A/N: Continuation lang po ito ng chapter 52 ^_^ Thanks.
Akihiro's POV
"I'm sorry.." sabi ni mom at niyakap ako habang umiiyak siya.
Sa pagkakasabi niya ng sorry sakin alam ko na agad ang dahilan. Hindi na ko nagsalita bagkus niyakap ko nalang siya ng mahigpit.
"Im sorry anak, ginawa ni mommy ang lahat to save the baby but... but she died.. she died in my arms nathan.." sabi ni mommy na patuloy padin ang luha sa mga balikat ko.
"How's Ayesha?" sabi ko at pinunasan na ang luha ni mom. Alam kong masasaktan siya kapag nalaman niyang wala na ang anak niya.
"She's in her room, kakagising niya lang Nathan anak, ikaw na ang magsabi sa kanya, hindi ko kakayanin kung ako pa ang magsabi sa kanya.." sabi ni mom.
"Ako na pong bahala sa kanya mom, magpahinga na po muna kayo.." sabi ko.
"Sige anak, bibili muna ako ng pagkain naten, at pagkatapos nito uuwi na agad tayo sa bahay.." sabi ni mom at bago siya umalis hinalikan muna niya ako sa pisnge at nagpaalam.
Paano ko ba sisimulan? Paano ko sasabihin sa kapatid ko na wala na ang anak niya. Paano ko sasabihin sa kanya na ang batang nasa sinapupunan niya noon ay wala na. Paano?
Agad akong pumunta sa kwarto niya, pagbukas ko ng pinto, nagulat nalang ako sa nakita ko.
Si Ayesha, umiiyak habang nakatakip ang mga kamay niya sa mukha niya, Si daddy na seryosong nakatayo sa harap niya.
Mukhang alam na ni Ayesha, mukhang alam na niya na wala na ang anak niya.
"Buti naman at nandito ka na Akihiro, saan ka ba nanggaling?" sabi ni Dad.
"Sa labas lang po, pasensya na po.." sabi ko.
"Bantayan mo ang kapatid mo, aalis na muna ako. Ikaw na muna ang bahala dito.." sabi ni dad.
Tumango naman ako at agad na nilapitan si Ayesha. Ang kawawa kong ayesha.
"Ayesha.." sambit ko habang hinahaplos ang ulo niya.
Hikbi at iyak lang ang tinugon niya sa akin. At dahil dun, niyakap ko nalang siya.
"Hyung, bakit ganun?" sabi niya habang umiiyak padin.
"Bakit siya pa kuya? Bakit di nalang ako yung nawala? tutal ako naman yung may kasalanan ng lahat ng to diba? Dapat kuya ako nalang eh!" dagdag niya pa.
"Shhhh.. Stop blaming yourself. Lahat ng to may dahilan, lahat ng to ay tinakda ng diyos. malay mo kaya nawala ang anak mo ay para may magbantay na sayo dito sa lupa diba?" sabi ko nalang.
"Siguro nga kuya, siguro nga.." sabi niya.

BINABASA MO ANG
A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)
Genç Kurgu(UNDER MAJOR REVISION) Playgirls are for Playboys will be A Playgirls Tale. I decided to change the title of the story because when I back read everything I saw some flaws and I think I need to change it. So for now, this will be under revision. I w...