MY BROTHER
Natauhan ako bigla sa sinabi niya.
"Mahal ka diyan! Pwede ba kuya?" sabi ko sa kanya kasi pinagtitinginan kami ng tao dito sa Starbucks.
Oo tama ang narinig niyo, kuya ko nga 'tong nasa harap ko ngayon.
Tinignan naman niya ko mula ulo hanggang paa na halatang nagulat sa porma kong alam kong maiinis siya.
"Bakit ganyan ang suot mo??" hinatak naman niya ko paupo. Dahil kanina pa ko nakatayo sa harapan niya.
"Alam mo kuya, marami na ang nagbago simula nung umalis ka sa puder nila mom at dad. And about dito sa suot ko, marami ka na ding hindi alam." sumbat ko sa kanya.
"Pero hindi na pang babae ang mga suot mo, from the baseball cap, long shirt, ripped jeans and a pair of white shoes. Dati rati nakadress ka pa at heels." sabay tingin sa mata ko.
"Katulad nga ng sinabi ko kanina, marami na ang nagbago kuya. Tsaka nakapagtapos naman na ko ng college eh. Consistent dean's lister ako and sa monday start na ng work ko." sabi ko tsaka inirapan siya.
"Dami sinabi. Di ko naman tinatanong." Sabi niya sabay higop ng kapeng in-order niya kanina.
"Ayaw mo nun? At least alam mo. Nakakahiya naman sayo eh?" Sarcastic kong sabi.
Grabe. Almost 7 years din siyang nawala. At ang masaklap pa dun, hindi niya sinabi sakin na aalis siya.
"Galit ka pa ba sakin?" Sabi niya. Hindi agad ako sumagot.
Ako? Galit? Kailan pa? 7 years lang naman siyang nawala ng hindi man lang nagpaalam, tumawag o kaya nagtext kung okay lang siya. Bakit naman ako magagalit? Diba?
"Hindi." Maikling sagot ko.
"Huwag ka na magalit sakin bunso. Kinailangan ko lang talagang umalis nun kasi sobrang importante." Sabi niya.
"Mas importante kesa sa sakin? At sa pamilya mo?" Sabi ko. Hindi agad siya nakasagot.
"Kuya, pitong taon kang nawala. Alam mo ba yung pakiramdam nun para sakin? Nawalan ako ng kuya. Nawalan ako ng kapatid. At alam mo ba? Simula nung umalis ka sa bahay nawalan na ko ng knight and shining armor. Palagi akong binubully nung high school ako. Walang nagtatanggol sakin. Tapos si Dad palaging galit sakin dahil palagi nalang daw akong nasa principal's office dahil nakikipagaway ako. Hindi niya alam ako ang inaaway." Sabi ko at hindi na napigilan ang pagtulo ng luha ko.
Hindi ko sana tatanggapin ang panyong binibigay niya pero wala akong dalang panyo kaya tinanggap ko na din.
"Sorry. Hindi ko alam na sobrang dami na pala talagang nagbago simula nung nawala ako." Sabi niya.
"Sorry din. Hindi ko na dapat sinabi sayo yung mga bagay na 'yun." Sabi ko inayos ang itsura ko.
Tumayo ako at aalis na dapat pero pinigilan niya ko. "Ano pa bang kailangan mo Nathan? Kailangan ko nang umalis." Sabi ko.
"Uuwi na ko sa'tin. Sa bahay natin." Sabi niya.
***
Gabi na nung napagpasyahan naming umuwi. Dumaan pa kasi kami sa Penshoppe. Nagpalibre ako ng Cap. Haha
Habang palabas kami ng Mall, hatak hatak ko ang isa niyang maleta. Nalaman kong kakagaling niya lang sa probinsya. Kapag naman tinatanong ko kung ano ang ginawa niya dun ay ayaw niyang sabihin.
"Parking lot tayo." Sabi ko at sumunod lang siya sakin.
Uuwi kami sa bahay. Uuwi ako sa bahay na kasama siya. Uuwi ako kasama ang kuya ko.

BINABASA MO ANG
A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)
Teen Fiction(UNDER MAJOR REVISION) Playgirls are for Playboys will be A Playgirls Tale. I decided to change the title of the story because when I back read everything I saw some flaws and I think I need to change it. So for now, this will be under revision. I w...