Twelve

259 3 0
                                    

Chapter 12

Friendship

 

Loise

 

Nagising ako nang may nagwisik ng tubig sa mukha ko. Minulat ko ang mata ko at, “Yah kuya! Anong problema mo?!” naka-office attire na siya at handa nang pumasok binulabog niya lang ako.

“Bakit kasama mo si Chip kagabi ha?!” bungad niya sakin. Grabe! Inistorbo niya ang beauty rest ko para lang dun?! “Ah! Hindi! Nasabi na pala niya kagabi. Eh ba’t kailangan magkasama kayo?!” eksaherada minsan tong kuya ko eh. Wagas rumeact.

“Von! Ang aga-aga sinisigawan mo yang kapatid mo. What’s the problem?” mahinahong tanong ni mom nang makapasok siya sa kwarto. Sabi ko nga di na ko makakatulog eh.

“Ma! She’s with Chip kahapon! We all know that Chip’s a playboy. Kahit na kaibigan ko yun, I still don’t trust him so goes with the two.” Sabi ni kuya nang mahinahon. Pinameywangan na kasi siya ni mom so hindi na siya dapat pang pumalag.

“Really? So how was your date with Chip, sweetie?” baling sakin ni mom. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Gising na gising na talaga ang diwa ko ha!

“Mom!” sabay naming sabi ni kuya. Mom just chuckled and shrugged. Bumaling ako kay kuya, “Kuya, sorry na. Mina-migraine kasi ako kahapon and dinala niya ako sa EK. It’s very effective” I told him smiling. I also hugged his arms.

“Okay kids, sumunod na lang kayo sa baba ha. Breakfast is ready.” Sabi samin ni mom tapos lumabas na sa kwarto ko. Nagsalita naman si kuya, “Fine fine. Basta next time magsabi ka sakin ha. I trust my brothers more than any other guy, especially that Mico” sabi ni kuya at niyakap ako. This is one of the best and worst things about having a big brother: overprotectiveness.

 

**

 

“Mariel, nasan ka?” I asked her over the phone. Ang bruha kasi hindi pumasok ngayon sa office.

[Sa bahay.. You know, nag-eedit ng pictures nung shoot.]

“Pwede naman dito ah? Ayaw mo bang makakita ng dyosa?”

[No thanks, tumingin lang ako sa salamin makakakita na ko.] she laughed, baliw talaga. [Sige na, mag-chill ka muna dyan. Tapusin ko lang ‘to. Bye] then she hanged up. Tch! Ayaw lang nun makita si kuya eh.

Maya maya pa’y may kumatok sa office at pumasok si Brix kasunod si Heath. “Hi Loise!” nakangiting bati ni Brix. Ang ganda ng mata niya.

“Nadaan kayo dito?” tanong ko sa kanila habang kinukuha ko ang sketch pad ko.

“Wala, naisipan lang talaga naming dumaan. So, busy ka naman ba?” tanong ni Heath singkit. OMG rhyming! Hahaha. I smiled and said, “Hindi. Bakit naman?”

Nakita ko kung pano magliwanag ang mukha ni Brix, “Tara kain tayo? Treat ni Heath! Talo siya sa pustahan eh!” So, anong kinalaman ko sa pustahan nila?

Napataas ang kilay ni Heath sa sinabi ni Brix pero pinanlakihan lang siya neto ng mata. Do they really deserve the crown ‘playboys’? “Uh.. Yeah. My treat! Talo kasi Spurs sa Okc, yun ang pustahan.” ani Heath. Kinuha ko ang bag ko at hinanap ko yung phone ko. Tinext ko si Kuya dahil baka maghuramentado nanaman yun. Umoo naman agad siya. I smiled at them at lumabas na kami.

 

After a 10-minute drive, we stop at McDonald’s. Oo, McDonald’s. Sa yaman nilang ‘to. We immediately ordered a BFF bundle with burgers na. Tapos nagdagdag pa sila ng 2 BFF fries. Guys. Humanap kami ng mauupuan at nahanap naming ang panganim-an na bakanteng table na napapaligiran ng mga highschool students na grupo, both girls and boys.

Nang nakaupo na kami, narinig ko ang impit na tilian ng iilang babae at bulungan na din since di naman ganun kalayo.

“Gosh! Ang gwapo nung singkit girl!”

“I’m inlove!”

“Huy manahimik kayo! Nakakahiya baka marinig nung girl.”

“Eh? Para namang kaibigan niya lang yung dalawa eh.” Nang marinig ko ‘to, agad akong nakabuo ng plano sa isip ko. Let’s see, girls.

Tumingin ako sa kay Heath na nagtitext at kay Brix na nakatingin sakin pero halatang nakikinig sa usapan nung mga babae. Nang matapos sa pagttext si Heath ay napatingin siya samin. Patuloy pa din ang bulungan ng mga babae at may narinig pa kong “Kahit side view ang gwapo! Sana di sila taken!”. I winked at them at mukhang si Heath lang ang nakagets.

“Babe, you hungry already?” malambing na tanong ni Heath sa akin. Nanlalaking matang napatingin sa kanya si Brix at sumunod sa akin. Kumindat na lang ako at mukhang nagets na niya ngayon.

“Sweetie, if you need anything just tell me, okay? I should really follow up our order.” Baling naman sakin ni Brix sabay hawak sa kamay ko. Tsansing!

“Babe, sweetie, I’m fine. Okay? Don’t worry about me.” I said as I give them both a winning-grin. I looked at the other table only to see that the girls are having their jaw drops and eyes widened.

“OMG Ate?! Two-timer ka?! Sayang ang ganda mo—“ naputol ang sasabihin niya at as if on cue, lumapit samin si Kuya kasama si Chip. The hell are they doing here?

“She’s not a two-timer at mas lalong di niya boyfriend ‘tong mga ‘to. I’m her brother and say one more word about her and you’re dead.” Banta ni kuya. Umalis naman agad yung mga highschoolers. Bumaling ako sakanya, “Ang harsh mo kuya! Trip lang naman yun eh” I said habang natatawa. Natawa na talaga si Heath at Brix nang tuluyan. Nag-apir pa! Umupo na yung dalawa bale magkatabi kami ni Kuya at yung tatlo sa harap namin. Oo, protective na talaga ang koya niyo.

“So what brings the two of you here?” tanong ko kay Chip at kuya nang matigil ang dalawa sa pagtawa. Ang baliw nila promise. “I texted them.” Si Heath na ang sumagot sa tanong ko at dumating na ang orders namin. Kaya pala ang dami nilang order. Hmp

Napuno nang tawanan, kwentuhan, alaskahan at barahan ang table namin dahil nakisali na din sila kuya at Chip sa BH = Brix at Heath / Broken Head (in tagalog: Sira Ulo).

 

 

As I look at the four of them, all I can say is, hindi naman talaga sila yung heartless, jerk playboys. Kasi sila yung tipo ng mga crazy, childish playboys na kahit baliktarin man ang mundo, sila at silang apat pa din ang magkakasama. I definitely admire their friendship. 

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon