Twenty Five

220 2 0
                                    

Chapter 25

Sign

Loise

Nagpatulong ako kay Yaya na iakyat si Martin. Ako na din ang nagprisinta na mag-alaga sa kanya. Oo, kahit naman sinaktan ako neto, di ko pa rin siya kayang tiisin! Lalo na ngayong may sakit siya. Ang lakas ng epekto sakin nitong Fonteverdeng ‘to!

Pinunasan ko yung braso, leeg at noo niya. Pawis na pawis siya. Ugh! Pano ko siya papalitan ngayon? Baka isipin neto hinalay ko siya! Which is baka ika-guilty ko naman, halata kasi na may abs siya—stop Sera Loise!

Tinawagan ko si Kuya para siya na lang ang gumawa pero tulog na yata. Grr, no choice! Kumuha ako ng isang shirt sa cabinet at pinalitan siya. Malakas lakas na pagtitimpi din ang ginawa ko ha! May abs nga siya! 8 packs. Defined na defined. Shet ang halay ko na!

Hinugasan ko ulit yung bimpo tapos pinatong ko sa noo niya. Bukas nalang siguro siya uminom ng gamot.

“Unfair talaga.. Di kita matiis. Nakakainis.” Bulong ko bago makatulog sa tabi ng kama niya.

**

Nagising ako na komportable ang higa. Nag-inat inat ako at dumilat.

Teka.. Hindi ko ‘to kwarto.. B-bakit may ka—

“Whaa—“ napigil ang sigaw ko ng isang kamay. Ang bango ng kamay niya!

“Wag ka ngang sumigaw, sabihin nila inaano kita.” Napalaki yung mata ko at agad siyang tinulak dahilan kung bakit siya nahulog sa kama.

Napahawak siya sa likod niya, “A-aww..” at dun ko naalala na may sakit pala siya.

Dali-dali ko siyang inalalayan at, “Hala hala, sorry. Sorry. May masakit sa’yo?” buti na lang at di na sya gaanong mainit ngayon.

“Dito.” Turo niya sa lips niya. Kaya ayun sinapok ko na. Sadya na talaga! “Joke lang! Eto, ksffhdfbcdbkf kiss ksadhkjsflkdajflc. dkasjdh.” Bulong niya. A-anong k-kiss!?

“Hoy manyak ka! Anong kiss?!” sigaw ko at hinampas ko na siya ng unan. Aga-aga nahahalay ako dahil sa kumag na ‘to! “Bahala ka nga jan!” ani ko at nilayasan siya.

**

Pauwi na kami ngayon. Finally! Namimiss ko na ang polusyon ng Manila. Nilagay na nilang lahat ng dinalang gamit sa van. And guess what! Puno na sila dun. I guess, another torture is bound to happen this day.

“Bestie, are you sure keri mo na?” tanong sa akin ni Mariel. Nag-volunteer kasi siya na sasama daw siya sa sasakyan ni Martin para di daw ako mailang. Eh ang alam ko may kukunin pa siya sa company eh, dun din kasi iddrop by sila mom.

“Yup. Saka baka maabala ka pa kung ihahatid muna ako.” Sagot ko. Pero sa likod ng isip ko sana sumama siya samin.

“Osige. Text me agad ha. Wag kang iiyak sa harap niya. Okay? Love you” aniya at lumakad na palayo.

Tinignan ko na lang sila na makasakay lahat bago sumakay na din sa shotgun seat ng sasakyan ni Martin. Pinaandar na niya yung sasakyan. Ang awkward ng atmosphere sa loob kasi sobrang tahimik. Kaya nagpasya akong buksan yung radio.

“Hope you don’t mind.” Sabi ko nang nakatingin sa radio. “Go on.” Aniya habang focused ang mata sa daan.

Tumugtog ang isang kantang di ko ineexpect na magpplay. Ililipat ko na dapat nang, “Don’t.” aniya.

(Play the multimedia)

 Ikaw ay mahalaga sa akin 

Di ko man maisip 

Sa pagtulog ikaw ang panaginip 

Malabo man ang aking pag-iisip 

Sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin 

Oo, aminado ako sa sarili ko na nahulog na ako sa kanya. Siguro sa tingin ng iba, masyadong mabilis pero para sa akin hindi. Wala naman sa oras o panahon ang basehan ng pagkahulog ng loob ng isang tao. Damn, Chip Martin! What have you done to make me fall this fast and hard?

Aaminin ko minsan ako'y manhid 

Sana ay iyong nariring 

Sayong yakap ako'y nasasabik...

Mahal kita, Fonteverde! Naririnig mo ba? Alam mo ba? Nakakainis! Mahal kita, pero hindi pwede.

Sayo ako ay hindi magsasawa 

Ano man ang iyong sabihin 

Umasa ka ito ay diringgin 

Madalas man na parang aso't pusa 

Giliw sa piling mo ako ay masaya 

Ayoko ng iba, Martin, eh. Ikaw yung gusto ko, kahit na madalas mo ‘kong binibwisit. Masaya ako. Napapasaya mo ako. Pero hindi nga pwede.

Ako'y alipin mo kahit hindi batid

Aaminin ko minsan ako'y manhid 

Sana ay iyong nariring 

Sayong yakap ako'y nasasabik... 

Bakit ng aba hindi pwede? Kasi una, may mahal ka pang iba. Ayoko ng may kahati sa’yo, dyan sa puso mo. Pangalawa, alam kong tututulan ‘to ni Kuya. At pangatlo, Ni hindi ko alam kung mahal mo din ba ako.

Pilit mang abutin ang mga tala 

Basta't sa akin wag kang mawawala 

Sabihin mo lang sa akin na naka-move on ka na sa kanya. Sabihin mo lang sa’kin kung hindi mo na siya mahal at ako na ‘yung may-ari ng puso mo, lalaban ako. Pero imposible naming mangyari ‘yun.

Aaminin ko minsan ako'y manhid 

Sana ay iyong naririnig 

Sayong yakap ako'y nasasabik 

Pagkat ikaw lang ang nais makatabi 

Malamig man o mainit ang gabi 

Nais ko sana iparating na ikaw lamang 

Ang siyang aking iibigin

Chip Martin Fonteverde, mahal kita. Pero dapat ko na bang itigil ‘to? Kasi hindi ko alam kung hanggang kelan ako aasa sa wala. Kung hanggang kelan ako magmamahal ng palihim. At sa tingin ko, kung patuloy tong nararamdaman ko, mas lalong lalalim. Mas lalong di na ako makakabangon. Mas lalo akong masasaktan.

 

Lord, isang sign lang oh. Isa lang po.

So, hi! I apologize for the late update for the cast of this story. But luckily, it's complete already! Yay! Vote and Comment. Thanks guys! 

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon