37 UMBRELLA

275 4 1
                                    

Kim's POV

Andito padin kami sa canteen, actually kanina pa ko nabobored sa mga to. eh kasi naman sila lang nageenjoy sa kwentuhan, alam niyo ba kung ano yung topic nila? IDEAL MAN at IDEAL WOMAN.

Nasaan ba kasi si Nicole? Sabi niya sandali lang siya. Eh bakit hanggang ngayon wala pa siya -_- Dapat talaga sumama na ko dun eh.

"So kung si pareng Ivan ideal woman si Alexa.. eh sino namang ideal girl mo Ginno?" sabi nung Ken. basta yung chinitong lalaki.

"Wala akong Ideal woman.." ang pagkakaalam ko siya yung Ginno.

Parehas pala kaming walang Ideal person. Akala ko ako lang wala.

"Aw. oo nga pala Babaero ka, sa dami ng babaeng naloko mo hindi ka makapili sa kanila.." sabi ni Ken.

"Shut the fvck Ken.." sabi nung Ginno.

Akala ko naman matino siyang lalaki -_- Sa itsura palang naman niya, makikita mo na talaga na manloloko siya ng babae eh. Dapat sa mga ganyang tao pinaglalaruan din eh.

"Masyado ka namang seryoso Ginno.." sabi ni Ken.

Napansin ko din yun, para ngang ang seryoso niya palagi. Para tuloy naguluhan ako, yung itsura niya seryoso pero sabi ni Ken manloloko siya. Ano ba talaga?

"Kim ikaw? nananahimik ka kasi diyan kanina pa eh, ano ba yung Ideal man mo.." sabi ni Jam.

Huh? Bakit napunta sakin?

"Si Kim pa tinanong mo ng ganyan? eh wala naman yang ideal man eh.. HAHA" sabi ni Jem.

Ano nga ba Ideal Man ko? Meron nga ba? Kapag ba sinabing Ideal Man, yun ba yung gusto mo sa isang lalaki? Diba? Kahit papaano naman meron akong pangarap na lalaki kahit ganito ako.

"Bigyan naman natin ng chance si Kim guys.." sabi ni Louie.

"I do have an Ideal man.." sabi ko.

O_O

Lahat sila ganyan itsura -__- Anong meron?

"Di nga Kim? meron nga?" sabi ni Alexa.

Pinsan ko ba talaga tong babaeng to?

"Nice one Kim.." sabi ni Louie na parang nagaasar pa. Tss

"Let your voice be heard!" sigaw ni Jem. Ano to The Voice? Loko talaga.

Lahat naman sila nakatingin sakin na para bang inaabangan yung sasabihin ko. Ganun ba kahalaga yung pagsabi ng Ideal Man mo?

Napansin kong nakatingin sakin yung Ginno, yung Mark naman walang pakialam. nakatingin lang sa cellphone niya. Then the rest, nakatitig sakin habang nakangiti. Mga baliw lang.

A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon