Eleven

271 6 1
                                    

Chapter 11

Migraine

Loise

The fudge! I can't believe myself! Parang ang aga naman yata masyado para magkagusto ko sa kanya-ah! Hindi ko na lang papansinin. I'm just attracted to him dahil gwapo siya, besides, sa kanya lang ako naintimidate ng bongga, tama! Ang genius ko talaga! Pumunta agad ako sa basement ng EEnt. I saw my car and immediately went there nang makita ko si Chip na nakasandal sa pinto ng passenger seat.

"Who's that guy at the shop?" tanong niya sakin ng nakahalukipkip. Nadefine lalo ang broad muscles niya at dahil nakatanggal ang coat nya at nakatupi nang hanggang siko ang sleeves nya, kitang kita ko ang kaputian niya. Pero hindi lalagpas sa kaputian ko.

"Why do you care?" sabi ko at pumunta sa driver's seat pero bago pa man din ako makalagpas ay hinila na niya ako at sinandal sa pinto. Cinorner niya ko. "He's pestering you? What did he do to you?" he asked, I can see his worried face dahil sa lapit ng mukha namin.

"So, bakit ka curious? Eh 'di ba may kasama ka naman kanina? Nasan na siya? Bakit hindi siya yung atupagin mo?" sabi ko. Yan! Nalabas ko na yung inis ko! G R R. Nang marinig niya yun, automatikong umangat ang magkabilang gilid ng labi niya. "Anong nginingiti- ngiti mo diyan?" Kala mo kung sinong gwapo, eh gwapo naman talaga!

"You sounded like a jealous girlfriend. Tell me, are you jealous?" tanong niya, nakangiti pa din. Yung pang-asar na ngiti! "Hindi ko yun pagseselosan 'no! Over my dead body!" sagot ko sa kanya. Tinulak ko na siya at umalis na. Nakita ko sa rear view mirror ko na nandun pa din siya at nakangiti! Arggh!

Hinding hindi ako aamin na nagselos ako sa babaeng yun. No, hindi ako aamin. Hininga ko lang yung babaeng 'yun.

**

Kinabukasan, pumunta ako sa office kasi nakalimutan ko nanaman yung sketch pad! Stupid me. Plus, ngayon na din yata kami magsstart ng shoot. Nang marating ko ang EEnt, naabutan ko si Mariel na nandun sa lobby.

"Loiseeeee! Punta na tayo sa studio, let's go!" sabi niya sakin sabay hila palabas. "Pinapagod mo ba ko?" she just beamed at me pero I ignored her. Yae na ang sketch pad, dumiretso na kami sa studio.

After ilang minutes, nandun na kami. Sumalubong samin ang ilang staffs, sinabihan ko muna kung pano ang sequence tapos nagstart na. Nandun lang ako sa may gilid, nanonood nang dumating si Chip. Unlike me and Mariel na palaging naka-casual, hindi siya nakaoffice attire ngayon. Casual wear lang. I shrugged it off.

Lumipas pa ang ilang oras bago sumigaw si Mariel ng, "Okay guys, kids, pack up na! Thank you for your cooperation! And dahil dyan, here's a treat for everyone!" at may pumasok na 5 malalaking box ng pizza. Umupo muna ako kasi sobrang sakit ng ulo ko, I saw Chip staring at me intently. Lumapit sakin si Mariel, "Lo, ayos ka lang?" she said giving me a plate of pizza. Tinanggihan ko kasi nawalan ako ng appetite. "Migraine lang" sagot ko. Nakalimutan kong magdala ng meds eh.

She just smiled at me. "Go take some meds, and rest" bago pa man ako sumagot ay bigla akong hinila patayo ni Chip. "I'm taking her with me" Mariel just nodded and grinned like an idiot. She just said yes right?!

At bago pa ako makatanggi, pinasok na ko ni Chip sa passenger seat. Black Mustang GT, not bad. Pinaharurot niya ang sasakyan niya, "Hoy, alam mo bang pwede kitang kasuhan ng Kidnapping. San mo ba ko dadalhin? Ha?" tanong ko sa kanya. Sumasakit lalo ulo ko!

"We're going somewhere. Mina-migraine ka diba? You don't have to drink meds just to screw that migraine away," sabi niya habang naka-focus pa din sa daan ang atensyon. Tinignan ko siya. Naka-dark grey V-neck shirt tapos faded shorts. "So? Saan nga yung somewhere?" I asked sumasakit na kasi talaga yung ulo ko at dahil dun, di ko namalayang nakatulog na pala ako.

**

Nagising ako ng may tumapik sa kamay ko. Nakita kong naka-park yung sasakyan at nandito kami sa, "Enchanted Kingdom?! Anong gagawin natin dito?" baling ko sakanya. Medyo nawala na yung sakit ng ulo ko pero masakit pa din. "We're going to shoo your migraine away" ngumiti siya sakin. Ang gwapo niya lalo. Bumaba kami at bumili ng ticket. Pagpasok namin, dumiretso agad kami sa Space Shuttle.

"See that? Uulit-ulit tayo dyan hangga't di nawawala yang migraine mo" he grinned. Natawa ko sa inaasal niya, para syang bata. Hinila niya na ko agad at since weekday, di ganun karami yung tao.

After ng ilang minuto, kami naman. Sa buong ride, sobrang enjoy lalo pa nung sumigaw sigaw na si Chip. Tinatawan-tawanan ko lang siya. Pagkababa namin, "God Chip! Para kang bakla! Hahahaha" sabi ko habang tumatawa pa din. Ang epic nito!

"Okay na magmukhang bakla basta napapatawa kita.." bulong niya, narinig ko naman kaya automatikong napatigil ako sa pagtawa at napalitan ng pamumula. Damn Fonteverde! "Ano? Masakit pa yung ulo mo?" pinakiramdaman ko yung sarili ko at viola! Wala na yung sakit.

Napagdesisyunan muna naming kumain kasi lagpas 3PM na at di pa kami nagllunch. Pagtapos nun, sumakay pa kami sa ibang rides since ayaw ko munang umuwi. Nag- EKstreme, Disco Magic, Anchors Away at Jugle log jam kami. Tumagal lang talaga kami sa pila. Guess what, kinailangan pa naming bumili ng shirt dahil nabasa kami, pero worth it naman.

Nang mga bandang 6:30 na, huli naming sinakyan yung Ferris Wheel. Nang nasa tuktok na kami, di nakaligtas sa pakiramdam ko yung lamig ng hangin.. Magj-june na pala. Kinuha ni Chip yung dalawang kamay ko at pinag-rub yun para mainitan ako. Dugdugdugdugdugdug. Unstable heartbeat, shit! Alam kong namumula na yung pisngi ko but I didn't bother. "Nilalamig ka pa ba? Sorry ah, naiwanan ko kasi yung jacket sa sasakyan." He said habang binitawan yung kamay ko, nagiwas din sya ng tingin na parang nahihiya.

So this is the other side of Chip Martin. Caring and sweet. And I really find this moment romantic.

I called him and smiled, "Thank you for this day, Chip Martin." And all thanks to my migraine.


Dedicated sa kanya. Thank you po sa votes! God bless :')

Vote. Comment. Follow.

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon