Ayesha's POV
3 weeks had past. Wala namang bago eh, lahat kami ngayon nakafocus na sa pag-aaral, about naman sa G6, hanggang ngayon hindi ko pa nasasabi sa kanila na magku-quit na ko sa gang, or should I say bubuwagin ko na ang gang?
I mean ako kasi yung leader eh, so kapag wala na yung leader dapat pa bang ituloy ang group? Hindi na matatawag na G6 ang gang kung wala na ko diba? unless may ipalit sila sakin -__-
Di ko alam kung paano sisimulan eh. Natatakot ako na baka lahat sila magalit sakin. pero kung tutuusin kasi lahat naman kami parang nagbago na this past few weeks. lagi naming kasama sila Yohan at yung mga kaibigan niya, tapos yung G6 wala na halos gang battle dahil narin siguro sa nagbanta sa buhay ko noon.
Speaking of the devil.. napansin ko lang na parang this past few weeks wala nang nangyayari saking kakaiba. I mean wala ng nagbabanta sakin, wala nang gumugulo o kung ano man. Normal day lang. akala ko pa naman ganun katapang yung taong yun para pagbantaan ako yun pala naduwag na. Psh!
"Lalim ng iniisip mo ah?" sabi ni Yohan.
"Wala to.." sabi ko.
"Kilalang kilala na kita ayesha, kapag may problema ka ganyan ka.." sabi niya.
Yeah. for 3 weeks naging mas close na kami ni Yohan, sa kanya ko palang din nasasabi yung about sa pagku-quit ko sa gang. Alam nadin niya yung dahilan kung bakit. Alam kong dapat kay Kim ko sinasabi yung mga bagay na to dahil siya ang bestfriend ko pero natatakot kasi ako sa magiging reaksyon niya.
"Fine.. hanggang ngayon kasi di ko padin alam kung paano ko sasabihin kila Kim yung about sa pagku-quit ko sa gang.." sabi ko.
O_O
"A-anong ginagawa mo yohan?" sabi ko. niyakap niya kasi ako eh.
"niyayakap ka.." sabi niya.
"Alam ko niyayakap mo ko pero bakit?" sabi ko.
humiwalay naman siya sa pagkakayakap tapos tumayo tsaka tinap yung ulo ko.
"S-sige na, dun muna ako. itext mo nalang ako kapag kailangan mo ng kausap.." sabi niya at umalis na.
Naiwan naman ako dito na nakatunganga -_-
*bell rings*
Tapos na pala ang breaktime, makabalik na nga sa room. Actually ako lang kasi yung lumabas ng room. sila Kim at yung iba hindi lumabas ng room. mga nag-uusap tungkol sa mga kaibigan ni Yohan.
Habang naglalakad ako papunta sa room parang may nasagip yung mata ko, at dahil sa pagtataka ko sa nakita ko, binalikan ko yung nakita ko.
O_O
Napatakip ako ng bibig sa nakikita ko. and without hesitations umalis na ko dun kaagad. grabe -_- akala ko matinong lalaki yun hindi pala. tsk tsk
"Hey you!" nilingon ko kung sino sumigaw.
"Me?" sabi ko while pointing myself.
"Yes you.. alam kong nakita mo yung kanina.." sabi niya.
"Don't worry I won't tell anyone.." sabi ko.
"Your Ayesha right?" sabi niya.
"Yeah. And your Mark right?" sabi ko.
"Kilala mo pala ako.." sabi niya.
"Ofcourse, ikaw yung lalaking akala ko suplado at tahimik lang, yun pala may hidden attitude ka and that is to kiss passionately inside the classroom with a girl.." sabi ko.
Naglalakad ako habang siya sumasabay sa paglalakad ko habang kinakausap ako.
"That girl is the one who kissed me, gumanti lang ako.." sabi niya.
Pwew! lalaki nga naman -_-
"Fine. you don't need to tell me that.. I'm not interested anyway.." sabi ko.
"Ang sungit mo talaga.." sabi niya.
"What did you say?" sabi ko.
"Wala, basta yung nakita mo ha.." sabi niya.
"Oo na!" sabi ko.
Lumiko naman siya sa kabilang way. Ako kasi diretso pa. and nakarating na ko sa room. buti nalang wala pang professor. Lumapit na agad ako kila Kim. Masasabi ko din sa kanila ang tungkol dun, sa ngayon ieenjoy ko muna..
---
Short Update. may klase pa kasi ako ngayong araw eh -_- mamaya magtatype ulit ako bago matulog :)
BINABASA MO ANG
A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)
Fiksi Remaja(UNDER MAJOR REVISION) Playgirls are for Playboys will be A Playgirls Tale. I decided to change the title of the story because when I back read everything I saw some flaws and I think I need to change it. So for now, this will be under revision. I w...