Ayesha's POV
Kakatapos lang namin kumain nila Louie, Si Kim naman nauna ng umalis, may importante daw siyang pupuntahan. At none of our business na daw yun. Andito kami ni Louie sa loob ng kwarto ko. Nagpapahinga lang kami.
"So, seryoso ka bang magku-quit ka na?" sabi ni Louie.
Oo seryoso na ko, kita mo na nga ang nangyari sakin ngayon? Halos mamatay ako dun sa building na yun.
"Oo at sigurado na ko dun Louie.." sabi ko.
"Kailan mo balak sabihin kay Kim? Dapat kasi kanina sinabi mo na eh.." sabi niya sabay umupo sa tabi ko.
"Malapit na magbirthday si Kim, at ayoko munang dumagdag sa mga ginagawa niya.." sagot ko.
"Sa bagay, so change topic muna tayo ha?" sabi niya.
"Sige.." sabi ko.
"Kamusta na kayo ni Yohan?" sabi niya.
Kamusta na nga ba kami ni Yohan?
"Okay naman kami.." sabi ko.
"I mean, yung relasyon niyo kamusta?" sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.
"Relasyon?" sambit ko.
"Oo, relasyon Master.. Relasyon, R-E-L-A-S-Y-O-N." sabi niya. At talagang inisa-isa pa ang letra ah?
"Ewan ko, wala namang 'KAMI' eh.." sabi ko.
"Ha?" gulat na sabi niya.
"Basta! Ewan ko, sweet lang siya sakin, tapos simula nung nagtapat siya ng nararamdaman niya para sakin parang nag-iba na, pero hindi pa kami.. yun ang alam ko.." sabi ko.
"Pero gusto mo siya?" sabi ni Louie.
Gusto ko nga ba siya? Oo gusto ko siya. Kung paano niya ko alagaan, kung paano siya kumilos kapag magkasama kami, tsaka yung pakikitungo niya sakin, alam kong may iba, alam kong may something sa aming dalawa, ang kakaiba lang, siya palang ang umaamin na gusto niya ko. pero ako? hindi ko pa nasasabi sa kanya na gusto ko siya.
"Oo, gusto ko siya.." sabi ko. Mahal ko na nga ata eh?
"Boom! yun naman pala eh, gusto niyo naman pala ang isa't isa eh, eh bakit ganito kayo ngayon?" sabi ni Louie.
"Hindi ko alam.." sabi ko. totoo naman eh, hindi ko talaga alam.
"Ang komplikado niyo.." sabi ni Louie.
Komplikado.. oo komplikado nga kami, parehas kami ng nararamdaman pero parehas kaming takot. Kahit nga pagsasabi ng iloveyou sa personal ay hindi naman magawa.
Katulad nalang nung isang araw, nakapagsabi ako ng 'I LOVE YOU' sa kanya sa telepono pa. siya naman nakapagsabi siya ng 'I LOVE YOU' dahil alam niya tulog ako at hindi ko narinig yun.
Hays -_- pag-ibig nga naman.
Sa ngayon, paghahandaan ko muna yung birthday ni Kim. Makabawi man lang ako sa kanya.
*KRIIIIIIIIIIING*
"Oh? kaninong cellphone yun?" sabi ko.
"Ha? teka, sakin ata yun.." sabi ni Kim.
Kinuha naman agad ni Louie yung phone niya sa bulsa niya.
"Sinong tumatawag?" tanong ko.
"Hindi nakaregister yung number eh.." sabi niya.
"Sagutin mo, baka si Yohan yan.." sabi ko.
"Si Yohan? Eh may number naman siya sa phone ko eh.." sabi niya.
"Basta sagutin mo nalang.." sabi ko. Ewan ko, bigla kasi akong kinabahan eh. parang may maling nangyari.
Sinagot naman agad ni Louie yung phone. Tapos parang yung ekspresyon ng mukha ni Louie, parang nagulat na natakot na parang may masamang balita siyang narinig.
I mouthed my lips 'Sino yan?'
"Opo, kasama ko siya.. eto po siya.." sabi ni Louie at binigay ang phone saken.
I mouthed my lips again 'Sino to?"
She mouthed naman her lips 'Kuya mo' kaya naman nilagay ko na agad sa tenga ko yung phone para makausap si Kuya, kaya siguro kay Louie siya tumawag dahil hindi niya matawagan ang phone ko, na nakacharge nga sa counter sabi ni Yohan.
"Hello?" sabi ko sa kabilang linya.
[ Ayesha .. ]
"Hyung?"
[ Si mom, si mom.. naaksidente siya.. You have to go home from you're camping trip ]
"...." wala akong masabi.
[ Nabunggo yung sinasakyan niyang kotse, malakas ang pagkakabunggo ng kotse niya kaya kritikal ang kalagayan niya ngayon, umuwi ka na dito ayesha, kelangan ka ni mom.. kailangan niya tayo.. ]
"Na-nasaan na kayo?" nangangatog kong tanong. at tumulo nalang ang luha ko.
***
"Kaya mo na ba talaga master? hindi mo na ba hihintayin si Yohan?" sabi ni Louie.
"Hindi ko na siya kayang hintayin, mauuna na kong umuwi sa bahay.." sabi ko.
Nagpasya daw kasi si Dad na after nilang dalhin si mom sa emergency room, nagpasya sila na sa bahay nalang magstay si mom. My mother is comatose, and i'm still on shock stage.
"Sure ka na bang hindi na kita sasamahan?" tanong niya.
"Hindi na Louie, kaya ko na to.." sabi ko.
"Sige master, mag-iingat ka." sabi niya at inalalayan akong pumasok sa cab.
Kumaway naman ako at nagpaalam na kami sa isa't isa. My mom needs me.
Bigla namang may pumasok sa isip ko na kinatakot ko. Baka dinamay nila ang pamilya ko sa paghihiganti sakin, baka sinadya na bungguin yung kotse ng mom ko para masagaan talaga siya.
At kapag totoo nga tong kutob ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Hinding hindi.
---
Short Update ^_^ Pasensya na po sa maikling update, pinilit ko lang po talaga na i-push to ngayon, dahil may pasok pa po ako at ayokong maLate :)
Bawe nalang ako sa mga susunod na Updates :) Thank you :*
BINABASA MO ANG
A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)
Teen Fiction(UNDER MAJOR REVISION) Playgirls are for Playboys will be A Playgirls Tale. I decided to change the title of the story because when I back read everything I saw some flaws and I think I need to change it. So for now, this will be under revision. I w...