Thirteen

250 4 0
                                    

Chapter 13

Break

Loise

 

Pagbalik naming sa office na lima, back to business na ulit syempre. Pagkaupo ko sa swivel ko, sakto namang pagpasok ni Chip sa pintuan. He looks at me like I did something. I asked, “What? Ba’t ganyan ka makatingin?”

Umiling siya at umupo sa swivel ni Mariel. “I have two things to tell you, one’s the good thing and the other is a bad thing. Which do you like to hear first?” Panimula niya na may cold expression sa mukha.

“Go with the bad one first.” Sabi ko. Mas gusto kong madisappoint muna tapos may back na pampa-good vibes. He shook his head, “Nah, I think you should hear the good thing first.” Desisyon niya. Nagtanong pa siya!

“The good thing is a very big break came because of the success of your first one. They are expecting more from us. Plus, lots of well-known models – locally and internationally – transferred to EMA.” Paliwanag niya habang binibigay sakin ang isang folder na puro ay mga pictures ng models.

“What do you want me to do then?” tanong ko habang inii-scan ang mga litrato.

“They were amazed by your talent in designing, Ms. Escareal. The thing is Villaflor Corporation wants you to hold a fashion event for the upcoming celebration of their 30 years. If the event will turn out successful, they will definitely merge their company with us.” Paliwanag niya. Agad akong napatingin sa kanya. Villaflor Corporation is one of the best and well-known companies in the world of Fashion.

“Deal. Is there any required theme for the event?” tanong ko sa kanya. I accepted it for 3 reasons. One, I want to impress everyone in the show. Gusto kong mapatunayan that even though I just graduated this year, may potential na ako. Two, I want to help in expanding our company. And three, I want to be a famous and well-loved fashion designer by the world.

Umiling si Chip bilang sagot. “Great!” I squealed. Mas mapapadali para sakin ang mag-design. Magsisimula na sana ako nang may maalala ako. “Wait. What’s the bad news?”

He turned to me and, “We’re going to meet Mr. and Mrs. Villaflor.” Sagot niya. What’s the bad thing about that? “In Ilocos. Tomorrow morning. And we means you and me.. only.” Pahabol niya bago lumabas ng pinto.Now I see the bad thing. Though Chip is already an acquaintance for me, he’s still a playboy and I’m starting to like him. And it’s no good.

**

Maaga akong nagising kahit na late akong nakatulog kagabi. Bukod kasi sa nagimpake ako kagabi, nagisip-isp na din ako. Tinimbang kung attracted, infatuated o nagugustuhan ko na ba talaga si Chip. Kasi parang ang bilis eh. At yes! Naisip kong attracted lang ako sa kanya. Kasi as I have said, I will never fall for the playboy. My rule number one. And I need to keep that.

“Sweetie, nandyan na si Chip sa baba. C’mon, bumaba ka na din at nang makaalis na kayo.” Ani mommy. Mabilis kong kinuha ang bag ko. Three days kasi kami doon.

Nang makababa ako, kiniss ko na si mom sa cheeks. Tulog pa kasi si dad samantalang si kuya, kausap si Chip sa labas since rinig ko yung boses nila. Lumabas na kami at nahigit ko ang paghinga ko nang makita si Chip. He’s wearing a navy blue polo shirt khaki shorts and sneakers. Narinig ko ang pagpalakpak ni mommy. “Hi Chip! MTB talaga kayo netong si Loise, parehas naka-Navy Blue! Hihi” sabi ni mom, sinamaan naman siya ng tingin ni kuya.

“Ma, aalis na kami. Baka matraffic kami eh.” Sabi ko sabay abot kay Chip nung bag at nilagay niya na yun sa likod ng sasakyan. “Bye kuya, bye mom. Kiss dad for me” sabi ko at humalik ulit sa pisngin nila.

“Tol, yung sinabi ko sa’yo ha.” Ani kuya sabay tapik sa balikat ni Chip. I didn’t bother at pumasok na sa sasakyan. Tumango na lang si Chip.

Nang makasakay siya ay agad akong kinabahan. Hindi naman eto yung first time na nakasakay ako sa sasakyan niya pero kinakabahan ako. Siguro kasi naamin ko na talaga sa sarili ko na attracted ako sa kanya.

“You look beautiful..” mahinang sambit niya habang focused pa din sa daan. Namula naman ako kaya binaling ko ang tingin sa bintana. Napatingin din ako sa suot kong navy blue na dress tapos may white belt. Naka-white keds din ako. Ang simple kayang tignan!

“Th-thanks.” Sagot ko at tumingin sa kanya. Sakto namang lumingon din siya sakin kaya nagkatinginan kami. Yung maganda niyang hazel eyes, nakakainlove. The f-ck? San galing ‘yun? Agad siyang umiwas ng tingin pati ako.

God help me, this will be a looooooooooong trip. 

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon