21 The Playboy (Yohan's Pov)

314 3 0
                                    

Yohan's POV

Dahil sunday ngayon, hindi ko makikita si Ayesha. ewan ko ba parang tinamaan ako sa babaeng yun.

Para sakin kasi special yung mga katulad ni Ayesha yung tipong mukhang anghel ang mukha pero hindi maarte. yung akala mo tahimik lang pero may loud side. yung babaeng cool na cool lang kausap.

The way she talks, the way she walks, the way she smile. It all takes my breath away.

pero nung sinabi niya na 'Dont you dare fall inlove with me' nanghina ako bigla. pero tumawa nalang ako. kaya gagawin ko lahat mainlove lang siya sakin. wala naman siyang sinabi na hindi siya pwedeng mainlove sakin e. kaya ganun nalang ^_^

"Tol! lalim ng iniisip ah? babae yan no?" sabi ng kapatid kong lalaki.

"Ulol! wala ka na dun sa iniisip ko.." sabi ko.

"Isa lang naman ang nasa isip ko eh.." sabi niya.

"Sino naman?" sabi ko.

"Ulol! wala ka na dun sa iniisip ko.." sigaw niya.

Linya ko yun ah? lakas talaga mang-asar netong half brother ko eh.

Yeah HALF lang talaga kasi magkaiba kami ng nanay pero same father.

"Wala ka bang pupuntahan ha?" sabi ko. gusto ko kasing umalis siya sa bahay para matahimik buhay ko.

"Malas mo tol, wala eh..makakasama mo ko dito sa bahay hanggang gabi! haha" sabi niya.

Alam niya kasi na ayoko ng maingay sa bahay kaya naman nagiingay talaga siya. para lang maasar ako. -_-

"Tol!" sabi niya. nanonood kasi kami ng Gandang Babae eh. siguro kung sumali diyan si Ayesha siya na ang mananalo.

"Tol ano ba!" sigaw niya sa tenga ko.

"Fvck naman Yass! ano bang problema mo?" sabi ko. ikaw ba naman sigawan sa tenga e.

"Wala lang.." sabi niya. kita mo to! sisigawan ka tapos wala naman pala. benta ko nalang siya sa inyo gusto niyo? -_-

bumalik nalang ako sa panonood ng TV. iniimagine ko na si Ayesha yung nasa TV. 

Gusto kong makilala pa si Ayesha, alam ko lang sa kanya, matalino siya, gangster siya, mayaman siya, at syempre maganda siya.

Alam kong isa akong playboy pero ewan ko ba tinamaan ata ako kay Ayesha, siguro dahil gangster din siya. pero ako kasi yung taong kapag may nagustuhang babae inaalam ko background niya.

Once na may malaman kasi akong hindi maganda sa background niya nawawalan ako ng gana.

A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon