NO GANGSTER ALLOWED
Unang araw ng trabaho ko ay puyat agad ako. Alas dose na ata ako natulog kagabi dahil di ako makatulog. Tapos kailangan kong gumising ng alas kwatro para maghanda sa pagpasok.
Nabasa ko din sa e-mail yung attire na kailangan kong suotin at yun siguro ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog eh.
Nang makapag-ayos na ko ay bumaba na ko sa kusina. Hindi pa gising si Annika tsaka sila Mom and Dad ng ganitong oras kasi mamaya pa naman mga pasok nila.
Si Annika exam nila ngayon sa school sasamahan siya ni mom.
Si Dad naman may office appointment, ang alam ko isasama niya si Nathan dun.
"Nay, salamat po dito sa pagkain ah?" Sabi ko kay nanay. Siya palang nakakaalam na may work na ko bukod sa G6.
"Naku anak, wala man yun sakin. Di man ikaw nakaabala." Sabi niya.
"Sige po nay, kailangan ko nang umalis. Alam niyo na po ang sasabihin niyo kila Dad ah?" Sabi ko at tumango naman siya.
"Kay ganda ng suot mu ngayon anak, napakaganda mu talaga." Sabi niya. "Nay naman, kailangan po sa trabaho eh." Sagot ko.
Naka-neat pony tail kasi ako ngayon para maaliwalas. Syempre magtatype ako ng maraming documents. Ayoko naman nung hawi ako ng hawi nh buhok ko sa mukha diba?
I must say, fitted dress really suits me. All black siya and may suot akong coat na white at syempre naka-stilleto.
Hinubad ko muna ang pagka-gangster ko para sa trabahong ito. Jusko!
Ako na ang nagbukas ng gate tapos sumakay sa kotse at umalis na.
***
Pagdating ko sa office ay hinanap ko agad yung floor kung saan ako magtatrabaho.
Nakita ko agad si Shiela. Yung secretary ng boss ko. "Miss Shiela!" Sabi ko.
"Oh! Ayesha. Ang aga mo ah? Excited?" Sabi niya. At tama siya maaga pa nga ng 30 minutes ng makarating ako dito.
"Hindi naman. Napaaga lang talaga. Nandiyan na ba yung boss ko? Diba gusto niya kong makita?" Sabi ko.
"Ay, wala pa naman siya. Pero pumasok ka na sa office niya. Ang alam ko may iniwan siyang note dun para sa mga gagawin mo." Sabi niya.
"Sige sige. Dun na muna ako. Salamat!" Sabi ko.
Pagkapasok ko sa office ay nakita ko nga yung post it note na nakadikit dun sa computer.
Hi there my new executive assistant! You have a lot of things to do. See that bunch of folders in the yellow table? You have to type it again for our soft copy but make sure that to translate everything in english. Then save it to my hard drive. Got it? You must. See you later. I'll be there at exactly 7am.
-The Boss
"Okay! Simulan na ang trabaho!" Sabi ko at nagsimula nang magtype ng mga documents.
Natapos ko na lahat ng kailangang i-type. Wala na kong gagawin. Matulog kaya muna ako? Tutal 7am pa naman talaga ang dating ng boss ko at 5:30am palang.
BINABASA MO ANG
A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)
Teen Fiction(UNDER MAJOR REVISION) Playgirls are for Playboys will be A Playgirls Tale. I decided to change the title of the story because when I back read everything I saw some flaws and I think I need to change it. So for now, this will be under revision. I w...