Chapter 28
Unexpected
Loise
Tapos na akong maglinis ng katawan pati lahat ng ginagawa kong ritual tuwing gabi. Nakahiga na lang ako, nakatingin sa skylight ng kwarto ko. Hay, bakit ang konti ng stars ngayon? Nakikisama yata sa nararamdaman ko, confused din sila. Hindi alam kung lalabas ba o hindi.
Nabalik ako sa realidad nang may kumatok sa pinto ko, “Twin?” ani kuya sa labas. Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto. “Can I?” tukoy niya kung pwedeng pumasok. Tumango ako at pinapasok siya.
Dire-diretso si kuya sa may single-seater couch ko, “What brings you here, kuya?” tanong ko at umupo sa kama paharap sa kanya.
He shrugged, “Masama bang manggulo sa baby sister ko?” ngisi niya at bumusangot naman ako. Alam na alam niya talaga ang ayaw ko.
“I’m no baby anymore kuya, shut up.” I said rolling my eyes heavenwards. He just chuckles at tumayo para humiga sa kama ko. “Really, kuya, bakit ka nga nandito?” tanong ko in a serious tone.
Tumingin siya sa’kin, “Do you like Chip?” he asked. He’s neither mad nor happy. Poker face lang pero halata ang awtoridad sa boses niya, gustong malaman ang katotohanan.
I shook my head slightly and looked away, afraid that if I look at him, he’ll know. But since he’s my twin, he knows me the most, “You’re lying to me, Sera Loise” he stated with slight rage in his voice.
“Kuya, I’m not—“ He cut me off by his words.
“Yes, you are.” Aniya habang nakatingin ng diretso sa’kin. “You know, in the first place you can’t lie to me. You’re my twin, remember? You should also be aware that the three of them are playboys and by liking one of them might hurt you.” He clearly stated with his calm voice while looking at the skylight.
“What do you want me to do then, kuya?” I asked, trying to shrug off this nervous feeling crawling in my system.
He looked at me and stated, “Try not to fall for him. I know I can’t do anything about, you liking him. But I know I can do something about you falling for him.” He sighed the continued, “Sige na, magpahinga ka na Loise, Goodnight.” Aniya at hinalikan ako sa noo bago lumabas ng kwarto.
I don’t know what to say. Mas malinaw pa sa krystal na ayaw niya akong mainlove kay Martin dahil ano? Playboy? Heartbreaker? No. No one can dictate my feelings, not even me. I’m sorry kuya, but I’ve fallen for him already, and I’m taking the risk.
**
Kinaumagahan, tamlay na tamlay ako. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw kumilos ng katawan ko. Gustong maging productive ng isip ko pero ayaw ng katawan ko. Kinuha ko yung phone ko na nasa ilalim lang ng unan ko at naghanap ng makukulit.
Chippy Martin.
Yan ang unang nakita ko sa contacts ko. Gusto ko sana siyang tawagan kaso ‘di ba nga may report siyang di natapos kahapon? Baka makaabala ako, tapos magalit siya sakin, tapos—okay tama na drama. Napagpasyahan kong si Mariel na lang ang bwisitin ko.
“Hello?”
[Hello! Sino ba ‘to?! Ang—] sagot niya ng pasigaw. Halatang naistorbo ko yung tulog niya.
“Ang aga aga kung makasigaw ka!” ani ko habang mahinang humahagikhik. Malamang mabwisit to lalo pag nalaman niyang tinatawanan ko siya.
[Bruhilda ka! Anong kailangan mo? Sinira mo ‘yung pag-bbeauty rest ko.] Aniya sa inaantok na boses.
“Beauty? Meron ka pala nun? ‘di ba dapat rest lang, walang beauty?” pang-aasar ko. Hahaha sorry bestie! Oy pero ha, maganda ‘tong bestfriend ko!
[Leche mo. Ano bang kailangan mo?]
“Samahan mo ko.. dito tayo sa bahay, movie marathon?” pag-aaya ko since ayoko ngang masyadong gumalaw-galaw kaya dito na lang.
[Gaga ka talaga ‘no? ‘yan lang sasabihin mo tapos sinira mo tulog ko. Mall na lang, mamaya, I’ll pick you up, tulog muna ko. Chow~] dire-diretsong sabi niya at binaba na ang tawag. Di naman na ko nakapalag kahit wala ako sa mood mag-mall ngayon.
2:03 pm na. Paalis na kami ng bruha kong bestfriend. Aba! Pagsabihan daw ba ko na ang tamad ko matapos kong ikwento sa kanya kung ba’t ko naisipan mag-movie marathon dito sa bahay. Di naman ako tamad! Di ba?
Siya ang nag-drive, oo na! Tamad na ko. Eh wala talaga ko sa mood gumawa ng kung ano, siya lang ‘tong nag-aya sa mall. Pagkarating namin, nag-aya akong kumain.
“Di ka ba kumain sainyo ha?” pagtatanong niya nang naghahanap na kami ng kakainan.
“Hindi. Mag-aaya ba ako kung oo?” pambabara ko. Inirapan niya lang ako at hinatak na ako papasok sa isang kainan.
“Table for two” aniya sa hostess. “Okay, ma’am, for a second lang po” napairap siya sa hangin. Ayaw na ayaw niya talagang pinaghihintay.
Inikot ko ang mata ko at hindi ko ineexpect ang makikita ko..
.. siya kasama yung babae. Sa iisang table. Magkahawak kamay.
BINABASA MO ANG
My Playboy
Fiksi Umum[PLAYER #1] "Rule number One: Never fall for the playboy." Sera Loise Escareal. Umalis siya ng bansa para hanapin ang sarili niya at.. mag-move on. Pinlano niya ang isang sweet revenge sa kanyang pagbabalik. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pag...