Fifty Three

128 0 0
                                    

Chapter 53

 Decisions and.. bitter? 

3rd person 

Sabay sabay napatingin ang tatlo sa kay Brix. "F-ck." bulong ni Chip na mukhang na-gets ang ibig sabihin noon. 

Hindi na sila iba sa isa't-isa. Kung tutuusin ay para na rin silang magkakapatid sa iba't-ibang nanay. 

"Arranged." bulong ng nakatungong si Brix na animo'y nakagawa ng kasalanan. 

Tumayo si Von. Sa mga ganitong panahon, dito niya pinapairal ang pagiging pagkapanagnay niya sa kanilang magkakaibigan. "Kailan pa?" 

"Last week?" hindi siguradong sagot ng isa at inangat niya na ang ulo niya. Pasalampak na umupo siya sa sofa, "I- f-ck. I don't know. Hindi ko naman siya mahal eh, but I want to give this a shot. Ah, sh-t. I don't know." 

Napabuntong hininga si Heath, "Pucha tol, mas malaki pala problema mo sa'kin." 

Napaupo si Von habang hawak ang sentido. Miski siya ay ni hindi alam at walang ideya kung ano ang isasagot. Hanggang ngayon ay wala pa din siyang balita sa nobya o kung matatawag pa bang sila matapos makipaghiwalay ni Cerine sa kanya. 

Ilang segundong katahimikan ang lumipas nang magsalita si Chip. "Give it a try, bro. Learn from me." malalim ang pinakawalan niyang buntong hininga. "If you think it is worth the try, then do it. Malay mo, 'yan na pala 'yung para sa'yo." yan lamang ang pinakawalan niyang mga salita bago lumabas papuntang garden. 

Sinundan siya ng tingin ni Von na kanina pa nakikinig. Buti naman natauhan ka na, gago. Sa isip-isip nito.

"Sundan ko lang." paalam ni Brix at hindi na hinintay pa ang sagot ng dalawa. 

"Chip.." pagtawag ni Brix sa kay Chip nang makita niya itong nakatayo sa labas. Mababakasan pa rin ito ng lungkot kahit ilang araw na ang lumipas. 

Oo naman, alam nilang apat kung ano ang nangyayari sa pagitan ni Sera at Chip. Sila pa ba? 

Napalingon si Chip sa kaniya, "Papahangin lang.." ani nito sa kanya at malungkot ang ipinakitang ngiti. 

"Pasuntok ng isa, pwede?" tanong ni Brix  at hindi na hinintay nito ang sagot ng kasama. Napaupo ang lalaki sa sahig habang hawak-hawak ang panga. Hindi niya ikakailang malakas sumuntok ang kaibigan. 

"Tangina mo. Para saan 'yon?" 

Nginisian ni Brix ang kaibigan, "Aware ka naman siguro na gusto ko si Loise, 'di ba?" Sa narinig ay agad napatayo ang isa at tinignan ng masama ang kaibigan. 

"Ikakasal ka na.." sagot niya. Ayaw mang aminin ni Chip ay alam niya na ang katotohanang ito. Na may iba pang nagkakagusto sa taong mahal niya. Isang tao na alam niyang kayang ipaglaban ang pagmamahal nito. 

Umiling si Brix, "Hindi 'yan ang sagot sa tanong ko sa'yo." napailing lamang siya. "Pero 'yan ang sagot ko sa sarili ko.. Ikakasal na ako, kaya hindi ko na pwedeng magustuhan si Loise." ani Brix, ngunit parang mas sinasabi niya ito sa kaniyang sarili. 

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay tahimik na nakikinig ang dalawa pa nilang kaibigan. 

Napamura sa isip niya si Von dahil sa mga narinig. Ngunit mas pinili niyang manahimik na lamang dahil baka mas lalong lumala. Hindi rin naman niya masisisi ang dalawa kung parehas itong nahulog sa kapatid. 

Tinimbang nang mabuti ni Brix ang kanyang sasabihin. "Can you do me a favor, Chip?" 

