Thirty Six

153 1 0
                                    

Chapter 36

Third wheel

Loise

 

Kinabukasan, sinimulan ko na ‘yung trabaho ko para sa project na binigay sa akin ni Mr. Dela Paz. I am in the midst of drawing designs nang maalala ko ‘yung pag-uusap namin ni Martin kahapon..

 

“You keep on smiling at him, you keep on talking to him, not minding that I was there. You even made me look like a chaperone, na parang nagd-date kayo at third wheel lang ako. Sh-t, Sera! You’re making me frustrated! But what keeps me more frustrated is, you keep on bugging my mind, to the point that, I think I’m going crazy!” hindi agad ako nakaimik pagkasabi niya nun. Ilang segundo ko pa siyang tinitigan at marahil na-realize niya ‘yung sinabi niya kaya siya nag-iwas ng tingin.

Napatawa ako sa isip ko. ‘Yung puso ko kasi nagrereact nanaman, akala mo may hinahabol. Ayoko nang mag-expect, masakit kasing ma-disappoint. “Stop flirting with me, Fonteverde. Bring me home, now.” I said while looking outside. Hindi ko talaga kayang tumagal na kasama ang isang ‘to. Nagwawala kasi ‘yung puso ko. Narinig ko pa ang mabigat na buntong hininga niya bago magdrive.

 

“Ughhh!! Stop thinking about him, Sera Loise! Stop!! Stop!! Stooooop!!” sigaw ko dala ng sobrang frustration! Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko. Hassle!

“Loise, iha, ayos ka lang ba? Bakit ka sumisigaw?” narinig kong sabi ni Manang galing sa labas. Nahiya naman ako bigla kasi baka kung anong isipin ni manang.

Binuksan ko ‘yung pinto at sumagot, “Ah, eh, ayos lang po ako. Naglalaro lang po ako sa phone ko ng racing game, eh ayaw pong tumigil, ayun. He-he” nakakahiya talaga. Tumango at ngumiti lang sa’kin si manang bago umalis.

Bumalik ako sa table ko at sinimulan na ulit mag-drawing.. Focus, Loise. Focus.

Ilang designs na ang nagawa ko nang may tumawag sa aking unregistered number. Sinagot ko ‘yon dahil baka importante.

“Hello?” sagot ko habang sinisimulan ang pang-7 kong design.

[Hello, is this Loise?] sambit ng nasa kabilang linya. Familyar yung boses niya eh..

“Yes, speaking. Who is this?”

[Loise, it’s Miguel..] Miguel? Miguel daw? Si San Miguel lang kilala kong Miguel. Napansin niya sigurong di ako nakaimik agad kaya pinagpatuloy niya ang pagsasalita. [Miguel Dela Paz.] he said and I heard him chuckled.

At nag-sink in naman sa’kin kung sinong Miguel ‘to. “Ay! Sorry, sorry po talaga” sagot ko. And again, I heard him chuckled. Tawa ng tawa ‘to, kaloka.

[Are you free today? Can you meet me at Enterprise today? And please drop the po.] tanong niya. Anong ginagawa niya sa office?

Pero dahil siya ang kliyente, kailangan maganda ang impression, “Ah, yes sir—I mean, Miguel.” I stuttered nang maalala na ‘drop the formalities’ daw. Sabi niya eh.

[Great! Then I’ll wait you here, Loise.] He said then hangs up.

**

Pagkarating ko sa Enterprise ay agad akong dumiretso sa 9th floor. Nakasalubong ko pa nga si Heath, pero ang loko, nginisian lang ako at sinabing, “Tsk tsk. Masyado ka kasing lapitin, may nagseselos” oh di ba? Nawindang naman ako. Baliw talaga.

Pagkarating ko sa office ay nandun si Martin, Miguel at Mariel. Puro sila ‘M’, sakit sa noo. Napatingin sila sa’kin.

“Oh! Finally dumating din ang prinsesa..” sambit ni Mariel habang nakangiti. Bagay talaga sila ni Heath! Parehas baliw. Ugh!

Dumiretso ako sa puwesto ni Miguel, kasi siya naman talaga ang nagpapunta sa’kin dito. “Hi, Loise! So, um, shall we go?” aniya at tumayo.

“Uh, saan pupunta?” di ko mapigilang itanong. Papapuntahin niya ko dito, tapos aalis din? Baliw din yata ‘to eh.

“Lunch date—I mean, lunch. Sa labas na natin pag-usapan ‘yung para sa project.” Sabi niya nang nakangiti. Narinig ko ang marahas na pagtayo ni Martin kaya napatingin kami sa kanya.

“Sasama ako.” Aniya. Tinignan ko siya na parang nababaliw na siya. Bakit puro baliw ang mga tao ngayon? O ako lang ‘yun?

“So, okay lang sa’yo magmukha o maging third wheel?” sambit ni Miguel sabay smirk. Halatang inaasar si Martin. Pinagsasasabi neto?

“I don’t f-cking care. Pero, ‘di ba mas mukhang ikaw ang magiging third wheel sa’min ni Sera?” ganting buska ni Martin.

“Ayy taray! Haba ng hair~” pagkanta ni Mariel habang may actions pa, tinignan ko lang siya ng masama, “Tara na, sayang oras.” Sabi ko nalang para maputol na ‘yung pagtatagisan nila ng tingin.

Oh jusko, sana naman maging maayos ‘to.

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon