Sixteen

205 5 0
                                    

Chapter 16

Wild and Untamed

Loise  

Nandito kami sa isang nearby restau nung hotel. Natatakam ako sa sisig kaya yun ang inorder ko at nagorder na din si Chip ng kanya. Kinuha ko ang phone ko nang mag-beep ito. Tinignan ko at isang text message galing kay Brix.

“You’re so occupied with your phone. Sino’ng katext mo?” tanong ni Chip sa mababang boses. Nag-angat ako ng tingin at nakatitig siya sa’kin.

“Ah. Si Brix, may tinatanong lang.” sagot ko at binalik ang tingin sa phone ko para replyan ang nagtext.

“Brix? Why is he texting you? And why do you have his number? Did you give it to him?” Sunod-sunod na tanong niya. Di ko na talaga mapigilang barahin siya.

“I didn’t give it to him because he’s the one who get mine. Tsaka isa pa, iisa na nga lang ang number ko, ipamimigay ko pa ba?” sagot ko. I’d like to think that he’s jealous but no. He’s a playboy. Marami siyang babae. So bakit siya magseselos? He doesn’t even like me.

 

Now you sound jealous and bitter. Bulong ng isang bahagi ng isip ko.

Napairap sa pambabara ko si Chip. “Yeah, whatever.” Simangot niya.

Nagtagal pa ng ilang minuto ang di naming pagpapansinan nang dumating na ang mga orders namin. Tahimik lang kaming kumain at nag-bill out na pagkatapos. Nang makabalik kami sa hotel ay nagdecide muna akong manood ng tv sa sala. Katabi kasi ng couch ang isang sliding door na overlooking ang view. Maganda.

Papasok na ng kwarto si Chip nang, “The meeting with Mr. Villaflor is at 9AM. So you better sleep and wake up early.” Pagsusungit niya pa.

**

3rd person

Kasalukuyang nanonood ng TV si Loise sa may sala habang si Chip naman ay panay ang paling ng higa sa kama. Tila hindi makatulog dahil sa dalaga.

“Shit. This ain’t good” ani ng binata sa sarili. Nang mapagpasyahan niyang hindi na muna siya matutulog ay lumabas siya para uminom. Tumingin pa siya sa direksyon ni Loise at di naman alintana ng isa ang presensya niya. Bumalik siya sa kwarto at muling nahiga.

Makaraan ang ilang minuto, ramdam ni Loise ang pabalik-balik na si Chip sa kusina. Nang pang-limang beses nang lumabas si Chip ay nagsalita na ang dalaga, “Kanina ka pa labas ng labas. Seriously? Ganun ba karaming chichirya at tubig ang nauubos mo sa 10 minuto?”

Natauhan naman ang binata sa sinabi ng dalaga kung kaya’t sinagot niya ito, “Hindi.” Sabi niya sa mababang boses. Napatingin na sakanya ang dalaga.

“Eh ba’t ka pabalik-balik?” naka-smirk na tanong ni Loise kay Chip, tila alam na ang isasagot nito.

Lumapit si Chip sa sofang inuupuan ni Loise at nagtanong, “Pwede?” nakangiting tumango ang dalaga. Sa isip-isip nito ay tuwang-tuwang siya dahil sa tamang hinala niya.

“Ang gwapo ni Papa Zac my loveydoves!” ani Loise na kilig na kilig sa pinapanood nilang ‘The Lucky One’

Umismid si Chip sa sinabi ng dalaga at, “San ang gwapo diyan? Di hamak na mas lamang ako diyan. Tch”

Napairap si Loise at binalingan si Chip, “Shut up! Ang gwapo niya kaya! He’s my ultimate crush kaya ‘wag mo siyang maliitin, Chippy!” aniya sabay bato ng isang pirasong Chippy sa katabi ngunit mabilis naman itong nakailag.

“Yeah yeah, he’s my ultimate crush.” Pang-aalaska ng binata sa isa pero di na siya pinansin nito. Para maagaw ang atensyon ng dalaga, ay kinuha nito ang remote at pinatay ang TV.

“WHAT THE HELL!? BA’T MO PINATAY!?!?” frustrated na sabi ni Loise. Nginitian lang siya ni Chip, “Let’s sleep, it’s getting late.”

“Ayoko!! Papanoorin ko pa si Zac my Love! Lumayas ka diyan” nag-aagawan sila sa remote hanggang sa matapilok sila dahil sa bean bag kaya napaupo ang binata at napakandong naman sa kanya ang dalaga.

Dahil sa pagkagulat ay di agad nakaalis ang dalaga, niyakap ng binata ang kanyang mga braso sa bewang ng dalaga.

Loise

(Please play the multimedia)

Nakayakap sakin yung mga braso ni Chip kaya di ako makaalis para tumayo pero mas lalo yata akong pinanghinaan nang banggatin niya ang mga susunod,

“Kanina mo pa ko pinagseselos. Are you aware of that? Are you trying to make me jealous or you’re just that dense? Yes. I gotta fucking admit it. I’m fucking jealous. Kanina si Brix, ngayon yang pesteng nasa TV na ‘yan. You shouldn’t do that, honey. You shouldn’t make me jealous. ‘cause the more you make me jealous, the more I’ll like you. And the more I’ll like you…” lumapit pa siya kaya nadikit ang braso ko sa dibdib nya. Shit, hard as rock.

“..the more I’ll make you like me, too.” Ngumiti siya. Yung ngiting nakakamatay. Yung ngiting nakakaloka. Yung ngiting nakakahulog. Damn this guy! Umalis ako sa kandungan niya at dinuro siya.

“You crazy bastard!” bulyaw ko pero tinawanan niya lang ako at lumapit sa’kin.

“Yes, this crazy bastard likes you, Sera.” He finished with a wink.

And just like that, he left me with a wild, untamed 

Good news: Every other day na po ang update. Pambawi. 

Ryanex

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon