Twenty Six

218 4 0
                                    

Chapter 26

Where you belong

Loise

Thursday Morning.

Back to normal naman na ang lahat. Back to work na si kuya. Sila mom and dad naman nasa business trip—which is di naman talaga business trip kasi naggagala lang sila. Ako, ayun, nganga dito sa bahay. Design dito, drawing diyan. Ang boring! Gusto ko sana magkaroon ng office. Oo, sinisipag ako ngayon! Gusto kong magtrabaho! Ugh, life, why so cruel?

At dahil nga bored ako, tinawagan ko si Mariel. “Bestie, you busy?”

[Hindi naman, why?] sagot niya. Great!

“San ka? Puntahan kita. Sige na, pleaseee.“

[Nandito ako sa E.Ent. Ba’t—]

“Ano!? Bakit? Di mo ko sinabihan! Sana pumasok ako ngayon.” Nakakainis! So nandun din pala siya, don’t tell me pati si Ate Cerine nandun din?

[Eh sabi kasi ni Von baka daw hindi ka pa ready na pumasok ulit..] What kind of reason is that!? Duh!

“Ah! Basta, don’t mind him! Pupunta ako dyan..” I said then hung up. Nang marealize ko na—sabi ni kuya kay Mariel.. Nag-usap si Kuya at Mariel?! Hala! Baka nag-closure na sila.. OR pwede ring hindi pa. Aish! Makaligo na nga!

**

Bumaba na ako sa sasakyan. Nagpahatid na lang ako since tinatamad akong mag-drive. Nyehe, sorry na. Pumasok ako ng building, karamihan sa mga empleyado napapatingin sakin. Dammit! Diyosa ako pero ayoko ng atensyon niyo! Kay Martin ang gusto ko! Charaught.

Speaking of Martin, alam niyo ba, ang bait sa’kin ni Lord. Binigyan niya agad ako ng sign, dalawa pa nga eh. Una, yung text ni Brix. ‘Choose to fight for your happiness. If it’s not worth it, then that’s the only time you stop. Goodnight, Loise.’ Oh ‘di ba?! Tapos hindi lang ‘yan! ‘Yung isa naman eh yung nag-iwan si Martin ng voicemail. Well, nag-goodnight lang naman siya, enough na ‘yun para maging maganda ang tulog ko.

Sigh. Alam ko naman na may mahal pa siya eh, pero possible naman na mawala yun ‘di ba? Make the impossible possible! Saka, as much as possible, I don’t want to give up without a fight. Bah! Mas maganda naman ako ng sampung paligo dun sa past niya ‘no! Oo, maganda at sexy. PERO hanggang dun lang yun, diyosa yung kalaban niya.

Nakarating na ko ng 35th floor. Agad kong binuksan ang pinto at naabutan ang apat na prenteng-prenteng nakaupo sa couch at may—

“Ba’t kayo umiinom ng gantong kaaga?” tanong ko habang nakataas ang isang kilay. Hindi ko naman maipaliwanag kung ba’t ganun yung expresyon sa mukha nila. Si Kuya halatang nagulat, si Brix nakangiti lang, si Heath Poker face at si Martin namumutla. “Huy!”

Si Heath na ang unang nagsalita. “Loise, what brings you here?”

“What? Bawal na ba ko pumunta sa company namin?” I asked him. I sat at the couch, sa tabi ni kuya. I tapped him by the shoulder.

He sighed, “Twin, pwedeng lum—“

“Nope.” I answered.

“And why?” taas kilay niyang tanong. Nagbalik na din sa ulirat niya si Martin, nakaiwas naman siya ng tingin ngayon. Si Brix at Heath, nakikinig lang habang nakangiti.

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon