Forty Eight

126 1 0
                                        

Chapter 48

 Fiancée

Loise

Mabilis na lumipas ang mga araw. Nakilala ko ang panibagong engineer na makakasama namin para sa itatayo naming shop at masaya ako dahil this time, babae 'yung nakuha namin. 

Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula nang araw na 'yon. Mula 'non ay hindi ko na nakita pa ulit si Martin, dahil kung tutuusin, hindi naman ako nagpapakita na sa kanya.

Hindi na rin ako nagaabala pang pumunta sa Enterprise dahil sa takot na baka isa sa mga kaibigan ni kuya ang makasalubong ko. Malamang ay hindi nila palalampasin ang pagkakataon na busugin ako sa mga tanong! 

Pero alam niyo 'yung nakakatanga 'don? Sa bawat araw na hindi ko siya nakikita, imbis na maka-move on ay mas lalo ko pa 'yata siyang minamahal at nami-miss. Ni walang araw na hindi ko tinignan ang mga litrato niya at sinusubukan siyang i-drawing sa sketch pad ko. 

Damn, I'm such a lovesick fool! 

Nandito ako ngayon sa isang coffee shop malapit sa lote na nabili namin. Kasama ko ngayon si Kim, 'yung engineer na sinasabi ko kanina. Pinag-uusapan na namin kung magkano ang paunang hulog nang masimulan na ang plano. 

"Pupwede bang isang bagsakan na lang lahat? Wala kasi talaga akong alam sa mga ganito. Pasensya ka na" ani ko sa nahihiyang tono. Totoo naman. Ni hindi ko alam kung paano ang pakikipagtransaksyon lalo kung may perang pinaguusapan. 

Natawa siya ng bahagya, "Ano ka ba! Napa-pormal mo naman. Please do consider me as a friend, tutal ay kaibigan din naman ako ni Mariel. And as for your question, pupwede ko kayong bigyan ng discount pero.." ngumiti siya ng maliit sa akin at nahihiyang tumingin. 

"Go on.. Pero?" ngumiti na rin ako para mabawasan ang awkwardness sa pagitan namin. 

"Pero.. p-pwede f-favor?" nakita ko ang pamumula niya. Natawa ako at sinyesan siyang ituloy ang sasabihin. "P-pwede ikaw ang m-mag-design ng g-gown ko? In a few months kasi.. i-ikakasal na a-ako.." 

Tuwa at lungkot ang naramdaman ko. Tuwa para sa taong kaharap ko ngayon na halata sa kanya ang pagiging masaya at blooming dahil sa nalalapit na espesyal na araw sa buhay niya.. at lungkot dahil naalala ko nanaman siya at inisip kung darating pa kaya sa punto na ikakasal ako sa kanya? 

Napailing ako sa isip at ngumiti sa kanya saka tumango, "Sure! Basta ba 'yung discount ko ha?" sabi ko habang tinaas baba pa ang kilay. Tinawanan niya lang ako. 

"Oo ba!" at tumawa nanaman siya. Actually, maganda si Kim. Bumagay sa kanya ang kulot niyang buhok pati na ang glasses niya. Panigurado ay mas maganda siya kung wala ang mga 'yon. "Pero.. if you won't mind. May boyfriend ka ba?" tanong niya. 

Hindi ko alam kung papaano ko nagawang ngumiti kahit na sa loob loob ay sobrang pait ang nararamdaman ko, bitter nga talaga akong matatawag. "Wala eh.." 

Tinitigan niya muna ako na para bang isa akong specimen bago nagsalita, "Talaga? Sa ganda mong 'yan?" aniya. "Sayang, siya sana ang date mo para sa kasal ko eh. At automatic na sa'yo ko ihahagis ang bulaklak ko." may kislap sa mata nang sinabi niya 'yon. 

Tinanggal ko sa damdamin ang inggit at lungkot na nararamdaman ko, I should be happy for her. She's my new friend now. 

Nagkwentuhan pa kami ng ilang sandali at sinabi niya pang susunduin daw siya ng fiancée niya dito at balak niya pa akong ipakilala. Gustuhin ko mang tumanggi, pero sa huli ay ipinilit niya pa rin kaya wala na rin akong nagawa. 

Nagsasalita si Kim nang biglang matuon sa likod ko ang atensyon niya. "Oh! There he is!" aniya at tumayo. 

Itinaas ko ang tingin ko at nakita ko ang pamilyar na mukha na hindi ko inaasahang makita.. 

"Brix?!" "Loise?!" sabay naming sambit. 

Nagpapalit-palit ang tingin ni Kim sa amin at sa kalaunan ay parang naliwanagan siya, "So, you two know each other?" may himig ng pagkaaliw sa boses niya. 

Bago pa man makapagsalita si Brix ay nagsalita na ako, "Yup! Kaibigan siya ni kuya." sagot ko sa tanong ni Kim. 

Nang tinapik ni Kim si Brix ay tila natauhan ito at biglang, "Damn! I missed you!" aniya at yumakap sa akin. 

Dahil na rin sa gulat ay naitulak ko siyang bigla. Kahit kelan talaga 'tong lalaking 'to! Ni hindi man lang niya naisip na nandito ang fiancée niya. 

Tumingin ako kay Kim at kahit itago niya pa ay nakita ko pa rin ang pagguhit ng sakit sa mata niya. Alam ko na ang ibig sabihin 'non dahil, hindi ko na lolokohin ang sarili ko, ganyan din ako magtago ng nararamdaman. 

Binasag na ni Brix ang katahimikan, "U-uhm, tara na," at hinawakan niya na sa braso si Kim ngunit bumaling sa akin. "Sumabay ka na sa'min, seems like you didn't brought your car with you." aniya. 

Maliit ang ngiting binigay sa akin ni Kim, "Oo nga saka malapit na ding maggabi. Delikado na." 

Tumango lang ako kahit bahagyang labag sa kalooban ko ang pagsabay sa kanila. 

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon