56 FIRST PLAN

205 2 0
                                    

Yohan's POV

Badtrip! Naflat-an pa ko ng gulong, sabi ko kay Louie babalik agad ako pero eto ako ngayon nasa vulcanizing shop.

"Matagal pa po ba?" tanong ko kay manong.

"Naku sir, matagal pa po ito.." sabi niya.

"Sige po.." sabi ko.

Wala akong magagawa kung hindi maghintay, wala din akong load para tawagan si Louie.

*KRIIIIIIIIIING*

Kinuha ko agad yung phone ko.

Incoming Call Louie...

"Louie pasensya ka na talag----" pinutol niya yung sinasabi ko.

[ Ayesha's mom is comatose.. naaksidente ang mommy ni Ayesha, kaya naman..umuwi na siya sa bahay nila..] sabi ni louie.

"Umuwi? Mag-isa?"

[ Oo, ayaw niyang magpasama eh.. I think this is the time na mas kailangan ka niya.. ]

"Sige sige, salamat louie..ako na ang bahala.." sabi ko at binaba na ang call.

"Manong babalikan ko nalang po yan ha? May emergency lang po!" sabi ko sa manong at pumara na ng Taxi.

Baka eto na yung sinasabi ni Athena na gagawin ni Bianca para makapaghiganti kay Ayesha. Ayesha, hintayin mo ko. Sandali nalang...

"Sir, saan po tayo?" sabi nung taxi driver.

"Sa ******** po manong, kung pwede po sana bilisan niyo, kailangan ako ng Girl-- kailangan ako ng Girlfriend ko.." sabi ko.

"Sige po sir.." sabi nung driver at nagmaneho na.

Hintayin mo ko Ayesha.. sandali nalang ako..

Third Person's POV

Kakarating lang ni Ayesha sa bahay nila, sinalubong siya ni Annika na iyak ng iyak.

"Shhhhh, tahan na Nadine.." sabi ni Ayesha sa kapatid niya.

"A-ate si Mom, ayaw niyang magising.. ayaw din ako papasukin ni Dad sa room niya.. A-ate.." sabi ni Nadine na tuloy tuloy padin sa pag-iyak.

"Shhhh, magiging okay din si Mommy okay? mom needs to rest kaya ayaw kang papasukin ni Daddy sa room ni mom.." sabi nalang ni Ayesha dahilan para kumalma si Nadine.

"B-bakit puro sugat ka sa mukha ate?" inosenteng tanong ni Nadine sa kanya.

A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon