34 LET'S TALK ABOUT TRUST

261 2 0
                                    

Ayesha's POV

Ang sakit ng leeg ko -_- Stiffed neck ata tawag dito. Tss

Dahan dahan kong inangat yung ulo ko, pinatunog ko pa nga eh. Nakatulog pala ako.

"Hayyyyyyy.." sabi ko habang nakataas pa yung dalawa kong kamay.

"Gising ka na?" lumingon ako kung sino yung nagsalita.

O_O

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko.

"Grabe, pagkatapos mo kong gawin unan..nakakangawit kaya.." sabi niya habang ginagalaw yung balikat niya.

O_O

Ibig sabihin? sa balikat niya ko nakaunan?

Ibig sabihin nakatulog ako sa tabi niya?

Waaaaaa! Bakit ko ginawa yun? First time yun ah. Aha! baka pinatulog niya ko, baka may pinainom siya sakin na kung ano kaya nakatulog ako. Naku! ano ba tong iniisip ko. nababaliw ka na Ayesha Nicole. Itigil mo na yan.

"Nakatulog ka lang nakalimutan mo na ang mga bagay bagay?" sabi ni Yohan.

"Pasensya ka na Yohan, nakatulog ba talaga ako? May sinabi ba ko kanina sayo na hindi mo nagustuhan?" sabi ko. Eh kasi naman, ganun talaga ako kapag inaantok e. Kung ano anong sinasabi ko sa mga taong nasa paligid ko. tapos makakalimutan ko na yun 'pag gising ko. Ang weird diba?

"Ahh.. may sinabi ka sakin kanina eh.." sabi niya.

O_O

"Ano namang sinabi ko sayo?" sabi ko.

Kinakabahan ako, baka kasi kung ano sinabi ko sa kanya eh. nakakahiya -__-

"Sabi mo sakin kanina.. Gusto mo ko.." sabi niya.

O_O

"Sinabi ko yun? Di nga? Seryoso ka?" sabi ko.

Grabe, nakakahiya -__-

"Joke lang.." sabi niya.

Joke lang? Adik to ah!

"Awww! Bakit ka ba nanghahataw ka diyan bigla, ang bigat ng kamay mo. gangster na gangster lang ah?" sabi ni Yohan.

"Adik ka kasi eh! nagawa mo pang magbiro. alam mo bang nakakahiya para sakin na makatulog ako sa balikat mo.." sabi ko.

"Bakit naman? Okay lang naman sakin na nakatulog ka dito sa balikat ko e, wala yun.." sabi niya.

A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon