BATTLE
Napuyat ako sa kwentuhan namin ng kapatid kong si annika. Mga alos dos na ata kami nakatulog. Ang dami niya kasing kwento.
Pero alam niyo yung feeling na nawala na yung bigat sa pakiramdam nung nagkaayos kayo?
Malayo kasi ang loob sakin ni annika dahil nga 'yun daw ang sabi ni dad.
Ang lumayo sakin.
Infairness nasaktan ako sa sinabi niyang 'yun. Pero sanay na ko kay dad. Immune na ko.
Marami kaming pinagusapan ni annika. Katulad nalang ng pag-aaral niya at ng pagsasayaw ko.
Nagkaintindihan naman kami agad. Kaya ayun, sabi pa niya na ang galing ko daw sumayaw. Sabi ko naman ang talino niya.
Syempre kapag sinabihan ka ng positive, positive din ibigay mo.
Basta! Ang mahalaga okay na kami ng kapatid ko. Masasabi ko nang may kapatid talaga ako.
Miss ko na kasing magkaroon ng kapatid.
Gumising ako ng may mga ngiti sa labi ngunit agad agad itong nawala dahil naalala kong may battle kami ngayong umaga ng alas otso at 7:30am na!
"Putspa naman oh! Ang lakas pa ng loob kong takutin sila. Ako din pala malelate!"
Bahala na. Ligong kalabaw muna.
***
"Nanay marie! Okay na po ba sandwich ko?" Tanong ko sa katulong namin. Pero mas prefer kong tawagin siyang nanay kesa yaya.
"Upu maam. Uki na pu. Hito na pu." Sabay abot sakin nung sandwich.
"Salamat nay, alis na po ako." Pagpapaalam ko.
From rice breakfast to sandwich.
Wala eh. Malelate ako lalo kapag kumain pa ko ng rice.
Pagsarado ko ng pinto nakita ko sa Annika sa may swing. "Alis na ko sistah! Dance battle lang!" Sigaw ko dahil medyo malayo siya.
Nag thumbs up lang siya tsaka nagpatuloy dun sa ginagawa niyang ewan ko kung anong tawag dun. Basta puro goma eh.
Sumakay ako sa kotse pagkabukas ko ng gate. Bumusina nalang ako hudyat na isara yung gate. Si nanay marie ang nagsara.
*message tone*
Binasa ko agad yung text ni Kim sakin. Pinasa ko kagabi yung bagong number ko sa kanilang lima. Di ko na sinabi yung dahilan.
Ano na Nicole? Pa-VIP ka?
"Tse!" Hindi na ko magreply at hinarurot nalang yung kotse.
8:00am na.
***
Buti nalang nung dumating ako eh wala padin yung ibang kalaban namin sa sayaw.
"Swerte mo master wala pa yung iba. Bakit ka ba na-late? Tinakot mo pa kami. Dapat pala natulog pa ko ng mahaba." Sabi ni Louie.

BINABASA MO ANG
A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)
Dla nastolatków(UNDER MAJOR REVISION) Playgirls are for Playboys will be A Playgirls Tale. I decided to change the title of the story because when I back read everything I saw some flaws and I think I need to change it. So for now, this will be under revision. I w...