Ayesha's POV
Akalain niyo yun? sa lahat ng lalaking nanghatak sakin? siya pa?
At take note, after niya kong hatakin dito sa likod ng school. Hindi siya nagsasalita, nakatingin lang siya sakin, syempre ako nakatingin lang din sa kanya. as if naman papaapekto ako sa tingin niya?
"Kamukha mo talaga siya.." salamat naman at nagsalita na, teka sabi niya kamukha ko siya? sino?
"Excuse me? sinong kamukha ko? alam mo bang ako lang ang may ganitong mukha?" sabi ko sa kanya tsaka inirapan siya.
Tinanggal naman niya yung Cap at Shades na suot niya at sinuot sakin.
"Yohan..Ano bang ginagawa mo?" sabi ko.
"Wait lang.." sabi niya. ako naman di ko alam kung bakit hindi ako makaangal sa ginagawa niya. first time may gumanito saken -___-
after niyang isuot yung shades at cap sakin tnignan na naman niya ko. yung tingin na para bang inoobserbahan ako.
"Hinatak mo ba ko dito para lang isuot sakin tong cap at shades na to? alam mo bang late na ko sa first class ko dahil sa ginagawa mo?" sabi ko.
"Kamukha mo talaga siya eh.." sabi niya.
"Sino ba yang sinasabi mong kamukha ko??" sabi ko.
umupo naman siya sa tabi ko tapos tumingin sa malayo.
"Kamukha mo yung babaeng mamahalin ko.." seryosong sabi niya.
Ano daw? MAMAHALIN? AKO?
"Ano bang pinagsasabi mo diyan Mr.Sebastian!" sigaw ko.
"Joke lang eto naman, masyado kang masungit para sa mala-anghel mong mukha.." sa sinabi niya parang nanigas yung buong katawan ko.. ngayon lang may nagsabi sakin ng mga ganyan ulit..
"Oh? bakit parang natulala ka na diyan.." sabi niya.
"Ah- ah eh wala naman.. Late na kasi ako.." palusot ko nalang.
"Sorry kung nalate ka sa first class mo.. i-eexcuse nalang kita sa teacher niyo mamaya.." sabi niya.
"Really? paano mo naman gagawin yun?" sabi ko.
"Daddy ko ang principal dito sa school na to.." sabi niya.
Seryoso ba siya? tatay niya ang principal sa school na to? kaya ba nagagawa niya lahat ng gusto niya? kaya ba wala siyang pakialam sa studies niya?
"Seryoso ka ba?" sabi ko.
"Mukha ba kong nagbibiro?" sabi niya.

BINABASA MO ANG
A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)
Fiksi Remaja(UNDER MAJOR REVISION) Playgirls are for Playboys will be A Playgirls Tale. I decided to change the title of the story because when I back read everything I saw some flaws and I think I need to change it. So for now, this will be under revision. I w...