49 CONCERT (Part 2)

263 2 0
                                    

Third Person's POV

Naganap na ang pinakahihintay na Concert nila Ayesha at Yohan.

Eto na ang oras kung saan magpapakitang gilas ang grupo nila Ayesha sa sayawan at grupo nila Yohan sa kantahan.

Maraming tao sa loob ng university. May mga galing sa kabilang school, karamihan ay mga estudyante ng Lee Min.

Nakahanda na ang lahat maliban kay Ayesha na kanina pa hinihintay nila Yohan.

Natapos nang kumanta sila Yohan sa Concert pero wala pa si Ayesha, sabi niya lalabas muna siya sandali pero hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik.

Unang nagperform sila Yohan kaya naman naiwan sa backstage sila Kim.

[A/N: Pasingit lang sandali, eto pong paguusap nila ay yung mga oras na nasa stage sila Yohan. yun lang ^_^ Kamsa!]

"Nasaan na ba si Ayesha?" tanong ni Louie.

"Hindi ko alam, sabi niya kasi lalabas lang siya sandali.." sabi ni Kim.

"Tinext niyo ba o kaya naman tinawagan?" sabi naman ni Jam.

"Oo, pero hindi sinasagot eh. Ring lang ng ring.." sabi ni Alexa.

"Baka naman may pinuntahan lang sandali, o kaya may kinuha sa mini house.." sabi ni Jam.

"Oo nga baka naman may kinuha lang sa mini house, hintayin nalang natin siya sandali.." sabi ni Jem.

Kumalma naman ang lahat, maya maya ay bumalik na backstage sila Yohan. Pero wala padin si Ayesha.

"Wala pa ba si Ayesha?" alalang tanong ni Yohan.

"Wala padin siya.. Kinakabahan na nga ako eh.." sabi ni Kim.

"Nasubukan niyo na bang tawagan?" sabi ni Kit.

"Oo, pero hindi niya sinasagot.." sabi ni Jem.

"Sh*t!" sabi ni Yohan.

Nagsuot si Yohan ng Jacket niya at inayos ang sarili niya.

"Saan ka pupunta master?" sabi ni Ivan.

"I need to check Ayesha!" sabi ni Yohan.

"Sasama ako sayo Yohan!" sabi ni Kim.

"Hindi kim, dito ka nalang, kaya na ni Yohan yan.." sabi ni Ginno.

"Oo nga Kim, dito ka nalang." sabi ni Louie.

A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon