Yasser's POV
Dahil wala naman akong pasok at wala padin akong trabaho, nagdecide akong uminom nalang sa bar, tutal naman may sarili akong bar.
Pagdating ko sa bar, ang daming tao. Puro chicks, lahat sila magaganda. lahat sila sexy pero ang problema lang sa mga babae ngayon, naturingang maganda at sexy hindi naman maria clara.
May babae pa kayang matino sa mundong to?
Mas gusto ko pa sa babae yung simple lang pero may dating. Oo alam ko sa sarili ko na never akong rumespeto sa babae pera lang sa mommy ko syempre. Pero kahit na ganito ako, may babae padin naman akong nirerespeto at yung babae na yun ay yung mukhang karespe-respeto.
"Hard drink please.." sabi ko sa waiter dito.
"Yes sir.." sabi niya.
Lumingon naman ako sa paligid at napablink ng tatlong beses dahil sa nakikita ko. Siya yun, as in siya talaga hindi ko makakalimutan ang mukha niya.
"Eto na po yung drink niyo sir.." sabay abot sakin nung drinks.
"Salamat.." sabi ko sabay tayo at lumapit dun sa babae. bakit siya nandito?
Nung makalapit ako sa kanya, mukhang may problema siya. sinundan ko lang siya hanggang sa makarating siya sa Stage?
Bakit siya nasa Stage?
Wag mong sabihin na sasayaw siya dun?
Maya maya lang tumugtog na yung 'Somebody to Love' by justin bieber.
At tama nga ako, sumayaw nga siya. And I must say She dance very gracefully kahit Hip hop yung sinasayaw niya makikita mo sa galaw niya yung feminine side niya.
Nakatulala nalang ako habang nanonood sa sayaw niya. Di ko alam pero napapatulala talaga ako sa kanya. Minsan lang ako makakita ng babae na sumasayaw ng hip hop. I mean yung way niya ng pagsayaw ng hip hop parang may kakaiba.
Teka? Bakit ba ko nakatingin sa kanya?
Nagugustuhan ko na ba siya? Di ko alam, baka dala lang ng hard drinks.
Maya maya lang hindi pa tapos ang kanta, tumigil na siya tapos nalaman ko na nakatingin siya sakin at mukhang nagulat siya na pinapanood ko siya. Mukhang natatandaan niya yung mukha ko. Patay!
Mabilis siyang bumaba sa stage at agad ko naman siyang sinundan ng hindi niya nalalaman.
Nakita ko siyang lumabas ng bar kaya naman sinundan ko siya pero nagtago lang ako sa gilid.
Mukhang naghihintay siya ng masasakyan. Bakit? Wala ba siyang kotse?
"Sunduin mo nalang ako dito bilisan mo!" narinig kong sabi niya sa kabilang linya na kausap niya.
BINABASA MO ANG
A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)
Fiksi Remaja(UNDER MAJOR REVISION) Playgirls are for Playboys will be A Playgirls Tale. I decided to change the title of the story because when I back read everything I saw some flaws and I think I need to change it. So for now, this will be under revision. I w...