40.1 NORMAL DAY (part 2)

268 4 0
                                    

Kim's POV

Andito kami sa room kasi breaktime, si Nicole naman lumabas ng room. She needs to go to the bathroom daw. Hanggang ngayon wala pa siya.

"Jam! Nasaan na si Nicole?" sabi ko.

"Ewan ko, diba nagrest room?" sabi niya.

"Oo nga Kim, diba nagrest room lang siya?" sabi naman ni Jem.

"Inulit mo lang sinabi ko Jem!" sabi ni Jam.

Sanay na kami diyan sa Kambal, siguro ina-idolize lang talaga ni Jem si Jam.

"Oh! Andiyan na pala si Nicole eh, Nicole!" sabi ni Louie.

Lumingon naman kami kay Nicole, napapansin ko siya na parang this past few weeks ang lalim palagi ng iniisip niya.

"Bakit ang tagal mo namang magrest room?" sabi ko sabay crossed arms.

"Sorry.. nagpahangin nadin kasi ako sa labas.." sabi niya.

"Ganun ba? May problema ka ba Nicole?" sabi ko.

"Ako? Wala naman akong problema ah?" sabi niya.

"Sigurado ka?" makahulugang tanong ko.

Lahat naman kami napatitig kay Nicole. Mapapansin mo talaga sa kanya na ang tamlay niya. Tsaka alam niyo ba kapag gumagala kami sa mall hindi na siya nagbibihis ng pang gangster, kung ano yung suot niyang dress yun na talaga ang suot niya.

"Guys.." sabi ni Nicole.

"Class! Go back to your sit!" sigaw nung professor namin, kaya naman umayos kami ng upo, hindi tuloy nasabi ni Nicole yung sasabihin niya.

"Class, malapit na ang foundation day, We need to be ready. At sabi ng principal natin, kelangan nating maghanda ng Concert para sa foundation day.." sabi ni Prof.

"What about the concert mam?" sabi nung isa naming kaklase.

"The concert is about your talent students! You need to dance, sing, and act infront of everyone. Every year must have a representatives.." sabi ni Prof ulit.

Concert? Mukhang magiging masaya yun ah? I mean makakasayaw kami ng G6 sa school.

Siniko ko naman si Nicole.

"Mukhang masaya yun diba?" sabi ko sa kanya.

"Ha? Hmm-mm!" sabi niya habang tumatango pa.

May problema talaga to sa buhay niya eh. Ayaw lang sabihin. Hmp! Bahala na nga. magsasabi din yan. Hihintayin ko nalang.

A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon