SO HI I'M BACK! PASENSYA NA. THIS WAS THE NEW VERSION. So may mga nabago dito since hindi ito 'yung unang na-type ko. But nonetheless, same old pa din naman.
Thanks for reading, maties x :)
Chapter 47
Bestest
Loise
Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko. Dammit! Ang tanging naaalala ko lang ay nasa Opal ako, nagi-iinom ng kung ano-anong hard drinks at.. Damn, alcohol!
Tinignan ko si Mariel na payapang natutulog sa tabi ko. Kumuha ako ng unan at ihinampas sa kanya iyon. Tutal naman ay paniguradong di na ako makakatulog, might as well, gisingin ko nalang siya.
Hinampas ko siya ng mahina kaya di siya nagising, nang sa pangalawang beses ay tila naalimpungatan siya dahil muntikan na siyang mahulog sa kama sa sobrang pagbangon, "Ano'ng problema mo?!"
Nag-peace sign lang ako sa kanya at ngumiti, "Goodmorning, too, besty!" sabi ko at saka sinubukang tumayo pero bumagsak din ako.
"Talk about karma. Tandaan mo, mas lasing ka sa'kin ng 5 percent. Kaya-- aww!" napahawak siya sa ulo niya dahil malamang sumakit din dahil sa hangover.
Kung bakit ba naman kasi parehas kami ng bituka!
Ang hirap nang may hangover din yung kasama mo, tapos parehas pa kayong malakas ang tama!
Tumayo si Mariel nang walang kahirap-hirap at dumiretso sa banyo habang hawak pa din ang ulo. "Gaga ka, ikaw magluto ng breakfast natin! At 'wag kang magtangkang matulog ulit, huh!" sigaw niya mula doon.
Bumilang muna ako ng hanggang tatlo bago tumayo at dahan-dahang naglakad. Hangover major bummer!
Pumunta muna ako sa kabilang banyo at saka naghilamos. Pagtapos nun ay pumunta ako sa kusina para magtimpla ng apple juice. Ito kasi ang pampatanggal ko ng hangover.
Nang makaramdam ako ng konting ginhawa ay nagsimula na 'kong maghanap ng maluluto.
"Shems, buti ka pa naka-move on agad sa hangover mo.. kakainis ka!" ani Mariel. Binigyan ko lang siya ng isang mabilis na tingin dahil mas gusto kong manahimik at mag-isip.
I tried to remeinisce everything that happened these past few days. And I have to admit that I undergo a lot of emotional stress lately. This is not good..
Hindi naman ako cry baby dati, at mas lalong hindi ako nade-depress dahil sa isang lalaki! Pero wala eh, everything changed when I found him..
"Huy! Masusunog na 'yang niluluto mo!" tapik sa'kin ni Mariel na nakapagpabalik sa'kin sa realidad.
Kumuha ako ng plato at nilagay dun ang mga pagkain bago hinain sa mesa. Umupo ako sa katapat na upuan nang kay Mariel.
Tahimik lang kaming kumakain nang ibagsak niya ang kubyertos niya, "Sera Loise! Ayokong magmura, lalo pa't nasa harapan tayo ng grasya, but ugh! Can you please be normal!?"
Nung una'y hindi ko pa na-gets ang kanyang sinabi pero nang kalauna'y naintindihan ko din. Malungkot lang akong ngumiti sa kanya. "Mahirap kasi, eh.."
Mahirap mang aminin, hindi gano'n kadaling kalimutan ang isang tao lalo kung masyado kang nahulog sa kanya. 'Yung bang tipong kahit gaano mo kagustong bumalik sa pampang, dadalhin at dadalhin ka pa rin ng alon sa malalim na parte.. Ganoon.
"I know! Pero kayanin mo! Kung nakaya ko ngang maka-move on agad kay Von, well hindi naman totally pero, kinaya ko! 'Wag kang magsayang ng luha para sa walang kwentang 'yun." pangaral sa'kin ni Mariel.
Tumayo na ako at pupunta sa sala pero hinila niya ako sa braso. "Mariel--"
"STOP THIS NON-SENSE LOISE! ANO?! MAGPAPAKA-EMO KA DAHIL SA KANYA?! EH MAS MALIWANAG PA SA SIKAT NG ARAW NA 'YUNG FEI NA 'YUN ANG PINILI NIYA AT HINDI IKAW!" tila ilog na umagos ang luha ko. Shit, tagos hanggang bone marrow.
Nang ma-realize ni Mariel ang sinabi niya ay nanlaki ang mata nya at, "B-besty, I-I--"
"No, okay lang." at ngumiti ako, kahit masakit, pinilit ko. "Tama ka naman eh. U-uhm, s-sa kwarto l-lang ako.." she was about to reach me out pero umiwas na ako.
Hindi naman ako galit kay Mariel eh. Wala siyang kasalanan, ako lang talaga 'tong sobrang sensitive.
Masakit kasi talaga. 'yung sinabi na 'yun ni Mariel, parang isang malaking sampal sa'kin. Para akong hinampas ng katotohanan na hanggang doon lang ako para sa taong mahal ko. Wala na ngang matatawag na kami, wala pang tiwala.
Sumalampak ako sa kama at tumitig sa kisame habang tumutulo ang mga luha ko. Akala ko ubos na sila kagabi, hindi pa pala.
Naalimpungatan ako at nakaramdam ng pagsakit ng mata, dala marahil ng pagtulog habang umiiyak. Tinignan ko ang oras at pasado alas-singko na pala. Damn, ganun ako katagal natulog?
Nakita ko ang isang post-it note na nakadikit sa lampshade.
'I left to see the new engineer, besty. Hindi na kita ginising 'cos I know you need sleep and you're having a hard time. Sorry for what I've said a while ago. I'll be home before 6, so don't mind cooking. I'll bring you food. Love ya.
-Mariel'
I must say, even though Martin left me, I'm still lucky cause I have the bestest friend in the world..
BINABASA MO ANG
My Playboy
Fiksi Umum[PLAYER #1] "Rule number One: Never fall for the playboy." Sera Loise Escareal. Umalis siya ng bansa para hanapin ang sarili niya at.. mag-move on. Pinlano niya ang isang sweet revenge sa kanyang pagbabalik. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pag...