Tumango ang binata bilang tugon. Alam niya ang nararamdaman ng kaibigan. Yung hindi mo makasama ang taong mahal mo. 

"Kapag nagkabalikan kayo ni Loise, make her happy. And please, mahalin mo siya ng higit pa sa deserve niya." 

Ngumiti ng malungkot si Chip at saka tumango, "I will, bro. I will." 

** 

Mariel

"Marice, nasaan na 'yung box na pinapakuha ko sa'yo?! Ano na, Selene, natawagan mo na ba sila Ms. Flores?! Naku kayo!" bago pa man ako makapasok ng shop ay naririnig ko na ang pagsisisigaw ni Loise. 

Pumasok ako at tinignan ang mga empleyadong nakayuko at dali-daling ginawa ang mga utos sa kanila. "Ano't ang aga-aga ang init ng ulo mo? Ha?" tanong ko sa kaniya habang nilalapag ang mga gamit ko. 

"Tss. Nakakainis kasi! Isang oras na yung nakalipas, 'di pa rin ginagawa." she hissed. Napakabilis talagang uminit ng babaeng 'to! Palibhasa walang inspirasyon. Hmp, bitter! 

"Ikaw 'wag ka ngang magsungit, kumukunot yung noo mo. Tatanda ka kagad." i joked. 

Tinignan niya ako ng masama, "Maganda pa rin ako. Matanda man o bata. Period" sabay irap niya. Kitams! Kahit ako napagbabalingan. 

Pakibalik na nga sa kanya si Chip! Ugh. 

Lumabas saglit si Loise at umupo naman na ako sa upuan ko. 

Nag-inat inat muna ako. "Ahhhh!" binuksan ko na 'yung desktop ko nang biglang bumukas 'yung pinto ng malakas. Halos mapatalon ako sa gulat. 

"Loi-- Heath?!" punyeta naman 'to oh. Bastos! Di marunong kumatok. "Anong ginagawa mo dito?! Nasaan si Loise? Pinayagan ka niya?" paghihisterya ko. Dammit! 

Naiinis man ako sa presensya niya ay mas matimbang ang kagustuhan kong makita siya. Sh-t, wait! Saan galing 'yun? 

"Here." hindi niya pinansin ang mga tanong ko sa kanya at nilapag niya lang ang kanyang mga dala. Isang malaking box ng ferrero, malaking bouquet ng roses and lilacs at isang teddy bear na nakasuot ng prinsesang damit. 

Tinaasan ko siya ng kilay, "Para saan 'to?" 

"Peace offering?" aniya saka kumamot sa batok na animo'y nahihiya. Dagukan ko kaya 'to! Kapal ng mukhang sabihan ako nung B-word tas mahihiya ngayon? 

Sasagot pa sana ako nang may sumingit.. 

"Hindi naman ako nainform na indoor park pala 'tong office at wagas kayong makapagligawan diyan sa isa't-isa." nakakunot ang noo ni Loise habang may hawak-hawak na kape sa kanang kamay. 

Napairap ako sa sinabi niya. Nagliligawan? Hell no! "Excuse me ha, pero, sisihin mo 'tong isang 'to! Trespassing eh!" 

"Hala! Nagpaalam naman ako dun kila.. Teka, sino ba 'yung nakapink na dress?" tanong niya na para bang casual lang ang lahat. "Aish! Hayaan na nga." bumaling sa'kin si Heath at hinawakan ako sa braso. 

"Bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas ko. Nabitawan niya ako at tinignan ng matalim. Sinabayan ko din ang tingin niyang 'yon. 

"Ugh, leche! Lumayas na nga kayo sa harapan ko!" sigaw ni Loise. Kaya agad kong hinila palabas si Heath. 

Pero ang loko, ang lakas mang-good time kaya sumilip pa siya sa loob, "'Wag kang magalala, Loise. Susuyuin ka rin 'nun! Easy ka lang." aniya at kumindat pa. 

Hello! Sorry sa paghihintay. May ipopost pa akong isa mamaya. :) 

VOTE AND COMMENT. 

My PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon