Thirty Eight

156 3 0
                                    

Can I be selfish this time? Gusto ko lang ho malaman kung ilan ang nagbabasa by voting. Pasensya naman. Hindi sa demanding (slight lang. hehe) pero gusto ko malaman kung kanino ko pwedeng i-dedic yung mga past/upcoming chaps. 

Anyway, sa next chapter, free will na ang pagvote. This chapter lang talaga. Pretty please? 

Chapter 38

Confused Sera

Loise

 

Back to Present..

Friday na ngayon and nandito ako ngayon sa office. Ngayon ko lang masasabi na ang hassle pala dito sa kumpanya namin, ang daming chuchu. Buti hindi ako nag-take ng Business Ad, for sure, maaga akong malolosyang dito sa kumpanya.

Anyway, so eto nga, since maaga kong natapos yung mga designs, ipapatahi na lang siya then ready for delivery na lang. Si Mariel naman kasi ang in-charge sa pagtawag sa mga tailoring shops.

Naalala ko nanaman ‘yung nangyari nung isang araw..

Nakarating kami sa isang French Resto para kumain. As usual, nagbabangayan pa din silang dalawa. Ultimo sa kotseng ginamit kanina eh, dapat kasi kay Martin yung gagamitin, eh nailabas na pala yung sasakyan ni Miguel galing parking, kaya yun nalang ang ginamit. Nakabusangot sa buong biyahe si Martin, kasi bukod sa hindi kanya yung sasakyan, eh, nandoon siya sa likod at ako sa passenger’s seat.

Napatingin ako sa kanila kasi nagtatalo nanaman sila, habang ang waitress na naghihintay ng order, eh tila nagssparkle pa ang mga mata, at kulang na lang yakapin niya yung dalawa, kasi kahit walang nakakatawa, ay, tumatawa siya.

I coughed. “Three Entrecote Grille and three red tea.” Yan na lang ang sinabi ko, since wala naman yata silang balak matapos mag-order.

Natapos ang lunch ‘meeting’ na puno sila ng bangayan at diskusyon. Wala talagang pag-asang magbati sila.

Maya-maya pa ay may tumawag kay Miguel, dahilan para mag-excuse siya samin saglit. Si Martin naman, naglabas ng dalawang libo at nilagay sa lamesa, sabay hatak sa akin palabas.

“Wh-what the hell are y-you doing?!” tanong ko nang makabawi ako sa pagkagulat.

He smirked and, “Running away with you,” then he flashed his smile at sumakay kami sa isang fx, at sinabi niya kung saan ang building namin. Hindi nalang ako umimik sa sinabi niya.

Doing an ordinary thing with an extraordinary person? Not bad.

 

“Earth to Loise?!” sigaw ni Mariel. Kanina pa pala ako tulala, shemay.

“Ay- ahh. Sorry na, he-he” awkward na sabi ko. Inirapan niya lang ako.

“Pinapatawag ka ni Chip sa office niya.” Aniya at binigyan ako ng isang makahulugang ngiti. Ako naman ngayon ang nangirap. Showbiz talaga netong babaeng ‘to!

Wala ang secretary ni Martin sa table neto kaya kumatok ako ng dalawang beses. Sisilip na sana ako nang may narinig akong nag-uusap, “I don’t know what to do.. Please stay with me.” Sabi ng isang boses babae.

At dahil likas na tsismosa ako, sinubukan kong sumilip sa loob, pero agad kong pinagsisihan ‘yun nang makita kong yakap yakap ni Martin si Fei.

“Hush now, Fei. You’re gonna be fine, everything’s gonna be fine. Shh, I’m here.” pag-aalo ni Martin sa kanya. Habang ako, parang enjoy na enjoy pa sa pagtingin, di ko man lang napansin na naiyak na pala ako.

Isasarado ko na sana yung pintuan nang dumako ang mata ni Martin sakin, agad kong sinara yung pinto at tumalikod pero hakbang palang ang nagagawa ko nang hinila niya ang braso ko.

“Sera, it’s not what you think..” ani Martin, bakas ang pagmamakaawa sa boses niya.

“Whatever I think, Martin, it doesn’t matter.. She’s your girlfriend.” I said, bitterness is evident in my voice.

“No, no, no.. Look, her father passed away,” he stated, and for a second, I felt pain for Fei. Lumabas si Fei galing sa loob ng office ni Martin at nagulat pa nang madatnan ako dun.

Sadness is crystal clear in her eyes but she still managed to smile, “Hi Loise, uhm, sige, alis na ako. M-martin, can you drive me home?” paalam niya. Napaiwas ako ng tingin, time na siguro na umalis ako di ba.

Pero again, bago pa ako makaalis ay hinila na ako ni Martin. “Sure. But Sera’s gonna come with us.” Aniya at di na ako nakapalag nang hilahin niya ang kamay ko, kesa sa kamay ng girlfriend niya.

Why the hell are you doing this, Martin?

 PS. I realized na wala palang prologue 'to. Sorry naman. I already posted the prologue. Pasensya naman. Meheh. Emma Watson on the side doing peace sign.

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon