko sa kanya lahat. As in lahat. I didn’t missed a thing. Kaming apat – Ako, Mariel, Heath, Chip - nalang dito sa may pool area kasi lahat sila nagaayos sa may roof top. Dun yata kakain. Sabagay, hapon na din kase kaya di na masyadong mainit. Nagkwentuhan pa kami nang biglang sumigaw si Heath.

“Pakshet araaaaay!!”

“Huy bestie, tulungan mo bilis!” pagtutulak ko kay Mariel papunta kay Heath. Nataranta naman siya bigla kaya napatakbo na siya.

Tinignan ko si Chip na seryosong nag-iihaw. Sakto naming napatingin din siya pero agad nagiwas ng tingin.

Lumapit ako. “Kailangan mo ng tulong?”

Parang walang narinig ang unggoy kasi di man lang ako sinagot. “Huy!” wala pa ding sagot.

“Sung—“

“Loise!” tawag sa’kin ni Brix. “Tara sa taas, may papakita ko.” Sabi niya nung makalapit siya samin.

“Ah.. eh—“

“Tol, tinutulungan niya ko ditto mag-ihaw eh. Mamaya nalang.” Sabat ni Chip. Napatingin ako sakanya.

“Ay ganun ba? Oh di sige, hintayin nalang kita. Or ako nal—“

“Pre, baka kailangan ka dun sa taas eh. Tumulong ka dun, wag ka tumambay dito.” Sabat ni Chip. Kanina pa to sumasabat eh ako nga kausap!

“Okaay bro, okay! Chill! Hahaha sige, Loise hintayin nalang kita sa taas. Bye!” sigaw ni Brix habang palayo. Kumindat pa sakin.

“Tss.” Bulong ng katabi ko.

“Hoy ba’t ang sungit mo?” tanong ko. Di nanaman sumagot. “Ano ba maitutulong ko? Sabi mo—“

“Tumahimik ka na lang. Mas gusto kitang nandito sa tabi ko kesa nandun sa taas kasama siya.” Natulala ako sa sinabi niya. Damn heart! Wag kang magwala! Di ka nanalo sa lotto!

Nang matapos na yung mga barbeque na iniihaw, inakyat na nila kuya at Ate Cerine yun. Nakita ko pang napatingin si Kuya sa direksyon nila Heath at Mariel na ngayon ay naghihiwa ng mga prutas. Is it me or there’s really something behind kuya’s look?

Inaya ko na si Chip sa taas para makapagsolo yung dalawa. Oo, obviously, nagiging match maker ako sa kanila. Hihi bagay kaya sila! Nauna na kaming umkyat dun sa dalawa.

Nauuna kong umakyat sa hagdan, pero hinila ako ni Chip kaya natapilok ako at sakto namang nasalo niya ko pero bigla niyang hinarang yung mga kamay niya sa magkabilang side ko kaya na-corner ako.

Sobrang lapit niya sakin. Amoy na amoy ko yung menthol sa hininga niya. Damn freaking heart! Nagwawala nanaman.

“Ch-Chip.. U-umalis ka nga d-dyan.” Utal utal kong sagot.

Tinititigan niya ko na parang gusto niyang Makita yung kaluluwa ko. “Don’t call me Chip. Masyadong mainstream. Gamit na gamit na ng iba. You’ll call me Martin and I’ll call you Sera. Sa’ting dalawa lang yan.” He state while looking at me intently. Yung tagos hanggang bone marrow.

“Ba-bakit naman C-Chi--“ naputol ang pagsasalita ko ng halikan niya yung labi ko. Saglit lang pero naging dahilan para magdiwang yung buong Sistema ko. Yung puso ko nagwawala, nagtatambol at nagtatatalon. Pucha! Isa pa! DI ko naramdaman eh!

“Sweetheart, just do it. And siguro naman aware ka na kung anong gagawin ko kung di mo ginawa ‘yun?” he winked at me. Fuuuuuu! Sige, Chip! Chip! Ch—okay baliw na.

Hindi na ko nakasagot kasi nakarinig na kami ng yabag. Bigla naman kaming napaayos ng tayo.

“Wala pa kayo sa taas? Kanina pa kayo pumasok ah?” taking tanong ni Mariel. Ngumisi lang si Heath sabay kindat sakin. This guy! Alam kong may iniisip na kakaiba ‘to!

“A-ah? Hi-hindi k-kasi may h-hinahanap lang ako na n-nahulog dito. Oo, yun nga.” Sagot ko. Jusko sana naman di nila mahalata di ba? “Ay nako! Hayaan na nga! Tara na!” at nagmartsa na ko paakyat.

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon