GANGMATES
Bumalik agad ako sa apartment dahil maaga pa naman para umuwi ako sa bahay.
Ayokong nagtatagal sa bahay.
Pagdating ko dun naabutan ko yung lima na nanonood ng TV.
"Oh, Ayesha nandiyan ka na pala. Tara movie marathon? Kamusta pala yung application mo?" Paninimula ni Kim.
"Okay na. Tanggap na ko. Start na daw sa monday." Sabi ko at dumiretso muna sa kusina. Nauuhaw na ko eh.
Sumunod naman siya sa kusina at niyakap ako mula sa likod. "Congratulations!" Sabi niya at bumitaw na sa yakap.
"Salamat, best." Sabi ko at bumalik na siya dun sa apat.
Si Kimberly Han o tinatawag ko na First kapag nasa battle kami.
Maganda siya, matalino, matangkad, maputi at higit sa lahat matapang.
Graduate ng Information Technology.
I treat her as my bestfriend. Bata palang kami magkakilala na ang parents namin.
Cold siyang magsalita kapag nasa harap ng grupo pero kapag kaming dalawa lang, grabe 'yan sa kasweetan. Minsan nga nandidiri ako eh. Haha
Pero isa siya sa mga dahilan kung bakit nahiyakat akong buoin ang grupo na 'to. Pareho kasi kaming broken hearted. Ewan ko ba, manloloko kasi mga lalaki eh.
"Master! Tara nood tayo dito oh." Alok ni Alexa sakin habang umiinom akong tubig sa tumbler.
"Ano bang movie 'yan?" Tanong ko kay Alexa na parang kilig na kilig.
Okay. Mukhang Romance ang movie.
"Suddenly it's magic. Bilis! Ang gwapo ni Mario Maurer!" Kilig na kilig sa na pagkasabi niya.
Lumapit naman ako sa kanila at umupo sa tabi ni Louie na kasalukuyang busy sa cellphone niya.
Si Alexandra Jung o tinatawag kong Second.
Graduate ng Mass Communication.
Oo gangster talaga siya. Pero siya yung klase ng gangster na kapag kasama kami ay nag-iiba ng pananaw sa buhay.
Maganda siya, matalino din. Sobrang feminine pero matapang.
Nakilala ko siya dahil kay Kim dahil mag-pinsan sila. Palagi siyang nasa bahay nila Kim noon kaya palagi ko siyang nakikita. Tapos nung nagcollege ako, mas nakilala ko siya kaya inalok ko kung gusto niya sumali sa grupo ko. Pumayag siya dahil tiwala naman daw siya kay Kim.
"Hindi ka din fan ng romantic movie no? Tara alis nalang tayo dito. Nakakabored." Sabi ni Louie sakin.
Hindi kasi siya fan ng romantic movie. Masyado daw kasing fictional ang mga pangyayari katulad ng kapag nadapa yung main character ay may sasalong lalaki. Eh sa totoong buhay daw kapag nadapa siya walang sumasalo. Haha
"Ayokong lumabas, mainit eh. Dito aircon. Tiis tiis nalang. Haha" sabi ko.
"Hay naku. Makapagselfie nalang nga." Sabi niya nagselfie sa cellphone niya.
Si Louisse Tan o Third kapag nasa battle kami.
Graduate ng Education Major in Mapeh.
Maganda siya pero boyish. Gangster na gangster eh. Matalino 'yan lalo na sa subject na MAPEH.
Major niya eh.
Nakilala ko siya accidentally sa school nung college sa library. I was looking for a book kasi kailangan sa class ko kaso di ko makita. Sakto nung araw na yun siya yung nakaassign as library assistant kaya siya yung tumulong sakin.
Naging close ko siya nung naging magkagroup kami sa MAPEH class namin. Palagi kaming panalo sa mga activity dahil sa kanya.
"CR muna ako." Pagpapaalam ni Jam. "Naiihi ka na sa kilig no?" Pangaasar ng kakambal niyang si Jem.
"Hindi no! Ang dami ko kasing nainom na tubig eh. Kilig ka diyan! Baka ikaw." Sabi ni Jam.
"Ulol!" Sigaw ni Jem. Pinaltukan naman niya kapatid niya at humagalpak ako ng tawa dahil tumunog yung batok ni Jem.
Ang sakit nun!
"P*ta! Ang sakit ah!" Sigaw ni Jem. "Oh bakit? Panganay ako ah!" Sagot ni jam at pumasok na sa cr.
Si Jamaica Min o Fourth at Jemaica Min o Fifth. Oo kambal sila. As in magkamukha.
Pero mas payat ng kaunti si Jam at mas matangkad.
Graduate silang dalawa ng Fine Arts.
Si Jam magaling magdrawing ng mga damit si Jem naman sa designs.Kaya pag pinagsama silang dalawa. Ay alam na! Edi panalo.
Nakilala ko sila nung minsang magkaroon ng Theatric Play sa school nung college.
Sila kasi yung na-assign sa gowns na gagamitin sa play noon. Kaya ayun, hindi man nanalo ang play namin. Wagi naman kami sa costume dahil sa kanilang dalawa.
Sila ang gangmates ko. Hindi ko siguro kakayanin kapag nabuwag ang grupo na 'to. At nangako ako sa kanila na hindi ko sila iiwan.
*phone beeps*
Binasa ko agad yung text na dumating tsaka tumayo sa kinauupuan ko at kinuha ang gamit ko. "Oh saan ka pupunta Ayesha?" Tanong ni Kim.
"Nagtext na kasi si mommy. Kailangan ko munang umalis." Sabi ko.
"Kailangan na ba? Di pa tapos movie oh." Sabi ni Alexa.
"Oo kailangan na. Si mommy 'to oh." Sabi ko at tinapat sa kanila yung phone ko.
"Master! Iiwan mo ko dito sa mga romantics na 'to?" Sabi ni Louie.
"Haha. Bahala ka na diyan. Sige na alis na ko! Sino magoovernight dito? Alam niyo na gagawin. Kung wala naman i-lock niyo ng maayos 'tong apartment ah." Sunod sunod na bilin ko sa kanila.
"Sige master! Mag-ingat ka!" Sabay sabay nilang sabi.
Nagmadali naman akong umalis sa apartment at sumakay sa kotse ko.
***
Nakarating agad ako sa Starbucks kung saan ko kikitain yung nagtext sakin.
And yes, hindi si mommy 'yung nagtext sakin.
Sorry I lied.
Pagkapasok ko sa starbucks after parking my car. Hinanap ko na kung saan siya nakaupo.
Maya maya lang ay nakita ko siyang nakaupo malapit sa cashier. He's looking very handsome. Ugh! "What now?" Sabi ko sa kanya at hindi nagpadala sa kagwapuhan niya.
Bakit ba di pa ko nasanay?
"Oh? Ganyan mo ba salubungin ang mahal mo?" Sabi niya.

BINABASA MO ANG
A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)
Teen Fiction(UNDER MAJOR REVISION) Playgirls are for Playboys will be A Playgirls Tale. I decided to change the title of the story because when I back read everything I saw some flaws and I think I need to change it. So for now, this will be under revision. I w...