Forty Four

175 0 0
                                    

Chapter 44

A girl's instinct

Loise

Tatlong araw na ang lumipas mula nung heart-to-heart talk namin at napansin ko ang pagbabago sa aura ni Mariel. Hindi na siya ganun ka-gloomy tulad nung mga nakaraang araw.

Gusto ko man siyang asarin ngayon pero hindi ko magawa kasi aasikasuhin ko na 'yung pagpapagawa ko ng sariling shop. At ngayon, pupuntahan ko yung lot na nabili ko.

Tinry ko ulit tawagan si Martin kasi tatlong araw na din siyang walang paramdam. Medyo nalulungkot ako kasi kung titignan, wala naman akong karapatan na alamin ang whereabouts niya. Hindi naman kami, eh? Pero mahal ko siya.. to the point na, sobra 'yung tiwala ko sa kanya.

Nakailang ring pa pero walang pa ring sagot. Naiinis na ko!

Para mawala ang pagkabadtrip ko, bumili lang ako ng Vanilla Latte na nakabottle para malamig at dumiretso na sa sasakyan ko.

Nang makarating ako sa Taguig, agad kong mineet si Miguel. Oo, 'yung naging kliyente ko nga dati. Engineer siya at since may ininvest na din ang company niya sa'min, might as well, siya na lang din ang kunin ko 'di ba?

"Hey. Long time no see.." he flashed his boyish grin at umupo sa harap ko. Napagdesisyunan naming magkita sa isang coffee shop para planuhin ang mangyayari.

"Long time no see.." I replied and smiled a little. Nailang naman ako sa paraan ng pagtingin niya sa'kin kaya umiwas na ko ng tingin. "Uh.. dala mo na ba 'yung blueprint?"

Tila nabalik naman siya sa ulirat at napatango, "Uh, yeah, here." Pinakita niya sa'kin at in-explain ang mga naka-drawing doon.

Nagdaan ang ilang minuto nang biglang mag-ring ang phone ko. "Excuse me," I nodded at Miguel. Lumayo ako konti lalo na nung makita ko ang pangalan niya sa screen.

"Hello, Martin?"

Narinig ko ang pagsinghap niya mula sa kabilang linya, [God, I missed you. Where are you? Pupuntahan kita, I'll explain something to you.]

Hindi ko napigilan ang pamulahan, "I missed you, too. Nasa meeting ako ngayon. I guess, I'll have to see you afterwards."

[Hm, okay.. Just go directly here at my unit. Okay?] he sighs.

Tumango ako kahit di niya nakikita. "Mhm. Sige na, I gotta go para matapos na 'to. Bye, Martin, I love you."

[I love you, too, Sera.]

Pagkababa ng tawag ay agad na kong dumiretso sa table at laking gulat ko nang biglang hawakan ni Miguel ang kamay ko. Kumalas ako at tumayo na.

"I think we're done here, so excuse me." At lumabas na ko ng coffee shop.

Binuksan ko ang driver's seat nang may humila sa kamay ko and in a nanosecond, nakadampi na ang labi niya sa labi ko. I tried to push him, pero hinawakan niya yung dalawang kamay ko kaya ang labas eh parang nakahawak ako sa dibdib niya.

Martin..

With all the strength I gathered, I pushed him hard na halos matapilok na siya. I slapped his face. "I'm pulling out the contract, you bastard!" I yelled. Wala na akong pakialam kung nakapirma na siya sa kontrata namin. Screw him!

Nag-drive lang ako patungo sa Astoria pero dahil malas ako ngayon, naabutan ako ng ulan.. at traffic. Sh-t happens!

In-on ko ang GPS ko at nakitang may shotcut papunta sa building ng condo ni Martin at nang makalagpas ng traffic ay 'dun na ko nagdaan.

Pagkarating ko sa Astoria ay pina-vallet ko na lang ang sasakyan ko. God knows how much I missed him kaya mindali ko ang pagpunta sa unit niya.

Nang makarating ako sa floor ng unit niya ay parang bigla akong kinabahan. I don't know? Instincts? Ugh, nevermind. Binilisan ko ang lakad. Pagkarating ko ay nag-doorbell ako ng isang beses at hinawakan ang doorknob.

Ba't bukas?

Pumasok ako at dumiretso sa living room.

Tila bumagsak ang buong katawan ko, tinakasan ako ng ulirat at nagkaroon ng sariling utak ang mga luha ko kung kaya't lumabas sila ng sunod-sunod.

I felt a great pang in my chest. Parang sinisilaban at tinutusok ako sa nakikita ko.

There he is.. Martin kissing Fei.

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon