Forty Nine

118 1 0
                                    

Chapter 49

Last Stand

Loise

Naunang sumakay si Brix sa driver's seat at ni hindi inabalang pagbuksan ang mapapangasawa. Ano ba naman 'to! Walang gentleman cells sa katawan! 

Sumakay na ako sa back seat at si Kim naman sa harap. Pinaandar na ni Brix ang makina at pinatugtog ang iPod niya. Walang imikan kaming tatlo, tila ba may sari-sariling mundo. 

[Play the multimedia] 

Tumugtog ang isang kanta na sa tingin ko ay sakto sa nararamdaman ko ngayon. Damn this! I'm trying to move on here! 

Tumingin ako sa labas ng bintana.. at bumalik sa'kin lahat. Mula sa una naming pagkikita sa Opal, hanggang sa natapunan niya ako ng kape, hanggang sa pagiging magkatrabaho namin, ang unang project ko, ang araw na na-realize kong siya na 'yung gusto kong makasama araw-araw. 

Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mata ko. Sinubukan kong hindi mapasinghap at nagtagumpay naman ako. Siguradong tatanungin lang ako nila Kim kung bakit ako ganito. Marahan kong pinunasan ang mga luha gamit ang panyo ko. 

Bakit ang hirap? Ginagawa ko naman lahat. Nagpapaka-busy ako. Hindi na ako pumupunta sa kumpanya. Hindi ko na rin masyadong ginagalaw ang cell phone ko, kasi baka mamaya hindi ako makapagpigil at matawagan ko siya. 

Alam mo 'yung pakiramdam na gusto nang kalimutan ng katawan at sistema mo 'yung isang tao, pero 'yung puso at isip mo, kilalang-kilala pa din siya? Ganun. Mahirap. Kasi 'yung dalawang sentro ng sistema natin, sila pa 'yung nangunguna. Mahirap pigilan. 

Naalala ko pa nung isang araw na nag-usap kami ni Kuya. 

Narinig kong may kumakatok sa pinto ko.. "I knew what happened.." sumilip si Kuya galing sa labas. 

Sinenyasan ko siyang pumasok. Dire-diretso naman siya sa kama ko at tinabihan ako at saka niyakap. Yumakap din ako sa kanya.. "C'mon, twin, minsan ko lang ipahiram 'tong balikat ko para iyakan mo." aniya. 

"Masakit kuya. Masakit pa din."  tumingin ako sa kanya. Gustong gusto kong umiyak ngayon pero walang lumalabas. Naiipon lahat sa loob. 

He hushed me.. "I know.. I know.. Because once a jerk, always a jerk. Like me." pagbibiro niya. 

I know he's just trying to make things light for me, pero I know, behind his words is his pain. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin sila nakakapagusap ni Ate Zaree. I'm the only one who knows where on Earth she is. 

"But Loise, if you love him, don't give up on him. Bigyan mo lang 'yung sarili mo ng time para mahilom 'yung iniwan niyang sugat. If everything about the two of you is tough, you'll know it is something worth keeping for." Yan ang huling sinabi ni kuya at iniwan na ako para makapagpahinga daw ako. 

Napatigil ako sa pag-iisip nang huminto kami. Nandito na pala kami kila.. Kim. Wait what? Bakit? 

"Bye Loise. Ingat kayo ha?" ani sa akin ni Kim habang nasa front seat pa din. Ngumiti siya at bumaling kay Brix. Hinalikan niya ito sa pisngi at, "Ingat sa pagd-drive, kasama mo pa si Loise." at bumaba na siya. Kumaway pa siya bago pumasok ng tuluyan sa loob. 

"Uy, lumpiat ka na dito sa harap. Magmukha pa 'kong gwapong driver mo eh!" ani Brix. Tss, conceited. "Di naman masyado.." halakhak niya. Naisaboses ko pala. 

Lumipat ako sa harapan at agad nag-seat belt. Binatukan ko siya, "Ikaw ni hindi ka man lang maging gentleman at sweet sa fiancée mo! Saka hoy, di mo sinabing may fiancée ka na pala!" nag-cross arms ako at tinignan siya. 

Pinaandar na niya muna ang sasakyan at saka nagsalita, "Don't expect me to be good to her, we're arranged." aniya sa isang seryosong mukha. Batid ko na may kalungkutan sa boses niya. 

Natagalan pa bago na-proseso ng utak ko ang sinabi niya, "WHAT?!"

**

Brix

In 3..2..1.. "WHAT?!" sigaw ni Loise. Gustuhin ko mang takpan ang tenga ko dahil sa sigaw niya pero di ko nagawa kasi nga nagmamaneho ako. "Wh-wha-- Paano nangyari?! Kelan pa?" batid sa boses niyang nagulat siya. 

Ikinwento ko sa kanya lahat ng nangyari.. Nagsimula lang naman 'yun sa isang family dinner kuno. Tapos nagulat ako na may kasama kaming isa pang pamilya na business partners nila dad which turned out to be Cailenn's family. Cailenn Kim Cervantes ang full name niya. Kung paano ko nalaman? I had her investigated. 

"You effin' had her investigated?!!" sigaw nanaman niya. 

Tumango ako at nagsalita, "And you know what's the catch? Siya pala 'yung babae sa labas ng Enterprise 'nun na sumadista sa'kin."

"REALLY?!?!" again, she exclaimed. 

Naririndi na ako kasi kanina pa siya sumisigaw! "Can you please tone down your voice?!" 

Natahimik naman siya at nagpout. Damn, I want to kiss her right now! Pero alam kong hindi na 'yun pupwede. Tangina, kung bakit kasi ako na-engaged ng wala sa oras. Putangina talaga nung nagpauso ng arranged marriage. 

Ngayon tuloy ay matatali ako sa taong hindi ko naman mahal. Putangina talaga! Si Loise 'yung gusto kong iharap sa altar eh. Pakshet. 

Walang nakakaalam ng nararamdaman ko para kay Loise, tanging si Mariel lang. Kung paano ay kung bakit kasi likas siyang tsismosa at ang galing niyang manghuli. Iniisip ko kung mag-PI na lang siya ay mas malaki ang kikitain niya. 

Tahimik lang kaming dalawa. Nang makarating kami sa village nila ay bigla siyang nagsalita. "Ibaba mo nalang ako sa park, ayoko pang umuwi eh." 

"Sige, gusto mo bang samahan kita?" tanong ko at mabilis na tumingin sa kaniya. 

Umiling lang siya bilang sagot. Nirerespeto ko naman 'yun. Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang nangyayari sa kanila ni Chip. Gago talaga ang isang 'yun. 

Ibinaba ko siya sa park at bago ako umalis ay sinigurado kong safe ang lugar. Gabi na din kasi pero since exclusive naman 'tong subdivision, safe naman ang mga tao. Bago pa man ako makalampas ay nahagip ng mata ko ang isang silhouette ng isang tao.. Titigil sana ako pero nang malaman ko kung sino 'yun ay ipinasawalang bahala ko nalang. 

Fucking life, so unfair. Just one last stand, and I promise, makita ko lang na masaya si Loise, I'll let her go.

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon