39 SECRETS

226 5 0
                                    

Ayesha's POV

Nung natapos kami kumain ni Yohan dito sa bahay niya, nakaramdam na ko ng kaba kaya nga kanina mukhang tanga ako dahil sobrang bagal ko talaga kumain eh. Ewan ko ba parang may mangyayaring di ko inaasahan ngayong gabi -_- oo gabi na po.

"Ang ganda ng mga stars no?" sabi niya.

"O-oo nga eh.." sabi ko habang nakatingin sa mga stars.

Bale, nakahiga kami ngayon sa carpet tapos nakatingin sa langit. Star gazing ata tawag dito eh. Basta! ganun yun ginagawa namin ngayon..

"Ayesha.." tawag niya sakin.

"Hmm?" sagot ko. eto na ba yun? geez!

"About sa serious matter na gusto kong malaman.." sabi niya.

"W-what about dun?" sabi ko. eto na!

"Gusto ko lang sana itanong kung.." sabi niya habang nakatingin padin sa langit ako naman nakatingin na sakanya.

"Kung ano?" sabi ko. pabitin effect pa kasi eh.

"Kung totoo ba.." sabi niya.

"Totoo ang alin? Diretsuhin mo na nga ako.. mas kinakabahan ako kapag binibitin mo pa eh.." sabi ko.

"Huh? bakit ka naman kinakabahan?" sabi niya.

"Eh kasi naman, nung narinig ko sayo yung seriopus matter na yan, kinabahan na ko kaya nga binagalan ko talaga yung pagkain kanina para lang di tayo mapunta diyan sa serious matter na yan eh.." mabilis kong sabi.

"Wow! ang bilis mo magsalita. rapper ka ba?" sabi niya. nagawa pang magbiro eh.

"Yohan.." sabi ko na parang nagbabanta. kasura eh -_-

"Sorry.. pero seryoso na, wag kang kabahan sa mga itatanong ko sayo.." sabi niya.

"T-teka? Mga? ibig sabihin madami?" sabi ko.

"Oo.. pwede naman yun diba?" sabi niya.

Pwede naman eh. kaso natatakot ako baka kung anong maisagot ko sa mga itatanong niya. baka bigla siyang maturn off sakin tapo-- teka nga? bakit ba ko nagwoworry kung maturn off siya sakin? Friends lang naman kami ah? hays! nababaliw na talaga ako.

"Ayesha!"

"Ay palaka ka!" sbai ko nanggugulat kasi eh.

"Ang gwapo ko namang palaka.." sabi niya.

"K-A-P-A-L.." sabi ko.

"Ha-ha pero seryoso na, gusto ko lang itanong kung gangster ka ba talaga?" sabi niya.

A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon