44 CONFESS

203 3 0
                                    

Ayesha's POV

I- I think I.. I think I like you ayesha

I- I think I.. I think I like you ayesha

I- I think I.. I think I like you ayesha

He likes me, He really likes me, kanina nung tinanong ko siya kung seryoso ba siya sa sinabi niya literal nalang na nanlaki ang mata ko ng sabihin niyang "Oo Ayesha, gusto kita.. at hindi ko hinihingi na gustuhin mo ako, ang mahalaga nalaman mo na gusto kita.."

Geez! Si Yohan may gusto sakin? Hanggang ngayon di padin ako makapaniwala -_-

Gusto lang naman eh, normal lang naman yun diba? I mean lagi kasi kaming magkasama tsaka magkausap.

"Gusto mo ba ng prutas?" sabi ni Yohan. Andito padin kasi kami sa ospital, mag-stay daw muna kami dito. mamaya daw pwede na ko umuwi.

"S-sige lang.." sabi ko. para tuloy ang awkward ng pakiramdam na kasama mo sa isang kwarto ang lalaking may gusto sayo -_-

Tinitignan ko lang siya, actually nakatalikod siya ngayon sakin, siguro hinihiwa niya yung mga prutas into bite size.

Yohan is a nice guy. He treats me so gentle. This past few weeks lagi niyang pinapaalala sakin na babae ako, dapat mahinhin ako, dapat kumilos ako na naaayon sa pagkatao ko.

He takes care of me, kahit hindi ko sinasabi sa kanya na ihatid ako, ihahatid niya ko kahit saan. Isang text ko lang sa kanya mabilis pa siya sa kotse kung dumating.

Tulad nalang ngayon, nung sinabi kong pupunta ako sa hospital nandito agad siya. Alam niya kasi na takot sa hospital. Magaan ang loob ko kapag kasama ko siya, alam kong safe ako kapag siya kasama ko.

Parehas kaming gangster pero hindi niya yun pinapakita at ipinaparamdam sakin.

And now I know that he Likes me. Nakakailang tuloy -_-

Papunta na siya sa pwesto ko na may dalang tray.

"Oh eto oh.. may apple na diyan, tapos pineapple tsaka mangga.. kain ka na para lumakas ka na.." sabi niya.

"T-thanks.." sabi ko nalang. Wala eh, speechless talaga ako -__-

"wag ka sanang ma-ilang sakin dahil nalaman mo na gusto kita.." sabi niya.

O_O

"Halata ba?" sabi ko.

"Oo eh Ha-Ha. Alam mo di mo naman kailangan mailang eh, wala namang magbabago sa pakikitungo ko sayo.. I will be the same Yohan na kilala mo.." sabi niya.

Phew! Buti nalang. Nakahinga din ng maluwag.

A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon