52 PAST (Part 1)

262 3 0
  • Dedicated kay Yasser Cualteros Monte Piang
                                    

(A/N: I'm gonna use the POV of Akihiro here, wala lang para maiba lang ^_^ Enjoy reading po .. LoveYouALL <3 )

Dedicated to Yasser Monte Cualteros Piang :) 

-----

Akihiro's POV

A breakfast without my sister is.. incomplete.

Di man lang kasi sinabi na magkacamping pala sila. At ang pinagtataka ko pa ay iba pa yung nagsabi at nagpaalam samin na may camping sila.

Ayesha never do that. ngayon lang -_-

"Nathan.. kumain ka na.. hindi mo man lang ginagalaw yang pagkain mo.." sabi ni mom.

"oo nga son, you haven't touch your spoon and fork.. okay ka lang ba?" sabi ni dad.

Tumayo naman ako at inusod yung plate ko palayo sakin.

"I'm not hungry mom, i just sleep on my room..excuse me dad.." sabi ko.

"what's wrong with nathan?" sabat ni nadine.

"hayaan mo na ang kuya mo, kumain ka nalang diyan at may pasok ka pa.." narinig kong sagot ni mom. pagkatapos kong marinig yun pumasok na ko sa room at ni-lock ang pinto.

I just miss my sister. And sakto pang napatingin ako sa picture frame ko dito sa kwarto ko.

It's me and Ayesha when she was pregnant.

Humiga nalang ako sa kama at nagbuntong hininga lang. I don't know pero parang kinakabahan ako.

Ngayon nalang ako ulit kinabahan ng ganito. I mean kapag wala si Ayesha sa tabi ko o kaya kapag hindi ko siya kasama kinakabahan ako pero hindi katulad ngayon na seryosong kaba ang nararamdaman ko.

Last na kinabahan ako was 4 years ago.

Ikukwento ko sa inyo.

Hinihintay namin si Ayesha, gabi na pero wala padin siya.

"Did you already call her? Gabi na! pero wala padin siya! Nasaan na ba yang kapatid mo!" sigaw ni dad.

"Honey, wag ka namang sumigaw. baka naman natraffic lang si Nicole.." sabi ni mom.

After a minute, bumukas ang pinto at sumalubong samin ang isang luhaang Ayesha.

"Where have you been?" sabi ni dad.

Lahat kami hinihintay ang pagsagot niya.

"Im pregnant.." sabi ni Ayesha habang umiiyak sa harapan namin.

lahat kami halos nagulat at di makapaniwala sa sinabi ni Ayesha.

*SLAP*

"SINONG AMA NIYAN!" sigaw ni daddy sa kanya pagkatapos niyang sampalin si Ayesha.

"yung boyfriend ko po.." sabi niya habang nakahawak siya sa pisnge niya. lumapit agad ako sa kanya at inalalayan siya.

"DALHIN MO ANG LALAKING YUN DITO!" sigaw ni daddy.

"pero dad.." sabi niya.

"Walang pero pero Ayesha!" sabi ni daddy at agad na tinalikuran si Ayesha.

Pagkatapos ng paguusap na yun. iyak lang ng iyak sakin si Ayesha, at ang tanging nagawa ko lang nun ay maging shoulder to cry on niya. I can't fight my Father. Wala pa kong karapatan para sumagot sagot sa kanya.

Being her older brother, imbes na magalit ako sa kanya. Inintindi ko nalang siya. pero katulad ni daddy, may naramdaman akong galit dun sa lalaki.

Bata pa sila, and they already did that thing?

A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon