Forty Six

150 0 0
                                    

Chapter 46

Plans

Loise

I was sitting on a high stool dito sa bar counter. I tried everything – vodka, whiskies, rum, gin, tequila and brandy. Yes, I made sure na hard drinks lahat. I’m sorry, liver, nadadamay ka pa. But I need this, so much.

After some minutes, dumating na si Mariel. She looks normal, but since I am her bestfriend, I know something’s off.

Tinabihan niya ako at agad na ininom ang shot na dapat ay kukunin ko na.

“Poor livers..” she laughed. Natawa din ako sa sinabi niya.

She looked at me, “What’s up? Nung isang araw lang inlove na inlove ang dating mo ah!” pangisi-ngisi pa siya.

I tss-ed. “Shut up, I know you know ‘what’s up’, kaya ‘wag kang maang-maangan diyan.” I rolled my eyes on her.

At tuluyan niya na akong tinawanan, “I thought you were never a fan of drinking? Bakit ngayon, kulang nalang mag-swimming ka sa pool ng mga alak.”

Tinaasan ko lang siya ng kilay. I don’t know, ito siguro ang epekto ng alak sa akin. Imbis na maging madaldal o tahimik, mas nagiging mataray ako.

Tinawanan niya nanaman ako dahil sa inasta ko. “Are you crazy? Kanina ka pa tawa ng tawa!” I yanked at her.

At ulit, tinawanan niya nanaman ako, is she pissing me off?! “Sorry, alcohol effects.” Then she made a peace sign at tumawa ulit.

Napailing ako. I honestly don’t know kung pa’no ko naging bestfriend ang isang ‘to.

Napatingin ako sa dance floor.

“Damn you! Who gave you the permission to hold me?!”

“Miss, you don’t own this place. Isa pa, this a party and I can get who I—“

“You don’t get what’s mine.”

 

Iyon ang second first encounter ko sa kanya. Masaklap pa, dito ‘yun nangyari. Sa bar na ‘to. I was in love with Mico at that time, at sobrang naiirita ako sa kanya noon. Hindi ko man lang naisip na ‘yun na pala ang simula ng pagkahulog ko sa kanya.

Yes, he was a playboy back then – or until now? I don’t care – kaya ako naiirita sa kanya. I told myself that after Mico’s betrayal, I will find a man. Not a boy. Someone who will love me, someone who will man up for me.

Nakita ko sa presensya ni Martin ang katangiang iyon. He is a playboy, a dangerous one, I must say. Pero hindi nabura nang katotohanang ‘yon na attracted ako sa kanya. There was always something about him, something I found in his eyes. His eyes made me drown.

Then when I started to be with him, I found out na hindi naman pala siya palaging seryoso. He has this childish side that makes me fall for him deeper.

Hanggang sa.. namalayan ko na lang, pagkagising ko, siya na ‘yung hinahanap ng Sistema ko. Siya na ‘yung kailangan ko. Siya na ‘yung mahal ko.

“Earth to Loise!” marahan ngunit may pwersang tampal sa’kin ni Mariel. Tinignan ko siya ng masama. “You’re spacing out! I thought you were listening..” she sighed.

I felt sorry kaya agad akong humarap sa kanya. “I’m sorry..”

“Ayos lang.. Gusto mo bang sa condo nalang natin ‘to pag-usapan?” she asked me while wearing a small smile. I nodded.

**

“So that explains why you are on the verge of crying kanina..” yumakap sa unan niya si Mariel. Nakahiga kami ngayon dito sa kama niya.

Mabuti nga’t safe kaming nakarating dito. Isa pa, I’m thinking of not going home tonight. I’ll just leave kuya a voicemail.

I tried hard not to breakdown, again. Pagkarating kasi namin dito kanina ay agad akong sumalampak sa kama niya at naiyak na. Siguro dala ng halu-halong emosyon kaya nag-break down na ako kanina.

I sighed heavily, “pero alam mo? I think, that so-called girlfriend of Chip has something to do with this.” Napatingin ako sa kaniya.

“What do you mean?” I asked, confused.

Nag-indian seat siya at humarap sa side ko. “Look, you said, kanina lang nangyari ‘yun. And thinking na bakit may mga ganung litrato si Fei? Siyempre, galing kay Fei ‘yun. Kasi ikaw na rin ang nagsabi na okay pa kayo ni Chip kaninang umaga, ‘di ba?”

I analyzed everything she said. At naisip kong, malaki ang punto niya. I just need more time to investigate. This time, ayokong pumalya. Ayokong maniwala lang sa haka-haka o kung ano. This time, gusto kong totoo lang ang alam ko. No more f-cking lies.

 

3rd person

Dahil sa dami ng iniisip ay hindi namalayan ni Loise na nakatulog na siya. Habang ang kaibigan naman ay busy sa pagtititg sa kaniya.

“Damn that Fonteverde. Such an a-shole.” Isip ni Mariel.

Hindi siya mapanatag na ganito ang kalagayan ng matalik na kaibigan. Ngayon niya lang ito nakitang masaktan ng sobra dahil sa isang lalaki. Kung tutuusin nga ay mas gusto niya itong humagulgol na parang bata hanggang sa mawala ang sakit kesa ‘yong tahimik lang ang kaibigan pero tulala at maya’t maya ang patak ng luha na tila hindi naman nito namamalayan.

Nagpasya siyang humiga na at humiling na sana ay dalawin na siya ng antok pero sa kasamaang palad ay hindi pa rin natutupad.

“We’ll get even, besty. Soon. Iwan ka man nung gagong ‘yun, andito ako. Tutulungan kita. Even in the most desperate way.” Bulong niya sa natutulog nang katabi at pumikit na. 

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon